Sunday, January 18, 2015

ANG PAPA (Unang yugto)


January 19, 2015

Mercy and Compassion

Sa paglisan ngayong araw ng Lunes, ‘saktong alas-10:12 ng umaga, mula sa bansa ni Pope Francis pabalik sa Vatican, (nasa himpapawid na habang sinusulat ito), ay nagsilbing inspirasyon sa amin ang limang-araw na pagdalaw niya sa Pilipinas (Enero 15-19, 2015) na mayroon temang Mercy and Compassion (Awa at Pakikiramay) patungkol sa nakaraang matinding pananalanta ng bagyong Yolanda, partikular sa Tacloban City at Palo, Leyte noong Nobyembre 2013.

Ang naturang theme na ito ng Pope ang nagbunsod sa amin upang magsaliksik (research) kung ilan ba talaga ang bilang ng mga naging pope simula kay St. Peter noong AD 64 hanggang sa kasalukuyang siglo-2015 ng panunungkulan ni Pope Francis, at papaano inihahalal ang pope, at ano-ano ang taglay na kapangyarihan ng halal na pope batay sa kautusan ni Jesukristo?

Hindi nagkakatugma ang talaan ng iba’t-ibang historian/writer sa tamang bilang ng mga naging pope sa halos 2000-taon ng papacy.  Ito ang aming dahilan upang gumawa ng research at alamin upang maturol kung bakit magkakasalungat ang totoong bilang ng mga naging pope.

Isa sa aming natuklasan na dahilan ay ang pagluklok sa may tatlumpo’t anim (36) na antipope sa papacy sa loob ng 1222 taon, mula kay Hippolytus noong 217, hanggang kay Felix V noong 1439. Gayundin sa pagbilang ng tatlong-beses kay Pope Benedict IX (hindi siya kabilang sa antipope) dahil tatlong-beses siyang nag-resign ngunit tatlong-beses din siyang bumalik sa papacy mula 1032 hanggang 1047! (Mayroon pa kayang pag-asa na bumalik din sa papacy ang kasalukuyan pang buhay at dating Pope Benedict XVI na kusang nagbitiw bilang pope at pinalitan nga ni Pope Francis batay sa sistema o pamamaraan ng paghahalal ng bagong pope ?)

Napatunayan din namin sa aming research na ang Catholic Church ay bukod-tanging Simbahan na itinatag ni Jesukristo sa pamamagitan ng paghirang Niya kay St. Peter, bilang kauna-unahang pope sa balat-ng-lupa. Sa loob nga ng halos 2000-taon ay nagpapatuloy ang papacy upang lalo pang palawakin ang kristiyanidad sa lahat ng lahi at sa lahat ng panahon sa buong mundo. Batay sa pinakahuling census ng Vatican, sinasabing mayroon nang isa punto dalawang bilyon (1.2 billion) tao ang bilang ng mga Kristiyanong Katoliko sa buong mundo.  (ITUTULOY) 



No comments:

Post a Comment