Monday, January 19, 2015

ANG PAPA (Ikalawang yugto)

January 20, 2015

Bishop of Rome

Ang Pope ay titulo ng spiritual ruler ng Simbahang Katolika. Ang Pope ang nagsisilbing ama ng Simbahang katolika na nakikita at nakakahalubilo ng tao, samantalang si Jesukristo naman ang Ama ng Simbahan na hindi nakikita.

Naniniwala ang relihiyong katoliko na si Jesukristo ang naglagay ng “opisina” ng pope noong sabihin Niya kay Simon, kilala rin sa tawag na Pedro o bato, ang ganito – “At sinabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia, at hindi makapananaig  sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.” –  (Mateo 16:18) 

Ang isa sa mahalagang titulo o katawagan sa pope ay Bishop of Rome. Ang isa pang katawagan sa kanya ay Pontiff. Ang salitang pontiff, pontifex sa Latin, ay katawagan noong sinaunang Roma sa bawat miyembro ng konseho ng mga pari.

Hindi kagaya ng ibang posisyon ng awtoridad o liderato, ang opisina at panunungkulan ng isang pope ay nagpatuloy ng walang putol o pagitan sa nakalipas na halos dalawang libong taon. Patunay lamang ito na tunay ngang muog-na-bato ang pundasyon ng Simbahang Katolika, at kayang-kaya nitong pagtakpan ang mortal na kahinaan ng mga kasapi dito.

Ang sistema ng pamahalaan ng Simbahang Katolika sa pamumuno ng Pope ay tinagurian sa wikang Ingles na The Papacy, ibig sabihin ay - Ang Tanggapan ng Papa. Kabilang dito ang kongregasyon , tribuna na nasa ilalim ng curia o gobyerno ng simbahan. Samakatwid, ang Roma ay siyang sentro ng kristiyanismo kung saa’y doon nakabase ang kapangyarihan ng Simbahang Katolika, sa Vatican Palace, na siya ring opisyal na tahanan ng Pope.

Ang pamahalaan ng Simbahang Katolika ay katulad ng isang pyramid. Ang pope ang siyang nag-iisang ulo ng Simbahang Katolika sa buong mundo. Sa ilalim ng pope ay mga paring cardinal, patriyarka, arsobispo at mga Obispo, kasama ang malaking bilang ng abbot, prelate at vicar. Ang lahat ng mga kapariang ito ay siyang bumubuo ng pamunuan ng Simabahang Katolika at bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng impormasyon sa Pope sa lahat ang aktibidades ng Simbahang Katolika sa buong mundo, sa pamamagitan ng mga makabagong komunikasyon o kaya’y personal na pagdalaw sa Pope. Sa sistemang ganito ay nalalaman ng Pope ang pinakahuling mga nangyayari sa pamahalaan ng Simbahang Katolika sa lahat ng dako ng daigdig. (ITUTULOY)

No comments:

Post a Comment