Saturday, January 24, 2015

ANG PAPA (Ika-7 yugto)

January 25, 2015

Lateran and Concordat Treaties

Sumigla ang prestihiyo at impluwensiya ng papacy sa repormang ginawa ni Pope Leo XIII (1878-1903). Lahat ng mga sumunod pang popes ay itinuturo ang detalyadong isyu ng moral at sosyal na mayroong kinalaman sa Simbahang Katolika. Si Pope Pius X (now, St. Pius X) nahalal na kahalili ng kamamatay na si Pope Leo XIII noong 1903 ay nagsumikap upang ang buong Europa ay maging tahimik.

Noong sumiklab ang unang digmaang pagdaigdig taong 1914 ay labis na gumimbal ito sa damdamin ni Pius X at ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan sanhi ng atake sa puso. Ang humaliling si Pope Benedict XV (1914-1922) ay ipinagpatuloy ng mahigpit ang implementasyon ng papal policy na walang kinikilingang bansa sa panahon ng digmaan.

Noong 1929, ang Italia ay nakipagkasundo sa nakaupo noong pope na si Pius XI (1922-1939) upang resolbahin at tapusin na ang 60-taong hidwaan ng Simbahang Katolika at nang Estado. Dalawang-uri ng dokumento ang inihain ng Italia para sa pakikipagkasundo nito sa simbahan.

Una, ang Lateran Treaty. Ang kasulatang ito ang nagbibigay kapangyarihan sa pope at sa mga susunod pang popes ng full temporal powers upang pangasiwaan nito ang Vatican City at kikilalanin ito sa buong daigdig bilang hiwalay na bansa sa Italia.

Ikalawa, ang Concordat Treaty. Ito ay mayroong kinalaman sa relasyon ng Vatican at ng Italia. Kikilalanin ng Italia ang Canon Law, gayun din ang sakramento ng kasal sa simbahan, ay legal ang bisa bilang kasamyento sa buong Europa.

Ang estado ay maglalagay din ng religious schools sa buong Italia at bibigyan ng karapatan ang komunidad ng mga relihiyosong katoliko upang magmay-ari ng mga religious schools. Ang isa pang importanteng nilalaman ng kasulatan ay nagsasaad na handang balikatin ng Italia ang pagbabayad ng danyos sa maling pagkakabawi nito ng mga papal states noong una mula sa Simbahang Katolika.

Noong July 25, 1929, ay lumabas sa Vatican Palace si Pope Pius XI sa pamamagitan ng prosisyon na sinaksihan ng 250,000 katoliko mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Tumuloy ang prosisyon sa St. Peter’s Square bilang hudyat na tapos na ang 60-taong hidwaan sa pagitan ng Italia at ng Papacy. (ITUTULOY)      

No comments:

Post a Comment