ANA: "Habang 'di pa nauumpisahan ang planong pagtatayo ng bagong NBP sa Laur, Nueva Ecija kapalit ng balak na pagsasara ng luma nang NBP sa Muntinlupa na nasa gitna ng ciudad, dapat eh pag-aralan muling maige ng Gov't, partikular nang DOJ, na magtayo na lamang ng bagong NBP a la ALCATRAZ na nasa gitna ng laot, sa halip na itatayo ang bagong NBP sa gitna ng komunidad, o, 'di ba?"
LISA: "Me tama ka r'yan 'ga, peksman! Ang Pinas kase eh isang archipelago na merong higit 7,100 islands, 'lamobayon? So, hindi problema kung saan magtatayo ng bagong NBP a la Alcatraz sa gitna ng laot para ESCAPE-PROOF. Lahat kase ng prisonero na nagtangkang tumakas noon mula sa Alcatraz, eh kung hindi natigok sa lunod, eh recaptured at isinadlak sa bartolina!"
CION: "Ang Alcatraz kase eh isang 12 acres solid rock na merong mahigit isang milya ang layo o agwat mula sa mainland ng San Francisco, California, USA. Ang Alcatraz eh ginamit na U.S. military barracks during the Civil War. Noong 1868 eh converted itong military prison para sa mga nasentensiyahan ng habambuhay, 'gaya ng kasalukuyang mga VIPs na druglords, rapists, murderers 'tsaka MANDARAMBONGS na politikong Pinoy! Yeheyy!!!"
No comments:
Post a Comment