January 24, 2015
Habemus Papam
Kapag ang bilang ng mga cardinal na boboto ay mahahati sa
tatlong kabahagi (divided evenly by three), ang sinoman na magkakamit ng hindi
bababa sa 2/3 ng kabuuang bilang ng boto ay siya nang mahihirang na bagong
pope. Ngunit halimbawang hindi pantay na mahahati-hati sa tatlong kabahagi ang
bilang ng boto, 2/3 plus one vote ang iiral na sistema upang makahirang ng
bagong pope.
Ang mga cardinal na boboto ay may upuang trono na may arko
at nakapalibot sa pader ng conclave. Matapos isulat sa balota ang kanyang boto,
ay dadalhin ng cardinal ang balota sa altar at doo’y mag-aalay ng taimtim na
dasal bago niya ihulog ang balota sa isang malaking gintong kopa na
nagsisilbing hurna.
Muling uulitin ng mga cardinal ang nasabing proseso ng
botohan hanggat walang nahihirang na bagong pope sa ilalim ng nasabing sistema
ng halalan. Ang may pinakamaigsing botohang naganap ay ang pagkakahirang bilang
bagong pope kay Julius II noong 1503, sa loob lamang ng ilang oras. Samantala,
ang pinakamatagal na halalan sa kasaysayan ng conclave ay ang pagkakapanalo
bilang bagong pope ni Gregory X, dalawang-taon at 9 na buwan (1268 – 1271).
Matapos bilangin, ang mga balota ay susunugin na may
kasamang straw upang lalabas sa chimney ang maitim na usok, ibig sabihin, ay
wala pang nananalong bagong pope. Uulit-ulitin ang pagsusunog sa mga balota na
may kasamang straw, isang beses sa umaga at isang beses din sa hapon, hangga’t
wala pang nananalong bagong pope.
Kapag mayroon nang naihalal na bagong pope batay sa sistema
ng bilangan, ang mga balota ay susunugin sa ilalim ng chimney na walang
kasamang straw upang puti ang usok na lalabas sa chimney. Sa St. Peter's Square ay libo-libong tao ang naghihintay sa fumata (smoke signal).
Sila’y sabay-sabay na magbubunyi kapag lumalabas na ang puting usok sa dulo ng
mataas na chimney at sabay-sabay na isisigaw ang – “Viva il Papa” (Long live
the Pope!)
Kasabay ng senaryong ito ay mayroong ritual na nagaganap sa loob ng conclave.
Tatanungin ng Dean of the Sacred College ang nanalong cardinal kung tinatanggap nito ang kanyang pagkakapanalo bilang bagong pope at anong pangalan ang
gagamitin nito bilang pope sa buong sanlibutan. Matapos kumpirmahin ng bagong pope
na tinatanggap nito ang kapasyahan ng balota at ibigay ang kanyang pangalan
bilang pope, ang Senior Cardinal Deacon ay lalabas sa balkonahe ng St. Petrer’s
Church upang ipahayag sa wikang Latin sa buong mundo – “Habemus papam!” (We have
a pope!)
Sa puntong ito ay lalabas na ang bagong pope para sa kanyang
kauna-unahang gawad-bendisyon sa buong sanlibutan – “Urbi et Orbi!” (To the city and
to the world!) (ITUTULOY)
No comments:
Post a Comment