Thursday, January 8, 2015

CONSUMERS OF MANILA WATER PAYING FOR THE FIRM'S INCOME TAX

ANA: "Anong salita pa kaya ang puedeng ilapat sa Manila Water para malinaw na maintindihan ng kanilang consumers ang walang-habas, ganid, masiba at maninilang a la halimaw na PANININGIL ng MANTRA (utos) mula sa kanilang unsuspecting consumers? Nakakapanginig-ng-laman ang mga ibinulgar ni Sir Neal vs Manila Water at Maynilad ang a la PANDURUKOT sa bulsa ng walang kamalay-malay na water consumers sa buong Metro Manila! Biro mo 'yon?"

LISA: "Naku, hindi biro-biro 'yon noh! Dito nga sa'ting subdivision sa Rizal province, ayon kuno sa MANTRA (tripartite) sa pagitan ng Manila Water, ang developer ng subdivision na si ex-Sen Money Bilyar 'tsaka ang pekeng Homeowners' Asso eh pilit na PINASUKA (siningil), individually, ang 980 homeowners ng tig P16,000 (payable in 3 years) noong 2008 para umano sa right-of-way ng main pipe na ibabaon sa gitna ng kalsada sa buong subdivision upang makarating ang tubig sa bawat gripo ng consumer. 'Di ba syndicated estafa ang ginawang 'to ng Manila Water, ni ex-Sen at nang pekeng homeowners' asso?"

CION: "Sa totoo lang, sinampahan na ng kaso ni Sir Leo ang pekeng homeowners' asso sa Piskalya no'n pang June 2010 pero IBINASURA ng tomboy na FIXCAL na si Maryang Garutay. Nag-file uli si Sir Leo ng MR pero iniligwak uli ni Garutay, kase, niregaluhan siya ng brandnew car ng dating bigboss ng Diamond Motors (deceased) na nag-revive sa pekeng homeowners' asso para gamitin silang taga-SINGIL ng Manila Water at ni Bilyar. Pero naniniwala si Sir Leo sa lakas ng documentary evidence na hawak nito kaya muli siyang nag-file ng Letter-Complaint sa OMB no'ng Dec 12, 2014 vs pekeng homeowners asso. AMEN."

No comments:

Post a Comment