Monday, January 12, 2015

"JUAN TANG NG IS ACTUALLY ESTRADA HIMSELF" - GOV'T OFFICIAL

ANA: "Hoy 'ga, 'lamobang si Tang Ng, Juan eh ginamit na CONDUIT (imbudo) ni Junggoy para isalin ke senaTONG mula sa kanyang PDAF ang tens of millions of pesos in kickbacks, bribe and commissions galing sa pekeng NGOs ni Janet Lim-Napoles, batay sa nadiskubre ng AMLC? 'Lamobang 'yung modus-operandi noon ni Erap, aka Jose Velarde, eh siya ring ginaya ni Junggoy at nagpanggap itong si Tang Ng, Juan? HULI!!!"

LISA: "Yes, yes yeow! Pero, 'lamorinbang NATARANTA lahat ang battery of lieyers ni Junggoy at mariing tinutulan ang pagsalang sana sa witness stand ke AMLC Investigator Orlando Negradas, Jr, for cross examinataion? Kase, bakit HINDI raw muna binigyan ang panig ng akusado (Junggoy) ng kopya ng REPORT na nagdidetalye sa conventional signatures kapwa nina Tang Ng, Juan at Junggoy, na the same 2 signatures, eh ginamit ni Junggoy sa kanyang bank transactions? HULI!!!"

CION: "Uh-unga 'day, sa kabiglaan ng lieyers ni Junggoy eh nagmistula lahat silang TARANTADO, peksman! Hindi na kailanman mababago pa ang utak PANDARAMBONG ni Junggoy, mana sa kanyang amang si Erap, kase, bakit ginawa uli niya ang katulad ng pagkakamaling ginawa noon ni Erap? Matatandaang nagpanggap noon si Erap at PUMIRMA siyang si Jose Velarde para ideposito sa bangko ang dinambong nitong bilyon-bilyong piso na pera ng jueteng. HULI!!!"

No comments:

Post a Comment