ANA: "Ang MAHAYAP (penetrating) na paliwanag kaakibat ng formula (kuwenta) ni Mareng Winnie, re on the raging controversy over the LRT and MRT fare increases, eh 'di mapasusubalian, bagkos, ito'y UMAALINGAWNGAW sa katotohan. Pero, ga'no man ang lakas-ng-dating nito sa mga mananakay ng MRT-LRT, ang isyung ito eh lalo lamang sasagkaan ng mga makakaliwa sa pangunguna ni call-me-NARES, I'm sure!"
LISA: "I'm sure din ako, 'ga. Sana eh marinig ni Nares (am not sure) ang panawagan ni Pope Francis "serve the poor, do not USE the poor." Sa halip kasing tumulong sa pagresolba ng mga krisis sa gobierno bilang kongresista, aba eh, siya pa ang nangungunang humingi ng TRO vs fare increase ng LRT-MRT! Para ba tuluyan nang huminto ang aandap-andap nang serbisyo-publiko ng LRT-MRT? Asusmaryopes kang Nares ka!!!"
CION: "Para sa'ken eh tama lang na idinulog sa SC ni Nares ang isyung ito ng fare increase ng MRT-LRT. Naniniwala akong 'di kasama sa inihaing ebidens ni Nares sa SC ang mga kuwenta ni Mareng Winnie na ibinase niya sa nakalipas na 13-taon, porke, SUBSIDIZED pala ng Gov't ang pamasahe ng bawat pasahero ng halos kalahati ng halaga bawat tiket. Batay sa kuwenta, LUGI ng P90 billion to P100 billion ang Gov't sa nakalipas na 13-taong na serbisyo-publiko ng MRT-LRT. Anong say mo, call-me-NARES, hhmm?"
No comments:
Post a Comment