Thursday, January 22, 2015

ANG PAPA (Ika-5 yugto)

January 23, 2015

The Sacred College

Ang Sacred College na tinagurian ding College of Cardinals ay siyang nagsisilbing tagapayo ng pope. Madalas ay sila ang hinihingian ng opinion ng pontiff upang bigyan ng solusyon ang ano mang uri ng problemang kinakaharap ng papacy. Sa naturang mga okasyon ay dito rin inihahayag ng pope ang pangalan ng mga napipisil niyang maging cardinal. Ang naturang mga pangalan ay pagbobotohan. Sa katulad ding ipinatatawag na pagtitipon ay doon isasagawa ang pag-uusap hinggil sa kandidato para sa beatification at canonization

Ang pinaka-importanteng gawain ng Sacred College ay ang eleksiyon ng isang bagong pope. Kung halimbawang may namatay na pope, ay gagawin ang mga sumusunod na ritual. Ito’y upang patototohanan ng Cardinal Dean, sa pamamagitan ng paghipo nito ng tatlong beses sa noo ng kamamatay na pope, habang hawak ang isang silver mallet. Ilang sandali pa ay tatawagin ng Cardinal Dean ang binyagang pangalan ng kamamatay na pope at kasunod nito ay idedeklara ang ganito: “Ang pope ay tunay ngang patay na!”

Sa pagkakataong ito ay awtomatikong sa Sacred College na maisasalin ang  poder ng pansamantalang pagpapatakbo sa administration of papacy hanggang sa ang Sacred College din ay makapaghahalal ng bagong pope. Gayunman, hindi lahat ng kapangyarihan ng isang pope, spiritual man o temporal, ay tataglayin din ng Sacred College habang sila ang nasa poder at wala pang naihahalal na bagong pope.

Papaano ihahalal ang isang Pope?

The Conclave ang taguri sa Sacred College kapag sila ay nasa panahong maghahalal ng bagong pope. Magsisimula ang conclave mula sa pagitan ng ika-15 at ika-18 araw ng kamatayan ng pope.
Batay sa detalyadong kautusan ni Pope Pius XII noong 1945, na lalo pang pinagtibay at binigyan diin ni Pope John XXIII noong 1962, ayon sa sumusunod:

Ang lahat ng cardinal sa buong daigdig ay magtutungo sa Vatican City upang maghalal ng bagong pope. Sa itinakdang araw, sila’y dadalo sa Santa Misa ng Holy Spirit upang humingi ng patnubay sa gagawin nilang pagpili ng bagong pope. Kasama sa kanilang darasalin ang pangakong pananalitiin nila ang kalihiman at katapatan. Walang ibang tao ang pahihintulutang manatili sa loob ng conclave maliban sa mga cardinal. Ikakandado ang pintuan ng conclave, may dalawang bantay sa loob, dalawa rin sa labas at bubuksan lamang ang pintuan kung mayroon nang naihalal na bagong pope. Ang bawat cardinal ay mayroong nakatokang silid sa loob ng conclave at sila’y magkikita-kita, dalawang-beses araw-araw, sa SISTINE CHAPEL kapag oras na para maghuhulog ng kani-kanilang balota. (ITUTULOY

No comments:

Post a Comment