Wednesday, January 21, 2015

ANG PAPA (Ikaapat-na-yugto)

January 22, 2015

Papal Swiss Guard

Bilang isang independent state, walang armed forces ang Vatican kundi mga Papal Swiss Guard lamang. Sila ay sinanay upang bantayan ang buong Vatican. Sila’y pawang mga taga-Switzerland at may kasuotang matitingkad ang kulay na unipormeng dinisenyo pa ni Michaelangelo noong ika-1500 siglo.

Ang mga Swiss Guard ay kinasundo noon ni Pope Julius II mula sa Zurich at may orihinal silang bilang na 250 guards. Umiiral pa rin ang naturang kasunduan hanggang sa kasalukuyan kung kaya naman ay pawang mamamayang Swiso lamang ang mga naitatalagang guwardiya sa Vatican magpa-hanggang ngayon sa ating panahon.

Ang katawagan sa Pope bilang opisyal na titulo nito ay ang mga sumusunod: Bishop of Rome, Vicar of Jesus Christ, Successor of the Prince of Apostles, Supreme Pontiff of the Universal Church, Patriarch of the West, Primate of Italy, Archbishop and Metropolitan of the Roman Province, at ang pinakahuli ay ang Sovereign of the State of Vatican City. Kung lumalagda sa mga kasulatan, ang Pope ay ipinakikilala ang sarili niya na siya ay “Servant of the Servants of God.”

Ang sino mang bagong-halal na Pope ay pipili ng kanyang pangalan upang ito ang opisyal niyang gagamitin sa kanyang buong panunungkulan sa papacy.  Ang karaniwang napipiling pangalan ng bagong pope ay pangalan ng mga naunang pope. Subalit hindi pinapayagan ng canon law na gagamitin ang pangalan ni St. Peter, ang kauna-unahang pope na mismong ang Jesukristo ang nagtalaga, sapagkat, iisa lamang at hindi na kailanman magkakaroon pa ng isa pang St. Peter the Apostle.

Ang kasuotan ng pope ay kulay puti at kawangis ng kasuotan ng mga Obispo. Ang sapatos nito ay mababa ang tabas na animo sandalyas, kulay pula at mayroong burdang krus sa magkabilang harap. May suot na kuwintas ang pope na ang ginto ay nagmula sa tapyas na ginto ng orihinal na krus. Kabilang sa mga alahas ng pope ang singsing na kung tawagin ay the fisherman’s ring. Si San Pedro ay isa ring mangingisda, at sinabi sa kanya noon ni Jesukristo habang kasama niya ang kanyang kapatid, ang ganito: “Sumunod kayo sa akin, gagawin ko kayong mamamalakaya ng  tao.”– (Mateo 4:19) (ITUTULOY)

No comments:

Post a Comment