Tuesday, January 6, 2015

PROBE VS PROBE

ANA: "Naku, naghalo na ang balat-sa-tinalupan! Siempre, pa'no pa maililihim ang tunay na KULAY ng mansanas na kinakain ni Nang Si na nangingitim sa tama ng ibinabatong INSULTO,'di ba? Biruin mong magsasagawa rin daw siya ng imbestigasyon vs CCT program bago pa siya mangamoy ALIMUOM, kase, nangitim siyang lalo ng mabalatan, noh?"

LISA: "Pa'no ba kase kakapit ang amoy-alimuom sa isang kagulang-gulang na politiko 'gaya ni Nang Si, ha? Kapag nabilad sa araw habang tagaktak ang pawisang katawan? O, kaya naman eh mangangamoy alimuom ka dahil sa singaw ng pawisang kili-kili? Siguro, puedeng EITHER OF THE TWO na lang ang sagot para oke-na-oke, 'di ba Nang Si? H-hattchinggg!!!"

CION: "Heh! Pa'nong hindi mangingitim si Nang Si eh binubugbog mo naman sa insulto 'yung tao, noh?Sabagay, eh, me kinalaman kase 'yang bagong inilutang na kaso ni Sen Trillanes laban sa amang si Nognog ni Nang Si, sa panibagong PANDARAMBONG uli UMANO ni Nognog a la Delfin Lee? Re: contractors of low-cost housing that wreaked havoc on the housing scene because of DOUBLE SELLING! Nakanang-ina talaga, hhuuu!!!"  

No comments:

Post a Comment