Ang Vatican sa Rome ang sentro ng Simbahan Katolika na dumanas din ng matinding gusot 'gaya ng banggaan ngayon ng Phl Gov't at ng MILF (Muslims).
Batay sa history, eh nakipagkasundo noong 1929 ang Italian Gov't ke Pope Pius XI sa Roma para AYUSIN ang 60 yrs nang hidwaan ng simhabang Katolika vs Italian Gov't sa pamamagitan ng pag-alok ng Lateran & Concordat treaties ng Italia para tuluyan nang wakasan ang sigalot sa pagitan nila.
Ang Lateran eh isang kasulatan na nagpapahintulot sa sinomang nakaupong Pope ng FULL POWERS upang pangasiwaan ng papacy at IPASYA na ang Vatican City ay isang hiwalay na bansa sa Italia, samantalang ang Concordat eh kasunduang dokumento na kikilalanin ng Italia ang Canon Law, gayun din ang sakramento ng kasal sa simbahan eh LEGAL ang bisa sa buong mundo.
Mula noon hanggang ngayon eh wala nang naganap o magaganap pang hidwaan sa pagitan ng Vatican City at Italia dahil sa kasunduang Lateran at Concordat, tulad ng kasunduang pinapangarap ngayong makamit ng Islam at Kristiyanong kapwa Pinoy sa Mindanao, Phl. LORD, PAKINGGAN MO ANG AMING PANALANGIN.
No comments:
Post a Comment