Monday, July 31, 2017

THIS IS A MASSACRE!

This is a MASSACRE!
Sadyang pinutol ng CIDG raiders ang daloy ng kuryente sa bahay ng mga Parojinog, ayon sa report, alas 2:30 ng madaling-araw no'ng July 30, 2017 (a Sunday), para walang gaganang CCTV bago raw ISILBI ng pulis ang warrant of arrest vs meyor Aldong Parojinog, et al.
MADILIM at biglang nagkaputukan, pulos sa ULO ang tama ng mag-asawang Aldong at Susan at 13 iba pa - LAHAT PATAY - porke "DIKITANG LUMABAN DAW" ng barilan ang 15 BIKTIMA sa mga 'SNIPERS' na pulis? ayon mismo sa bersiyon ng CIDG! Owss?
Two mayors have been ELIMINATED, both tagged as narco-politicians by Digong himself.
Are the narco ex-generals next? Mayor Loot? HUMANDA KA NA!!!

Sunday, July 30, 2017

DEATH SUDDENLY CAME FOR PAROJINOGS

Oke, kung tunay na lumaban DAW ng barilan ang mga Parojinog vs CIDG pero isang KISAP-MATA eh NALAGAS lahat sila ng mga pulis, eh bakit 'di na lang CIDG ang utusan ni Digong sa Marawi, kapalit ng AFP, para isang kisap-mata rin nilang PUPULBUSIN ang mga sniper ng Maute para sa maagang LIBERATION ng Marawi?
Otherwise, mga amasonang hubad, sa halip na marino, ang aming ipadadala para MAPUTOL nang tuluyan ang MauteN group, 'di ba, Bato? (credit to the owner)

Saturday, July 29, 2017

FARINAS SAYS BOC 'STORY' AIMED TO COVER UP ISSUE ON P5-B SHABU SMUGGLING

NagkaHETOT-HETOT (in shambles) na ang buong HoR, a la DUROG-DUROG na Marawi City, matapos PASARINGAN ni Atty Anderson (AA) na IMBECILE si spookyNANG Panty Alburis.
NagkaWINDANG-WINDANG (torn-apart) kase ang regular na PALUSOT sa BOC ng shabu shipment ni Peter Lim? mula TSAYNA na nagkakahalaga raw ng more than P5 B, ayon ke HoR MajFL Rudy Farinas, who is obviously diverting the issue?
Para sa'min eh ang isyung ito MISMO ng illegal drugs ang UGAT kung bakit hindi MAAMPAT-AMPAT ang daloy ng illegal drugs sa bansa dahil sa mga shipments na'to ni Peter Lim? na pinadaraan sa BOC at NATUKLASAN nga nina BOC Comm Faeldon at AA, see?
Sigurado kaming SISISIHIN na naman ng mga IMBECILE (sintu-sinto) sa house of representaTHIEVES sina Faeldon at AA eh mga DILAWAN din - BOW!!!
SINTU-SINTO adj. crazy; imbecile; weak-minded. Syn. Sira-sira; kulang-kulang. (Tagalog-English Dictionary by Leo James English)

Friday, July 28, 2017

LETTER OF HOUSE SPOOKER PANTY ALBURIS ASKING BOC TO PROMOTE EMPLOYEE

O ngayon, hindi makapalag si HoR spooker Panty Alburis para ITANGGI ang pirmado niyang recommendation-letter for promotion para sa bata niyang si Sandy D. Sacluti bilang Customs Operations Officer V (COO V).
Malinaw kase na gustong idestino ni Panty si Sacluti sa juicy position ng COO V sa Port of Manila bilang IMBUDO (funnel) nito upang kagyat na maISALIN ni Sacluti sa bulsa ni Panty ang koleksiyon ng Customs???
Merong PASUBALI si Panty na halatang napaHIYA na para bagang PINITPIT-NA-LUYA - "But I'm sorry I do not want to comment in that at the moment so as not to divert from the drugs issue being investigated by the HoR," ang palusot pa ni Panty.

Anong kinalaman ng recommendation-letter ni Panty para sa bata niyang si Sacluti sa isyu ng drugs, ha?
Tunay na BULAAN si Panty, a la Digong na iba ang sinasabi kesa ginagawa para mapagtakpan ang kanilang pagka-IMBECILE (sintu-sinto), PEKSMAN!!!

Thursday, July 27, 2017

#SUMUKONGRESO

LUBOS nang ISINUKO ng Senate at HoR ang kapangyarihan nila to REIN and CONTROL Congress by Digong, 'yan ang masaklap na katotohanan.
Walang magagawa kung magkakampi ang dalawa sa tatlong branches ng government (Executive, Legislative) laban sa Judicial branch - MAWAWALA ANG CHECK AND BALANCE sa 3 tungko ng gobyerno - ibig sabihin, ang kapangyarihan ni Digong eh magiging katulad ng isang HARI.
Papayag ba ang mga MILLENIALS???

"IMBECILE"

Ang kabanatang ito ng CAMPAIGN AGAINST CORRUPTION kuno ng Digong admin eh bistadong PEKE bunsod sa tangkang pananakot ni HoR Maj FL Rudy Farinas vs kapwa abogado't Customs Official Mandy Mercado Anderson re kung bakit sinabi nitong IMBECILE (sintu-sinto) kuno ang Speaker of the HoR!!!
"I believe I have the freedom to express my opinion regarding an elected official' - ang sagot naman ni Atty Anderson ke Farinas patungkol sa isyu vs HoR spooker Panty Alburis.
Pa'no kase, lumutang na BINABARASO ni ignoble (IMBI) Panty si Anderson para i-promote sa JUICY POSITION ang isa nitong tauhan na UNQUALIFIED Customs employee pero TAHASANG TINANGGIHAN ni Anderson, o, hah!
"I'm hoping and praying he tries so he (IMBIng spooker) realizes what an IMBECILE he is when he fails." - Atty Anderson.
Nyah-haha-ha!!!

Tuesday, July 25, 2017

DIGONG TELLS JOMA: COMMIT SUICIDE

Hindi sa Norway kundi sa Netherlands naka-asylum (nakatira) si JoMa Sison, Digong, alamin mo ang geography mo - BOBO!
'Yung comment kasi ni Digong is highly in question aside from being UNPRESIDENTIAL nang pagsabihan niya si JoMa - 'kaya nga pinaaalis na kayo sa Norway' - porke ang bansang Norway is the third-party facilitator between the talks Phl gov't & NDF, at hindi sa bansang 'yon nakatira si JoMa, o, intiende Digong?
Samantala, noong nakaraang buwan lamang (June 17, 2017) eh magkaVIBES pa sila Digong at JoMa porke nag-ALOK pa si Digong ng AFP RANKS to NPAs, see?
If ever there is a need for someone to commit suicide to save the country from certain perdition, Digong must be the first one to do so but much better for the nation if BOTH Digong and JoMa did it together, IN TANDEM, peksman!!!

Saturday, July 22, 2017

A PRESIDENT FOR AN ANGRY NATION

'Yung mga tanong ng survey firms para sa opinion polls eh pulos ALANGANIN (ambiguity), PABAGO-BAGO (fickle), merong KAHINAAN (foible), at pawang KATARANTADUHAN (follies) lamang upang paboran at ma-maintain ni Digong ang kanyang POPULARITY without moral foundation.
A leader who anchors his leadership on OPINION POLLS deceives himself NOT his people, peksman!
Si Digong kase is a leader AFRAID to be alone, SCARED of his shadows 'tsaka sa ULAN din, kaya naman kahit saan siya magpunta me kasama siyang YAYA (ang gelpren niyang si Mocha) bukod pa sa 2 batalyong presidential guard, see?

DUWAG KA, DIGONG!!!

"NATIONWIDE MARTIAL LAW? THAT WILL NEVER HAPPEN" - LORENZANA

Sa interpellation (pagtatanong) ni Sen Kiko Pangilinan ke ML Administrator Delfin Lorenzana - 'Given the Abu Sayyaf attack in Bohol, will ML be declared also in the Visayas? And given that the NPA also operates in Luzon, will the island be part of the ML?
Sagot ni Lorenzana - "HINDI MANGYAYARI 'YAN!"
OWWSS?! Kung ibabase sa pambobola, pang-uuto at panggaGAGO ni Digong sa madlang-pipol: HINDI nangyari 'yung drug-free, crime-free in 6 months at HINDI siya nagresign nang hindi ito natupad 'gaya ng pangako nito; HINDI nangyari 'yung endo; HINDI rin nangyari na parang Singapore na ang PHL, o, 'di ba?
Eh kase, sa pabago-bagong takbo ng utak ni Digong na mas MADALAS pang magpalit ng desisyon kesa magpalit ng kanyang brief, eh HARINAWANG si ML Administrator Lorenzana eh TUMUPAD sa kanyang SUMPA na hindi magkakaro'n ng ML sa buong PHL, o, hah!

Friday, July 21, 2017

"IF I HAVE MY WAY, I WOULD LIKE TO DESTROY GOV'T" - SAYS DIGONG

Ang tindi rin naman ng palipad-hangin ni Digong bago sumalang sa kanyang ika-2 SONA sa Lunes (July 24), pang GULPE-DE-GULAT, 'ika nga noh!
Ang PAUTOT ni Digong habang nahihibang sa tama ng fentanyl - 'If I have my way, I would like to destroy government and replace it with SOMETHING, which move by itself AUTOMATICALLY.'
Anong akala ni Digong sa gobyernong ito na gusto niyang palitan ng SOMETHING, palitan ito ng ROBOT? - eh wala pa namang automatic na gobyerno sa buong planeta noh!
Itong si Digong has a BIG MOUTH and small brain na gusto na namang mag-experiment ng TRICK 'gaya ng siya'y gumawa ng PEKENG medical certificate para siya'y exempted sa ROTC na requirement for graduation sa college, o hah!!!

Wednesday, July 19, 2017

FARINAS, MARCOS SWAP RAPS OF STEALING ORIGINAL TOBACCO FUND PAPERS

O hayan na, NAGTURUAN na sila Imee at Rudy kung sino sa kanila ang NAGNAKAW kuno ng orig na dokumento ng transaksiyon sa P66.45 M tobacco excise tax mula sa COA inside provincial capitol of Ilocos Norte.
It's a simple saying - 'MAGNANAKAW GALIT SA KAPWA MAGNANAKAW' - pero bakit kaya TAMEME si Digong tungkol dito, dahil kaya magnanakaw din siyang kagaya nila?
Sige, galit-galit muna kayo habang kami'y NAKAMASID sa inyo - matira ang matibay, o, 'di ba, CUCKOO Pimentel?

Sunday, July 16, 2017

UTTER FAILURE

Only be one rating that could be given to Digong after first year in office - UTTER (lubos) FAILURE!!!
An'dami niya kasing SINASADYANG PAGKAKAMALI, like dropping the ball in favorable WPS ruling vs China, 'tsaka nito ngang huli'y IBINALIK bilang IPISyal na pulis ang bugok, murderous & arrogant na si PSupt Marcos, samantalang lumalala naman ang gera sa Marawi at traffic sa MM.
Bakit? Eh baka kasi kumanta ng LA PALOMA si Marcos at MABULATLAT ang LIHIM na ang tinigok niyang si meyor Espinosa eh KASOSYO pala ng anak ni Digong na si Paulo at ni Peter Lim bilang DRUG LORDS, o, hah!
Oke, mula sa kaibuturan ng aming puso, ang ibibigay naming grado ni Digong sa unang anibersaryo ng kanyang pagka-panggulo - SMB - Style Mo Bulok!!!

Saturday, July 15, 2017

WIGUIRRE READY TO FACE SEN D5 RAPS 'IN ANY FORUM'

Halatang nagpapakitang gilas at kunwa'y walang kaba na haharapin in any forum kuno ni Wiguirre nang pormal na IPAGSAKDAL siya ni Sen D5 ng PATONG-PATONG na criminal, civil, and administrative cases sa OMB.
Sa pakiramdam namin eh biglang NAALIMPUNGATAN ang nagtutulog-tulugang Pinoy, kasama na ang 16M bobotards, sa panibagong EKSENA na'to ni D5 laban ke Wiguirre porke ramdam nang mawawala ang KINANG (glitter) ng Digong gov't, 'di ba?
"A newly established government must DAZZLE & ASTONISH (sumilaw at magpamangha). The moment it ceases to GLITTER, it FALLS" - Napoleon Bonaparte. See???

SUPT MARCOS REVERTED TO DUTY, NOT REINSTATED, PNP CLARIFIES

Ano ba ang pagkakaiba ng English words na REVERT at REINSTATE, spelling? 
Para sa amin kasi eh PAREHO lang meaning ng 2 words, so anong dictionary kaya ang gamit ng PNP, made in TSAYNA??? 
Revert (MANUMBALIK) - to go back to a former practice, condition, belief, etc.
Reinstate (ILAGAY SA DATI) - to restore to a former rank or condition.
Sabi ni cheap PNP Bato GAN - "Marcos reverted to duty, not reinstated" - PALUSOT!!!

Thursday, July 13, 2017

DUTERTE ORDER TO KILL 'CRIMINALS' UNACCEPTABLE - OMB CONCHITA MORALES

Sa wakas eh nagpahayag na rin, sa unang pagkakataon, ng kanyang matinding CONTRADICTION (pagsalungat) si Ombudsman Morales sa mga mensahe ni Digong - GOADING (humihimok, nanunulsol) THE PNP TO KILL PEOPLE - at damang-dama ang EPEK sa Malakanyang.
"The directive to kill people under any situation, irrespective of how, irrespective of the context, to me, that's not acceptable," ang pahiwatig ng Omb, a Ramon Magsaysay laureate and former SC justice - 'tsaka BALAE mismo ni Digong, see?
Ang utol ni Ombudsman Morales, Lucas Carpio Jr, eh biyenan ni meyor Sara ng Davao na anak ni Digong, o, hah!
Nagyabang na muli kase 'tong durian-face na si Digong sa harap ng mga pulis-patola ni Bato - 'I am the only president who could openly order the killing of those sons of bitches' - referring to drug suspects - 'kill those who tried to fight back, if they do not, then make them.'
As expected, spookman Aberya might try to explain or justify Digong's words but he could not deny the impact of his message.
Kung tutuusin batay sa law of gravity - WHAT GOES UP MUST COME DOWN - at aming NAAANINAG ang nalalapit na pagbagsak ni Digong sa kanyang makaHAYUP na kapangyarihan, peksman. HAPPY FENTANYL!!!

Tuesday, July 11, 2017

PET KICKS OFF DISCUSSION ON MARCOS POLL PROTEST, ROBREDO COUNTER-PROTEST

Muling NAHIHIWATIGAN ng Pinoy ang MORO-MORO ng SC in favor of BBM's protest vs VP Leni.
Malinaw na nagkaro'n na ng malaking TREPIDATION (pangangatal-sa-takot) ang SC ke Digong na baka LUSAWIN (abolish) nito ang SC kung ipatatalo nila si BBM vs VP Leni?
There is no doubt that the SC is now under the strong influence of Digong thereby losing its independence after the SC affirmation of BBM's father Ferdinand's burial at the LNMB & the unanimous approval of Digong's Mindanao ML.
Ang payo namin sa AFP - SI VIS PACEM, PARA BELLUM (If you wish for peace, prepare for war) - laban sa de facto dictatorship na pina-iiral ngayon ni Digong sa Phl.

Friday, July 7, 2017

BAD WEATHER FORCES DIGONG TO CANCEL VISIT TO MARAWI

Ang tindi rin naman ng PALUSOT ni Digong na gustong-gusto sana raw niyang TO VISIT Marawi kahapon, Friday, kaya lang eh hindi natuloy dahil umano sa BAD WEATHER, o, hah!
The first time he missed Marawi because of foul weather, this time a little bit rain, what will be his next excuse - because of BED WEATHER (nasa kama siya't nagHIHINGALO na)???
Matatandaang kahapon was Digong's second attempt to visit the city, some portions of which are still occupied by Maute terrorists, but SQUALL (bugso ng hangin at ulan) prevented the presidential aircraft from landing, ang SABI DA!
Digong has already fooled 16 million or so dutertards, let him NOT FOOL the whole nation - NEVER AGAIN!!!

Thursday, July 6, 2017

CAN WE EXPECT CROCODILES & HYENAS TO IGNORE MEAT?

Hindi pa natatapos ang bakbakan sa pagitan ng AFP vs Maute group eh gumagawa na pala ng MASTER PLAN kuno ang DPWH to REBUILD, RECONSTRUCT & REHABILITATE Marawi City allotting P20 BILLION for that purpose, o, hah!!!
Kumpara sa Eastern Visayas na mas grabeng NILURAY ng Yolanda kesa pagDUROG ng Maute group at AFP sa Marawi, mga PULPOLITIKO mula sa rehiyon 'gaya ng mga Romualdez dipped their hands into every projects, lobbying to have their favored contractors bag contracts, see?
Pero hanggang sa ngayo'y hindi pa tapos ang mga proyekto doon eh UBOS NA ANG PONDO, ano ba 'yan!!!
Sabi nga ni danadelrosario2@gmail.com - "I hope that the President and Secretary Villar will tap the AFP and the PNP to monitor and denounce crooked politicians who will take advantage of the situation when 'master plan' to rebuild Marawi City starts."
Pero ang tanong eh, CAN WE EXPECT CROCODILES & HYENAS TO IGNORE MEAT???

Wednesday, July 5, 2017

HONORABLE WAY OUT

Ang paghingi raw ng APOLOGY ni Sen Trillanes, ayon kina Tito Sen at Sen JV, after Trillanes made a controversial statement calling the Senate a PUPPET of Digong and his admin, is the only honorable way out kuno ni Trillanes?
Nasaktan ang mga DAMDAMIN nina Tito Sen at JV, kasama siempre si SP KokoNUT (maluwag-ang-turnilyo) porke UMAALMA sila - "As if we're LAP DOGS of the administration" - samantalang KITANG-KITA naman natin ang EBIDENS so anong patunay pa ba ang kelangan nila, ha?
What was categorical was THEY DON'T WANT TO INVESTIGATE a reaction to Sen DickHEAD's (burat) and Sen Pink's truthful REFUSAL to investigate issues critical of Digong's administration porke naduDUWAG or nataTAKOT silang mga PUPPET ni Digong sa Senado - 'yan ang TOTOO, o, ha!
SURE, SURE, SURE peksman!!!