Friday, January 29, 2021

WHEN VP LENI REPLACES DIGONG SHE WILL HAVE A HARD TIME UNDOING WHAT HE DID

ANA: "Tiyak naman na si VP Leni na ang siguradong susunod na Pangulo ng Pilipinas, maging ito'y sa pamamagitan ng presidential election sa 2022 o sa pamamagitan ng People Power na nakaambang 'puputok' ano mang sandali mula ngayon para sa legal na pag-upo ni VP Leni bilang Constitutional successor na PANGULO!!!"

LISA: "Yes, yes yeow, walang-duda, kaya lang eh sobra-sobra ang napakalaking problema na iiwanan o maiiwan ni panggulong Digong na kelangang AYUSIN ng bagong Pangulo, Kgg Maria Leonor G Robredo, porke NASAID na ang pondo ng Pilipinas at bagsak ang ekonomya bukod pa sa dagdag na P10 Trillion inutang ni Digong sa ngalan ng Republika, so kelangan ang masusing pag-RESOLVE ng Pangulo para muling mapa-USAD at manumbalik sa normal na takbo ng ekonomya ang bansa."  

CION: "Madali 'yan, UULITIN lang ang Cory solution - magdeklara ng REVOLUTIONARY GOVERNMENT ang Pangulong Leni - para sa PURGING ng Senate at House of Representatives, Supreme Court at Local Government Units sa buong bansa bago magsasagawa ng charter change ang CON-COM (Constitutional Commission) para sa REVISION ng Philippine Constitution, o 'di ba???"



Tuesday, January 26, 2021

KANYA-KANYA NA SILANG PALUSOT SA PANGUNGUNA NI DIGONG

ANA: "Pulos out-of-order dahil KABASTUSAN na lang ang mga sagot ni Digong, kumbaga sa interpellation (parliamentary procedure) ang tanong sa kanya ng media, kung magpapaturok ba siya in public na kagaya rin ng ibang mga presidente sa ibang bansa, pero ayon nga ke spookinang rokwe, sinagot ni Digong ang media na sa PUWET daw siya magpapasaksak ng bakuna so hindi pupuedeng in public, o hah!!!"

LISA: "Eh pa'no kasi nga'y NABUKING ng madlang-pipol na P250 lang pala ang totoong presyo per dose ng Sinovac, pero todo-todong JACKING UP sa presyo porke ginawang P3,629.50 per dose, 'tsaka mo i-multiply sa 25 million doses, equals tumataginting sanang P85 billion TONGPATS ni Digong at Duque, eh kaya nga HINAYANG-NA-HINAYANG SI DIGONG - NAPURNADA!!!"

CION: "Re virtual press briefing on Tuesday ng bagong Philhealth tsip, Dante Gierran, sabi niya - (Sa totoo lang, hindi po nawawala, on record, ang utos ng Senado at saka lower House sabi iliquidate so sa ngayon po 92% na ang liquidated) of stolen P15 B funds were liquidated kuno - kasabay din ng paghahamon ULI ni Digong ng pustahan - (Pusta ko presidency ko, walang graft iyan. Si Secretary Galves kilala ko) - hinggil naman sa presyo ng Sinovac na BAWAL DAW ISAPUBLIKO???"



Monday, January 11, 2021

ANA/LISA/CION Ni: Leo Paras aka Quadru Splits

Dalawang bagay lang ang labis na ikinababahalang labis ni Digong na magaganap laban sa kanyang DIKTADURYANG pina-iiral sa Pilipinas simula ngayong 2021 hanggang sumapit ang May 2022 presidential election.

Una, posibleng ano mang sandali makalipas na makapanumpa bilang bagong POTUS si Joe Biden sa January 20, 2021 (Wednesday), eh tatalima si President Biden sa kahilingan ng ICC na tulungan silang ISILBI, sa pamamagitan ng US Navy na kasalukuyang nakadaong ang mga warships sa WPS, ang ARREST WARRANTS laban kina Digong, et al, o kaya'y;

Ikalawa, walang pupuedeng ihaharap na kandidato si Digong na 'malinis' ang pagka-TAO vs VP Leni para sa pagka-pangulo sa 2022, kung kaya INAAPURANG mag-cha cha (CHArter CHAnge) para hindi na matuloy ang 2022 presidential election, pero TANGO (TANggalin ang gaGO) naman ang sinisigaw ng taumbayan na maaaring mag-trigger ng People Power, eh sino ba kasi ang GAGO? si Digong, siempre!!!

Sa 2022 presidential election eh wala kaming kaduda-duda na mananalong lahat, I repeat - LAHAT, ng opposition candidates RORO (Robredo - Roxas) for President and Vice President and senatorial candidates, viz;

D THAMP group
De Lima, Trillanes, Hontiveros, Alejano, Macalintal, Pangilinan

D STHAG group
Diokno, Sereno, Tanada, Hilbay, Aquino, Gutoc

VOTE STRAIGHT!!! (RORO - D THAMP / D STHAG)



Sunday, January 3, 2021

JUMP WITH LENI

"Let his days be few; and let another takes his Office" - Psalm 109:8

ANA: "Kung ako ang tatanungin eh sigurado akong MALULUSAW na ang diktaduryang Digong sa 2022  presidential election kahit na KARGADO pa ito ng pandaraya ng Comelec eh kaya itong SUPILIN ng PEOPLE POWER, o kaya'y bago sumapit ang eleksiyon 2022 eh MAARESTO NG ICC si Digong, et al, para sila'y lilitisin sa The Hague, and LET LENI TAKES THE OFFICE OF PRESIDENCY!!!"

LISA: "Most probably eh AANGAL ang mga TSUWARIWARIWAP ni Digong after siyang maaresto na posibleng mag-trigger ng pag-aalsa ng taumbayan (People Power) kung hahadlangan ng Digong tsuwariwariwap para mai-deklara si VP Leni bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas batay sa Consti, but after the declaration eh posibleng MAGPAPATUPAD ng REVGOV (Revolutionary Government) ang bagong gobyerno upang madaling MAIBALIK ang demokrasya sa Pilipinas."

CION: "Ay totoo ang analisasyon mo na 'yan 'day, porke merong dalawang bagay lang na muling maibabalik ang DEMOCRACY sa bansa sa pag-upo ng bagong Pangulo, Maria Leonor Gerona-Robredo; una, kapag naaresto na ng ICC si Digong, et al, eh kelangang mag-declare ng RevGov si Pangulong Leni upang magkaroon ng PURGING SA LGUs at LAHAT NG OFFICIALS SA EXECUTIVE, LEGISLATIVE at JUDICIAL branches of government; at ikalawa, mananalo bilang nag-iisang presidential candidate ng oposisyon si VP Leni sa 2022, kaya lang eh, matagal bago maibabalik ang demokrasya habang naririyan pa rin ang mga Digong's officials sa 3 branches of government - basta,

LET'S JUMP WITH LENI!!!"