Thursday, March 18, 2021
SINGLE OPPOSITION STANDARD BEARER
Friday, March 12, 2021
TANGKILIKIN ANG RORO, D THAMP, D STHAG, PARA SA PILIPINO
Pina-uuso na naman ng Digong admin ang maagang PALIPAD-HANGIN para sa nakatakdang May 2022 presidential elections (kung matutuloy?) para ILIHIS ang totoo at tunay na sitwasyon sa bansa porke tila sadyang PINALALAWIG pa niya(?) sa halip na tuluyang sugpuin nito ang epekto ng hawaan ng Covid-19, kasabay ng pasimulang-muli ng KILL, KILL, KILL (massacre) laban sa mga aktibistang 'NANLABAN' daw habang inaaresto sila ng pulis at pag-ambush din sa isang city mayor na umano'y unang nagpaputok, sabi ni cheap PNP sinas, laban sa pulis?
Wala namang naniniwala na sa mga BULADAS na ito ni Digong, gayun ma'y nais din naming 'magpalipad-hangin' hinggil sa amin ding napipisil na kompletong line-up ng oposisyon - TSARARAN!!!
Wednesday, March 3, 2021
"KAPAG PIKON KA, TALO KA!" - VP LENI
ANA: "Si Digong ang mismong manipulator who wants the Sinovac vaccine DONATED by China na unang IPATUROK sa mga health workers kasabay ng kanyang hamon din ke VP Leni to get vacinated first, para testingin kung gaano ka-epektibo ang bakuna (?), sa halip na siya (Digong) sana ang maunang turukan para mawala ang agam-agam at takot ng publiko porke hindi lingid sa kanilang 50.4% efficacy lang kaepektibo raw ang bakuna, ayon sa DOH."
LISA:"Ipinaliliwanag kasi ni VP Leni sa taumbayan - (SINOVAC MUST GO TROUGH PROPER APPROVAL PROCESS BEFORE ROLLOUT) - tapos eh sinundan pa ito ng paliwanag din ni Sen Riza Hontiveros - (What is so special about Sinovac that we hastily accept the donation and now oblige our health workers to receive it without sufficient review?) - oo nga naman, pero matinding pagka-PIKON na nagpalobo ng sipon sa kanyang malaking ilong ni Digong at sinabihan ang VP- (MAMATAY KA NA)!!!"
CION: "Kagyat na kumalat sa buong mundo a la pandemic ang banta ni Digong laban ke VP Leni - (MAMATAY KA NA) - pero malumanay namang sinangga ng VP ang bantang ito ni Digong laban sa VP, at nagsabing - (Ang unang dating sa akin is parang hindi Pangulo 'yung nagsasalita. Pangalawa, sobrang PIKON. Parati namang sinasabi ('Pag pikon ka, talo ka) - KOREKEK!!!"