ANA: "Hindi ba merong 2-party system ang Phl 'gaya ng US bago ibaba ni Strongman Ferdie Marcos ang martial law noong 1972? Batay sa history, ito'y ang mga partido Liberal (LP) at partido Nacionalista (NP), o, 'di ba?"
LISA: "May tama ka r'yan 'ga. Kaya nagkahetot-hetot ang politika rito sa Phl eh ginawang multi-party system ni FM at itinatag nito ang sariling partido, ang Kalipunan ng Bagong Lipunan (KBL) kaya nagresulta ito ng multiplication ng mga political parties!"
CION: "Kaya tuwing sasapit ang eleksiyon eh muling nauuso ang mga PUTAHENG balimbing, political harassment, political butterflies bilang pakulo o depensa sa mga akusasyon ng magkakalabang partido. Sige pagparti-partihan n'yo ang nilulutong PUTAhe, cooking-ina n'yo!!!"
No comments:
Post a Comment