Tuesday, January 29, 2013

ROSANNA - 'DI MO 'TO KAYANG LASPAGIN

ANA: "Ang full name ko eh Rosanna. 'Di mo 'ko kayang laspagin. Sige, magsukatan tayo!"

LISA: "Bakit, sino ang kausap mo? Sino ang lalaspag sa 'yo at ano ang susukatin sa 'yo? Makipagsukatan ka, go, go, kakampi mo 'ko!"

CION: "Script 'to para sa presentasyon lang kunwari nina Ma'm Gigi at JPE for public consumption. Susukatin kung kaya pa talagang mag-penetrate ng tuwid, sa kaisipan ng mga naka-tsinelas, ang kamatsohan ni JPE, o, 'di ba?"

Monday, January 28, 2013

NEGOSYO O SERBISYO?

'Yang survey ng SWS eh hango sa face-to-face interview, ayon sa writer na ayaw magpakilala.

Nais ko rin sanang magtanong sa writer re: political dynasty.

Pero mabuti pa sigurong sa pamamagitan ng tipa ko daanin ang aking itatanong.

Sa pamamagitan ng INTERNET eh hindi lang 1200 ang bilang ng gustong magpapa-interview.

At worldwide pa ang coverage ng SERBISYONG LIBRE, hindi negosyong 'gaya ng SWS, 'di ba?"

Sunday, January 27, 2013

THE TOOTHPASTE IS ALREADY OUT OF THE TUBE - LACSON

ANA: "Kapag pinisil mo ba ang tube (ni JPE?) at sumirit ang laman ng tube, nakamamatay ba ito?"

LISA: "Ay, ang hina naman ng common sense mo 'ga. Ang sumirit na laman ng tube habang nasa loob ng sinapupunan (halimbawa ni Ms Gigi) eh meron dalang buhay, 'di mo alam?"

CION: "Ang buhay na dala mula sa sumirit na tube ang gustong pairalin ng CBCP sa Phl, sa tulong sana ni JPE, pero nasagkaan dahil sa approval ng RH bill. Siempre, hindi na makararating sa sinapupunan ang sumirit na buhay porke pinatay na ito ng condom, o, 'di ba?"    

Saturday, January 26, 2013

"EH 'YUNG KAHOY?"

ANA: "Totoo nga kayang merong naiwan P37-M personal na utang ang tatay nina Sen Alan at Sen Pia na si namayapang Sen Companyero kay JPE?"

LISA: "Ows? Utang na naman? Okay, kung totoo ngang merong utang na naiwan si Companyero kay JPE, eh bakit 'di nito dalhin sa Husgado ang reklamo para ang Husgado ang bumusisi, o, 'di ba?"

CION: "Eh, 'yung kahoy? Mga troso ng narra sa Cagayan 'galing ang taksan-taksan na pinapulak ni JPE para kay Companyero, 'di n'yo alam? 'Yan ang dahilan kung bakit personal ang galit ni JPE sa 2 anak na senador ngayon ni Companyero, intiendes?"

Friday, January 25, 2013

CHUTZPAH

ANA: "Alam ko ang meaning ng slang word na chutzpah sa Tagalog - makapal ang mukha. O, 'di ba?"

LISA: "Hindi! Ang ibig sabihin ng chutzpah kasi sa English eh - shameless - at ang ibig sabihin naman ng shameless sa Tagalog eh WALANGHIYA!!!"

CION: "Mula sa bokadura ni Mareng Winnie ang word na chutzpah tungkol sa MOOE ng Senado. Samantalang ang MOOE naman eh taxpayers' money na a la loot na pinagbabangayan ng mga walanghiyang Senatong at Tongressmen mula sa dalawang House of Thieves!!!"

Thursday, January 24, 2013

MONSOD: JPE, ARE U WILLING TO BE TESTED FOR ERECTILE DYSFUNCTION?

ANA: "Sinabi ni JPE sa interview sa kanya ni Mareng Winnie na hindi niya kabit si Gigi Reyes porke matanda na raw siya."

LISA: "Half-truth! Kasi, mula nu'ng pumasa sa bar si Gigi eh kasa-kasama na ito ni JPE. Nagresulta ito sa paghihiwalay ni Cristina at JPE dahil sa selos? Nabisto marahil ni Cristina na perfectly functioning from waist down ang kargada ni JPE kung si Gigi ang katabi?"

CION: "Gusto rin siguro, kung gano'n, na makatikim kay JPE si Mareng Winnie kaya tinutukso niya kung willing si JPE to be tested for erectile dysfunction, sa kanya? Dysfunction! yes, yes, yeaw!!!"

Wednesday, January 23, 2013

100 TRUTHS

ANA: "Puede kayang ihambing ang 100 truths na ibubulgar umano ni Sen Alan vs JPE sa 100 truths na shootout daw, ayon kay Supt Marantan, ang naganap re: Atimonan massacre?"

LISA: "Ay, ambopols mo 'ga. Ang pinag-uusapan kasi sa Senado eh tungkol sa MOOE na tinatanggap ng bawat senador, samantalang sa Atimonan case naman eh shootout daw sabi ni Marantan pero massacre ito dahil sa jueteng, ayon naman kay DOJ Sec De Lima, o, 'di ba?"

CION: "Pareho kayong matalino bilib ako. Kasi, ang talagang pinag-AAWAYAN ng mga ganid na Senado at Atimonan massacre eh tungkol sa bread, datung, pera, kayamanan, kapangyarihan, karangalan, etc. Ang bangayan sa Senado eh nag-ugat sa 'di pantay na hatian sa loot mula sa taxes at sa jueteng naman, sa kaso ni Marantan, intiende?" 

Tuesday, January 22, 2013

PURISIMA: BLESSING IN DISGUISE

ANA: "Sabi ng bagong chief PNP, blessing in disguise daw ang nangyaring massacre sa Atimonan, Quezon. Ano ba'ng ibig sabihin no'n, alam mo?"

LISA: "Obvious na mali ang ginamit na phrase ni Purisima na blessing in disguise ang pagratrat ni Marantan sa 13 victims, bagkos, isa itong EYE OPENER, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. 'Gaya na nga lang ng pagtigok sa mayor ng Maconacon, Isabela sa labas ng isang hotel sa QC, isa itong halimbawa ng eye opener, hindi blessing in disguise, porke nabibistong laging natutulog-sa-pansitan ang pulis. Hay juice kong mahabagin. Tang inumin n'yo!"

Monday, January 21, 2013

THE WORK OF BRAGGART

ANA: "Ang Tagalog ba ng English word na braggart eh MAYABANG? Eh, sino ang mayabang, JPE? si Trillanes? at sino-sino rin ang cowards and hypocrites?"

LISA: "Yung mga ginamit na word expressions ni JPE, 'gaya ng braggart, cowards at hypocrites, para sa akin, eh angkop-na-angkop sa bawat isang senador, sumpa man."

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Ang position ng senate president kasi eh talagang ipinagyayabang 'yan ng kahit sino man ang naka-puesto. Nagmimistula namang cowards and hypocrites ang members of House of Thieves kapag ang braggart eh umariba sa galit porke nagrereklamo ang mga senador na kulang pa ang tinanggap na MOOE!!!"

Sunday, January 20, 2013

GOLD MINER SAYS HE IS NOT JUDAS

ANA: "Sinabi ni Habitan na 12 lang ang bilang ng bisita niyang kasama sa grupo ni Siman. Sino kung gano'n ang ika-13 natigok sa Atimonan massacre, si Hudas?"

LISA: "Parang nabasa ko na ang episode na ito sa nobela ni Sidney Sheldon, sumpa man. Kasi, ang papel na Hudas eh akmang-akma sa ginagampanang papel ni Habitan, napansin mo ba?"

CION: "Medyo hawig nga. Nagsisising tunay si Hudas at isinauli ang 30-pirasong pilak bago ito kusang nagbigti at natigok. Pero si Habitan eh merong premonition na mabubura na rin siya sa mundo. Hindi niya ikinailang illegal gold miner umano siya kaya kumakanta siya ngayong ginawa raw siyang GATASAN ni Marantan, ng piskal at ng huwes. Natitiyak ko na magiging madrama at madugo ang wakas ng istoryang ito, kaya, huwag bibitiw!" 

Saturday, January 19, 2013

THE UNLUCKY 13

ANA: "Maganda ang istorya ng Atimonan Massacre ng 13 biktima na umano'y gun-for-hire syndicate, parang nobela ni Sidney Sheldon, 'di ba?"

LISA: "Yeah!! Kung walang nakapaloob na sobre sa istoryang ito nina Marlon Ramos at Nancy Carvajal, malamang na ang nag-set up ng ambush sa unlucky-13 eh si Habatin, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Ang talagang magka-kampi sa istoryang ito eh sina Marantan at Habatin porke monitored lahat ni Marantan ang movements ng grupo ni Siman thru Habatin. 'Yun lang!!!"

BULALO

ANA: "Kung talagang matalino ka, ano ang mas bagay itawag kay Senator Miriam Defensor-Santiago, Brenda o Bulalo?"

LISA: "Depende. Ang bansag kasi sa kanyang Brenda, eh brain-damaged ang ibig sabihin. Samantala, ang bagong bansag sa kanya ngayong bulalo, eh hango naman sa kanyang bone marrow na umano'y merong problema, ayon sa kanyang doktor."

CION: "Hindi lang problema sa bone marrow ang dahilan. Binansagan din si Brenda ng Bulalo porke mas tumatalab daw ang sarap kapag humihigop ng bulalong kumukulo, 'gaya ni Brenda, na laging kumukulo ang utak. Ang utak eh bagay ding ihalo sa sisig, o, 'di ba?"

Friday, January 18, 2013

MISSED A GOLDEN OPPORTUNITY?

ANA: "Hindi ba parang trying hard itong The Enquirer na mag-a la TABLOID? Kasi, ang klase ng Editorial nila eh one-way, napansin mo ba?"

LISA: "Oo nga. Maituturing na walang sentido-komon ang incognito writer porke kulang ito sa Ana/Lisa/Cion hinggil sa privilege (licensed) ng pagkakaroon ng baril sa Phl ng isang kualipikado at responsableng Pinoy."

CION: "Nakana mo 'day. Na-miss ng a la tabloid writer ng editorial na hindi responsable kundi mga salbaheng tao ang 'sangkot sa Ampatuan massacre, Atimonan massacre. Kung ipa-iiral ang total gun ban sa Phl, pa'no didis-armahan ang NPA, MNLF, MILF, Abu Sayyaf, mga bugok na AFP, PNP at mga ordinaryong riding-in-tandem, akyat-bahay, atbp, hale nga!!!"

Thursday, January 17, 2013

THE SECRET SAUCE

ANA: "Hindi ba parang may nakapaloob na sobreng makapal sa ipinahihiwatig ng incognita/to writer porke isinasangkalan si Sen Trillanes a la attack dog ng Malacanang para masibak as Senate President si JPE in 2 weeks time?"

LISA: "Hindi naman sikreto sa netizens na lasang pulbura ang laway ni Trillanes at hindi kailanman ito magbibigay ng alanganin o baklang pahayag 'gaya ng puzzle na gustong isubo sa readers ng incognita/to writer. Bagkos, makikitang maliwanag dito na merong envelopmental reporting!!!"

CION: "Eh sino ang kusang-loob na maghahatag ng makapal-na-sobre sa klase ng manunulat na 'to kundi si JPE LANG na super-bihasang magpamigay ng makakapal-na-sobre sa mga senador mula sa tax money bilang pabuya para HINDI ito masibak sa kanyang puesto, o, 'di ba?" 

Wednesday, January 16, 2013

JPEs KARMA IN THE FORM OF BRENDA

ANA: "Bakit ba gan'on na lang ang ngitngit ni Brenda kay JPE porke ipinagsisigawan nitong - (Namunini 'yan noong matial law. Martial law administrator 'yan ni Marcos. Bakit ganyan siya kayaman?)"

LISA: "Eh pa'no kasi, ginagawa na lahat ni JPE ang makakaya nito para pumaimbulog ang pangalan ni Jack-for-Senator para kumintal sa isipan ng mga botante at nang dumami pa ang mga political dynasty sa Senado, getz mo?"

CION: "Nag-a la PITBULL si Brenda porke gutom pa sa katiting lang na itinapong bread ni JPE sa kanya kumpara sa mga isinubo ni JPE na bread sa mga alagang SHEEPDOGS na busog-na-busog, o, 'di ba? 'Nong say mo, hmmm?"

Tuesday, January 15, 2013

ENVY EYE OR PEE N PEE

ANA: "Sino sa palagay mo ang merong mas kapani-paniwalang resulta ng imbestigasyon re: Atimonan rubout/shootout, bersiyon ng NBI o ng PNP?"

LISA: "Hangga't merong inggitan at barilan sa loob mismo ng NBI Hq at malalaking tiyan at mga pa-ihing PNP, eh kapwa ko sila hindi paniniwalaan, nungka!!!"

CION: "Panahon na siguro para bigyan ng power ang Human Rights Commission para magsagawa ng parallel investigations involving heinous crimes, o, 'di ba?"

Monday, January 14, 2013

BRIBE TO THE TRACTABLE

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng English word na TRACTABLE, alam mo?"

LISA: "Ay, 'andali-dali. Easily controlled or persuaded. Sa tagalog, MADALING UTUIN, 'gaya ng mga senador. O, getz mo?"

CION: "Ang RUSE kasi ni JPE re: division of spoils sa Senate eh 'di pare-pareho, kaya umalma si Brenda. Bakit daw mas malaki ang SUHOL ni JPE sa kanyang mga anak-ng tupang kapanalig kumpara kina Brenda, Trillanes at mag-utol na Cayetano na kakatiting? Unfair nga naman porke 'di kuarta ni JPE ang kanyang ipinang-SUHOL kundi tax money, o, 'di ba?"

Sunday, January 13, 2013

THE UNTOUCHABLES

ANA: "Sino ba ang untouchables na binabanggit ni CDQ sa kanyang Kolum, si Al Capone, et al, o mga imbestigador, ha?"

LISA: "Ikinukumpara lang ni CDQ ang totoong istorya sa pagsugpo sa racket noon ni Al Capone, et al, noong 1920s sa USA ng mga Crime Investigators. Hinuli nila ito at kinasuhan sa Korte ng walang shortcuts, hindi kagaya ng pinairal ng grupo ni PSupt Marantan na karakaraka'y niratrat hanggang matigok lahat ang grupo ni Jueteng Lord Siman, o, 'di ba?"

CION: "Ang binansagang untouchables eh hindi ang grupo ni Al Capone kundi ang Crime Investigators na 'di nalalagyan, they did not also resort to terror tactics, executions or salvagings. At 'di rin sila puedeng pakiusapan ng mga padrinong politiko at bayaran ni Al Capone. Sa Phl, sinong grupo kaya ng gov't investigators puedeng ihambing ang The Untouchables?"    

Saturday, January 12, 2013

NOTHING GOOD IS EVER EASY

ANA: "Ano kaya ang mas madaling solusyon ng gov't sa problemang tinalakay ni ex-CJ Temyong na total ban-ban-ban para sa gun, logging, at mining?"

LISA: "Bakit, 'di mo ba naintindihan ang sinabi ni ex-CJ Temyong (nothing good is ever easy)? Hindi madali ang paghahanap ng solusyon para huwag maipatupad ang total ban-ban-ban ng 2 Kongreso porke ang tiyak na unang hahanapin nila eh kung pa'no lagyan ng BUTAS ang BATAS, o, getz mo?"

CION: "Para patuloy na dumadaloy ang kuarta? Para sa'kin eh iisa lang ang solusyon para maresolba ng gov't ang puno't dulo ng problemang total ban-ban-ban na topic ng ex-CJ. Takpan totally ang butas-butas na batas against jueteng at itaas ang kategorya ng parusa a la syndicated estafa! O, 'di ba?"   

Friday, January 11, 2013

"NO PALACE OKAY"

ANA: "Sabi ni ExeSec Kitoy eh wala raw okay ang Malacanang (PNoy) sa Coplan Armado. Naniniwala ka ba kay Kitoy?"

LISA: "Naniniwala ako, sumpa man, na talagang walang alam si PNoy sa Coplan Armado. Pero ang ginagawa ni Kitoy eh DAMAGE CONTROL para sa kanyang sarile, sa PAOCC, at siempre sa Malacanang, in fairness."

CION: "Bakit kailangan pang meron damage control, totoo ba kasi na RUBOUT at hindi shootout ang naganap sa NIRATRAT na labintatlong mga umano'y gun-for-hire?"

Thursday, January 10, 2013

PAOCC OKd ATIMONAN OPN?

ANA: "Sino ba ang big boss ng PAOCC, si Sen Ping o si ExeSec Kitoy?"

LISA: "Kaduda-duda nga ang lumalabas na resulta ng imbestigasyon, porke, hawig-na-hawig ang Quezon ROBOUT kumpara sa Kuratong Baleleng case noong early 90s sa Commonwealth Ave, 'di ba?"

CION: "Ay, sinabi mo. Hindi lingid sa publiko kung sino ang author noon sa Commonwealth RUBOUT na umano'y merong US$5 million ang lihim na NABAWI mula sa Kuratong. Halos parehong halaga rin DAW ang lihim na nabawi rin ngayon ng operatives mula naman sa Atimonan opn. Parehong author?"

Wednesday, January 9, 2013

JUETENG GATE SCANDAL

ANA: "Merong bulong-bulungan na more than P200 million daw ang dala-dalang jueteng money, in-cold-cash, ng 13 people na RUBOUT victims in 2 SUVs sa Quezon, 'lamoba 'yon?"

LISA: "Hmm, posible nga. Hindi titiguking parang manok ang 13 people na nakalulan sa 2 SUVs kung P5 milyon lang ang umano'y dala-dala ng grupo, ayon sa sinabi ng accountant na anak ng isang victim na si Col Consemino, o, 'di ba?"

CION: "So, ang conclusion kung ganon eh TAO ang pumapatay sa TAO, hindi BARIL porke walang-utak ito. Bakit pumapatay? Kasi, ang tao eh GUTOM, GANID, HAYUK, GAHAMAN sa kuwarta at saka obese po, 'di ba, Oscar Cruz?"

Tuesday, January 8, 2013

PROSECUTING, PUNISHING, STOPPING THE MARCOSES

ANA: "Meron bang kapangyarihan ang PCGG para ipagsakdal, maparusahan at mapatigil ang mga Marcoses sa pag-iwas na hindi mailantad ang kinurakot nilang mga kayamanan ng Phl?"

LISA: "Wala. Kaya nga dapat eh mailipat na sa DOJ ang pangangasiwa sa pagbawi ng mga nakaw na yaman ng mga Marcoses mula sa PCGG, o, 'di ba?"

CION: "Bilib talaga ako sa talino n'yo, 'day. Ang Department of Justice lang kasi ang merong natatanging POWER to continue to hunt and recover ill-gotten wealth from the Marcoses and to prosecute and punish them which the PCGG has no power to do. Perfect !!!"

Monday, January 7, 2013

TOTAL GUN BAN?

ANA: "Kung ang proposal na total gun ban eh magma-materialize, tiyak na ang susunod lamang sa batas na ito eh pawang mga law abiding citizen. Pa'no na kaming mga law abiding citizen, noh?"

LISA: "Ano pa eh 'di DEFENSELESS tayong pare-pareho. Ano ang magagawa ng total gun ban law kapag nakatutok sa 'yo ang PALTIK ng holdaper, hale nga? Sigurado ako na utak teka-teka ang sinomang tongressman o senatong ang gagawa ng proposal na total gun ban."

CION: "Para mawala ang agam-agam sa isipan ng mga law abiding citizen sa Phl, kumpiskahin muna ng AFP-PNP ang mga arsenal ng NPA, MNLF, MILF, Abu Sayyaf, mga nasa active duty na sundalo/pulis na drug dealer, etc, bago magpatupad ng total gun ban sa bansa, o, 'di ba?"

Sunday, January 6, 2013

STOP THE FETISH OF GUNS?

ANA: "Hindi ba kayang kontrolin ng PNP-FEU ang pagdami ng unlicensed FAs at paltik sa Phl?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. HINDI TALAGA. Ang pulis kasi MISMO eh pinapayagan ng PNP na magsukbit ng hindi lisensiyadong baril, kasama na ang paltik, habang nasa duty at naka-uniporme! Biruin mo 'yon?"

CION: "Pa'no kasi, sa 120,000 kapulisan sa buong PNP eh mahigit na 70% lang ang merong issued FAs. Lahat ng mga baguhang pulis eh SARILING baril na unlicensed at PALTIK ang gamit habang nasa duty, o, 'di ba, chief PNP Alan Purisima, Sir?" 

Saturday, January 5, 2013

PEOPLE KILL PEOPLE, NOT GUN KILLING PEOPLE

ANA: "Meron naman kasing strict regulation sa pagkakaroon ng lisensiyadong baril para sa responsableng sibilyan na ipinatutupad ng Firearms & Explosives Unit ng PNP, 'di ba?"

LISA: "Meron nga. Kaya lang eh OBVIOUS na PERA-PERA ang usapan between gun dealers and FEU men para gumawa sila ng shortcut at mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng lisensiya ng baril sa mga IRESPONSABLENG tao na kagaya ni BOSSING. Ay, ano ba 'yan!!!"

CION: "Korekek!!! Kada shortcut sa proseso, 'gaya ng non-appearance ng applicant, ang katumbas eh PERA para sa FEU men, puera pa ang permit-to-carry FA outside residence na mas malaki pa ang LAGAY kumpara sa non-appearance mula sa dealer, o, 'di ba?"  

Friday, January 4, 2013

FIREARMS CRACKDOWN

ANA: "Kung meron palang 600 thousand unlicensed firearms sa Phl, lubhang nakababahala ito. Ano naman kaya ang PAKULO ng bagong chief PNP para masolusyunan ang nauuso sa mundong pamamaril sa mga inosenteng tao?"

LISA: "Batay sa census (daw) eh meron namang 1.2 million licensed FAs sa bansa. So, suma total eh merong 1.8 milyon mga baril, ke lisensiyado o hindi, ang hawak ng mga taong  MATINO at SIRA-ULO, pulis man o sibilyan, right?"

CION: "Inaamin naman ng PNP na walang issued FAs ang mga bagong pulis, kung kaya bumibili sila ng sariling mga 'di lisensiyadong baril. Hindi kasi traceable ang tama ng balang galing sa unlicensed FAs porke walang record o (fingerprint) ito mula sa PNP-FEU, o, 'di ba?" 

Thursday, January 3, 2013

GAROTE: WHAT GUN CONTROL ARE YOU TALKING?

ANA: "Sa palagay ko hindi kayang patigilin ng AFP o PNP ang PAGBITBIT ng baril ng sinoman sa labas ng kanyang bahay, ke lisensiyado o hindi, 'gaya ng problema ngayon hinggil sa gun control ng USA, o, 'di ba?"

LISA: "Nakana mo 'ga, matalino ka talaga, 'lamoyun? Para kasing LAGARE 'yang isyu ng baril na kumakagat atras-abante (read: pumapatay lisensiyado man o hindi)."

CION: "Bilib ako sa inyo, 'day. Hangga't hindi KINUKUMPISKA ng AFP at PNP o ng NBI ang mga arsenal ng NPA, MNLF, MILF, Abu Sayyaf at mga gun-for-hire eh mananatili ang PHL a la USA na problemado sa isyu ng gun control, PEKSMAN. Kaya naman kaya?" 

Wednesday, January 2, 2013

WITLESS

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng witless, ISTUPIDO?"

LISA: "Nakana mo 'ga, an'tali-talino mo. Bakit?"

CION: "Tila confusing ang alegasyon ni CDQ, porke sino ang STUPID, si Mar Roxas? si Gwen Garcia? ang Batas? o ang namayapa nang si Jesse Robredo? Paki-LINAW lang po, Sir!!!"

Tuesday, January 1, 2013

"BIGINNING OF CHANGE"

ANA: "Uy, 'lamo? Bilib ako sa SPIT (read: speech) ni wawangpenoy. Talagang nagngangalit at totoong papangusin at saka ilulura ang mga kakandidatong may apelyidong BINAY, ENRILE, EJERCITO aka ESTRADA, COJUANCO, at saka ang VILLAR, CAYETANO, ANGARA, biro mo 'yun?"

LISA: "Ah, kung pakapalan lang ng APOG, eh walang binesa 'yung gustong ngataing a la nganga ni wawangpenoy, noh? Unahin munang masintensiyahan si Ate Glo, Rene Corona at si Abalos para mawala ang SAGABAL sa tunay na pagbabago sa ating bansa, PEKSMAN!!!"

CION: "O, sige na. Harinawang magkatotoo 'yang mga hallucination n'yo, MISMO."