ANA: "Sino ba ang untouchables na binabanggit ni CDQ sa kanyang Kolum, si Al Capone, et al, o mga imbestigador, ha?"
LISA: "Ikinukumpara lang ni CDQ ang totoong istorya sa pagsugpo sa racket noon ni Al Capone, et al, noong 1920s sa USA ng mga Crime Investigators. Hinuli nila ito at kinasuhan sa Korte ng walang shortcuts, hindi kagaya ng pinairal ng grupo ni PSupt Marantan na karakaraka'y niratrat hanggang matigok lahat ang grupo ni Jueteng Lord Siman, o, 'di ba?"
CION: "Ang binansagang untouchables eh hindi ang grupo ni Al Capone kundi ang Crime Investigators na 'di nalalagyan, they did not also resort to terror tactics, executions or salvagings. At 'di rin sila puedeng pakiusapan ng mga padrinong politiko at bayaran ni Al Capone. Sa Phl, sinong grupo kaya ng gov't investigators puedeng ihambing ang The Untouchables?"
No comments:
Post a Comment