Saturday, August 31, 2013

JANET TRANSFER TO LAGUNA TODAY, SUNDAY

ANA: "Ay, ang galeng. Ngayong early Sunday, Sept 1, ililipat o baka nailipat na sa oras na 'to si Janet sa Fort Sto Domingo sa Laguna. Ang Spanish word ng Sunday eh Domingo, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Pina-iingatang mabuti ni PNoy ang kaligtasan ni Janet, kasi obvious na dalawang magkaibang grupo daw ng assassins ang gustong tumigok ke Janet, 'lamoyon?"

CION: "Sa nakikita ni Janet, pati na rin si Atty Lorna Kapunan, sa mahigpit na pagbabantay ng otoridad para sa kaligtasan ng una, eh tiyak na handa nang haharap sa Korte at kakanta ng La Paloma si Janet para kikilalanin kung sino-sino ang mga kakutsaba nitong legislatong na may motibong titigok sa kanya. Yun lang!!!" 

Friday, August 30, 2013

A CLEAR DANGER TO JANET'S LIFE?

ANA: "Unang-una, bakit ba kasi kailangang air tight, 'eka nga, ang gagawing pagbabantay 24/7 ke Janet, ha? Sa pakiramdam ko kase, pati judge eh parang tarantado na rin sa kanyang inilalabas na resolusyon re transfer from jail to another jail ni Janet, 'di ba?"

LISA: Heh! Ayusin mo 'yang bokadura mo ng (natataranta) sa halip na tarantado si Judge, noh? Pa'no nga kase, dalawa ang posibleng panggagalingan ng mga assasins, una, mula sa legislatongs na kakutsaba ni Janet sa pandarambong ng PDAF. Ikalawa, 'yung mga merong personal na galit kay PNoy na gustong gibain ang magandang takbo ng kanyang gov't, o, 'di ba?"

CION: "Korek kayong dal'wa, 'day. Bukod kasi sa kahihiyan, eh makukulong din ng walang piyansa na 'gaya ni Ate Glo ang grupo ng mga kakutsabang legislatong sa paglimas ng PDAF ni Janet, at, isa pang grupo na atat-na-atat guluhin ang magandang reputasyon ng PNoy gov't porke sagad-sa-buto ang pagka-inggit, 'gaya ng mga tagaUNA???"  

Thursday, August 29, 2013

AFTER JANET'S SURRENDER

ANA: "Isang psywar (psychological warfare) lang kaya ang unang pinalutang ng Malacanang na gagawin daw state witness si Janet Lim-Napoles sa kakaharapin nitong kaso ng plunder kung siya eh kusang susuko, ha?"

LISA: "Puede, puede. Kasi ayon sa dictionary, psychological warfare means - (the military application of psychology, esp. to the manipulation of morale in time of war), o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day, ang gleng-gleng mo. Dahil kasi sa palutang na gagawing state witness ni Janet sa kasong plunder eh kusa na siyang sumuko at mismong ke PNoy pa! Pero tila psywar lang ang move na ito ng otoridad, kasi, taksan-taksan ang documentary evidence ang hawak ng gov't vs LAHAT ng legislatongs na sangkot sa pandarambong ni Janet ng PDAF. 'Yun lang!!!"

Wednesday, August 28, 2013

JANET SURRENDERS TO PNOY

ANA: "Oy, parang pinagtiyap ng pagkakataon na sumuko ang dalawang sikat na puganteng sina ex-CPNP Avelino Razon at PDAF scammer Janet Lim-Napoles kahapon, August 28, 2013, at kapwa ikukulong sa Camp Crame, 'di ba?"

LISA: "Sana, 'yung magbabantay ke Janet eh pulos policewomen na walang sukbit na baril 24/7. Kasi, 'yung mga ikinukulong sa Camp Crame eh karaniwang nang-aagaw ng baril para makipagbarilan sa kanilang bantay. Ang bottom-line, patay kang bata ka!!!"

CION: "Kung ise-sequester ang lahat ng real and personal properties ni Janet, puede bang notarized ang listahan 'gaya ng mga alahas, damit, sapatos. Pero 'di na kailangan sigurong isama pa sa listahan ang kulay ng suot na panty ni Janet, sobra naman 'yon, noh?"  

Tuesday, August 27, 2013

JUNGGOY: AM NOT OBLIGED TO CHECK NGOs GETTING MY PORK

ANA: "Oy, 'lamobang sinabi ni Sen Junggoy na 'di raw niya obligasyon o ng iba pang legislatongs na 'gaya niya kung totoong a la Bingo na binobola ng NGOs ni Janet ang PDAF para ipamudmod ang pondo sa mga proyektong nanalo sa bidding?"

LISA: "Eh talagang hindi na obligasyon ng legislatongs kung na-award o hindi ni Janet ang PDAF para pondohan ang mga proyektong SOFT or HARD which are subject for implementation, kase, na-binggo na ang P10B pork barrel ni Janet at kasama nga niya si Junggoy at 28 pang senatongs at tongressmen. Nakanang-ina naman, hooooh!!!"

CION: "Nakikita kong talagang matapang ang kaloobang magsasagot ni Sen Junggoy para tanggihan ang lahat ng kanyang pagkakadawit sa kaso ng pandarambong na 'to. Pero sa huling pahayag ni DOJ Sec Leila, eh umaabot pala sa P101 BILLION ang sumatotal ng PDAF na nakulimbat ng mga legislatong. Hay juice ko pong mahabaGIN!!!"

Monday, August 26, 2013

MAKIBAKA, HUWAG MAGBABUYAN

ANA: "Oy, meron akong nabasang slogan sa t-shirt na suot ng raliyista kahapon sa Luneta. Sabi, - (makibaka, huwag magbabuyan). Ano ba'ng ibig sabihin no'n sa ingles - milking cow, instead of pork barrel?"

LISA: "Mali naman ang ingles mo eh. Ang tamang ingles - FIGHT, DO NOT BE A SWINE - 'yun ang ibig sabihin ng slogan na nabasa mo sa Luneta kahapon. Sa Tagalog, labanan daw natin ang corruption at huwag makipag-unggoy-ungguyan sa mga lawmakers, 'yun lang!!!"

CION: "Kahit manaka-nakang umaambon at nagpuputik ang Luneta kahapon eh kusang naglinis ng kanilang kalat ang mga raliyista bago sila nagsi-uwi pagkatapos ng rally. Ngayon lang nangyari ang disiplinang ganire, peksman!!!"

Sunday, August 25, 2013

CHIZ: REALLOCATE, SUBTRACT OR LINE ITEM BUDGETING

ANA: "Ang galing talagang tumayming ni Sen Chiz, nagbibigay ng puedeng pagpipilian ng mga sasama sa rally ngayong araw re P25.24 billion PDAF. Ang pakulo cum solusyon niya, 1. reallocate o 2. tanggalin o 3. sumunod sa kagustuhan ni PNoy na line item budgeting ang PDAF."

LISA: "Siempre, alin man ang susunding solusyon ng Pinoy para maresolba ang isyu ng PDAF, eh sisikat ng todo sa netizens si Sen Chiz para sa presidential ambition nito sa 2016 elections. Lutang-na-lutang si Chiz a la lagareng atras-abante, kain, o, 'di ba?"

CION: "Pero 'wag naman sanang manguluntoy ang kasiglahang ito ni Sen Chiz sa pagbibigay ng mga suhestiyong, well, multiple choice, para solusyunan ang isyu sa PDAF. Ang ikinababahala ko kase, baka bawiing bigla si Heart ng kanyang parents eh tiyak na tutuwad ang tuwid na isipan ni Chiz, peksman.."

Saturday, August 24, 2013

DOUBLE SPEAK

ANA: "Ano ba talaga ang ibig sabihin ng deklarasyon ni PNoy na ina-abolish na niya ang PDAF? Para gumawa uli ng panibagong mechanism na kung tawagin eh LINE ITEM?"

LISA: "Eh ganyan din kasi ang tanong na 'di kayang sagutin ni Sir Randy sa kanyang apo na si Julia. O, ikaw Cion, kung talagang matalino ka, 'lamo ang sagot? Sige nga, explain mo kung na-abolish na nga ang PDAF?"

CION: "Korek. PDAF is abolished but not Pork Barrel, o, 'di ba? Ganito kasi 'yun, wala na talaga ang PDAF na dumaraan sa mga sabsaban o NGOs, pero naroroon pa rin sa national budget ang pondo ng Pork Barrel na ang kontrol ng pamumudmod para sa mga kakosa eh hawak ng DBM. "Yun lang!!!"

TO DIFFUSE?

ANA: "Sabi ni Mareng Winnie, a la cowboy-injun daw ang istilo ng mga bright boys ni PNoy para mapigil ang pagdagsa ng netizens sa Luneta para sa picnic rally for the abolition of PDAF called Pork Barrel sa Lunes, August 26?"

LISA: "Batid naman kasi ng PNoy bright boys ang magiging EPEKTO ng matinding galit ng netizens re PDAF scam, eh parang pinayuhan pa nila si PNoy na testingin muna baka ubra pang mapigil ang rally sa Lunes. Kaya nga naglabas ng anunsiyo si PNoy kahapon na ina-abolish na niya ang PDAF, 'di ba?"

CION: "Pero ayon ke Mareng Winnie eh, PDAF ang in-abolish ni PNoy at hindi ang Pork Barrel. Kung iintindihing mabuti, tinanggal nang tuluyan ni PNoy ang TAGAS ng PDAF na sinasahod ng sabsaban (read: NGOs) para sa bulsa ng legislatongs. Samantala, ang pork barrel nama'y mananatili as line items for projects. Ang gulo-gulo, 'di ba?"

Friday, August 23, 2013

ERAP: GO AHEAD, PROTEST VS PORK

ANA: "Oy, 'lamobang bumilib ako ke Mayor Erap kasi pinayagan niyang magMobRally kahit walang permit ang mga kasangga natin sa Lunes, Agosto 26, sa Luneta re PDAF abolition?"

LISA: "Tama 'ga. Kaya lang eh umuuki-ukilkil sa utak ko kung pa'no sasanggahin ni Erap ngayon ang pagkakadawit ng anak, Sen Junggoy, na kasamang sumabsab ng 4 pang senatong at 23 tongressmen sa P10B pork barrel  na ibinubuhos ni Janet Lim-Napoles sa inimbento nitong sabsaban para sa kanyang babuyan. Yuck!!!"

CION: "Kung sabagay, ako'y bumilib ding tunay ke Erap, lalo na ng sumagot sa tanong ng Reporter kung ano raw ang advice na ibibigay nito ke Junggoy hinggil sa pagkakadawit sa sabsaban ng PDAF. Sabi ni Erap - (Face the music, just like the way I faced the music) - Natatandaan ko ang music ni Erap - La Paloma."

Thursday, August 22, 2013

CUSTOMS REVAMP HALTED

ANA: "Sabi ko na nga ba eh, parang mga kaso rin sa RTC na merong delaying tactics sa release ng mga decision, noh?"

LISA: "Oo nga 'ga, napansin ko rin. Ang alam ko, paldo-paldong kuarta ang karaniwang usapan basta merong iuurong na implementasyon, halimbawa, sa nakatakdang pagsibak sa tarbaho ng mga taga-Customs. Magkano?"

CION: "Kailangan na talagang gumamit ng pusong bato at kamay na bakal si PNoy para sugpuing lubos ang isyu ng pandarambong mula sa taxpayers' money ng mga legislatongs, ng mga taga-custongs at gayundin ng mga negosyanteng ganid at debotong nagkukubli sa saya ng CBCP at INK. Mahaba pa ang 3 taon para tuluyang masugpo ni PNoy ang isyung ito."

Wednesday, August 21, 2013

IS IT AUTHENTIC OR AUTISTIC? WHICHEVER!

ANA: "Hindi ba kapag na-swak ka sa isang kumunoy, habang pumapalag ka para makaahon do'n eh lalo ka lang mababaon at posibleng malilibing ng buhay sa malapot na putik ng kumunoy?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Pero 'di ba lahing Nardong-Putik si Sen Amazing Kap? Siempre, kayang mag-float n'yan sa putik, pero ang problema, dahil sa kulapol ng putik ke Amazing Kap eh hindi makikita na merong pagkakaiba kung authentic ang pirma o autistic ang utak nito, 'di ba?"

CION: "Hinay-hinay naman ang paggamit n'yo ng bokadura noh, nakakasakit kayo ng damdamin. Ang maipapayo ko marahil ke Sen Amazing Kap eh manahimik muna siya re: PDAF issue, 'gaya nina Sens JPE, Junggoy, Bongget, Punasan at 23 pang tongressmen na pawang mas angat ang IQ kumpara ke Amazing Kap, peksman!!!"

Tuesday, August 20, 2013

FERDINAND CHUA???

Kahindik-hindik ang mga isiniwalat ni netizen mad_as_Hamlet dito sa Disqus. Ito'y sagot marahil ni mad_as_Hamlet sa pinahahabang usapin re: kung sino ba ang talagang bayani, si Ninoy o si Ferdinand Marcos (FM)?

Nagsimula ang career in politics ni FM ng barilin niya ng cal.22 rifle at mapatay ang kapapanalo sa eleksiyong congressman ng Ilocos Norte, Julio Nalundasan, noong 1935.

Natapos naman ang career in politics ni FM ng barilin DAW ni fallguy Galman ng .357 revolver at mapatay sa tarmac ng MIA si Ninoy Aquino noong 1983.

Fact: Ang trajectory ng bala ay pababa mula sa batok at lumabas sa baba habang bumababa si Ninoy mula sa China Airlines, kasunod ang mga PAF soldiers, samantalang si Galman ay nag-aabang sa tarmac sa likod ng nakaparadang blue van ng PAF.

ANA: "Uy, shock na shock naman ako sa revelation ng ka-Disqus ni Sir Leo. Totoo kayang ang tunay na tatay ni FM ay isang lahing Intsik, matalino at well-connected municipal judge na si Ferdinand Chua at hindi si Mariano Marcos?

LISA: "Ibig mong sabihin eh ipinagbubuntis noon ni Donya Josefa si FM mula sa semilya ni Judge Chua ng ITANAN at pakasalan ni Mariano si Josefa? Sigurado ka ba sa tsismis mo, eh baka malibelo tayo, noh?"

CION: "Dagdag pa ng ka-Disqus ni Sir Leo, si Mariano eh isa raw palang Japanese collaborator kaya hinuli ng mga Gerilya ng Ilocos, itinali ang 2 paa sa likod ng 2 kalabaw at 2 kamay sa likod ng 2 pang kalabaw at sabay-sabay na pinaabante ang 4 na kalabaw. Mistulang palaka na nagkaputol-putol si Mariano, bow..." 

 

OPPORTUNITY KNOCKS ONLY ONCE

ANA: "Sabi ni netizen mabyrik eh minsan lang daw kakatok ang pagkakataon. Kung ito'y maganda, pangit o mabuti, basta, dapat daw itong samantalahin ni PNoy."

LISA: "Hah? Sino ang pagsasamantalahan ni PNoy, chix? Naku, ako ino-offer ko ang sarili ko ke PNoy willingly sa August 26. Ako'y nangangakong tatalima sa lahat ng kanyang kagustuhan, peksman."

CION: "Heh! Mahilig kang magpapansin ke PNoy. 'Di ka naman papatulan no'n noh? Ang sinasabi kasi ni netizen mabyrik eh sana tanggalin na ni PNoy ang PDAF na ugat ng korapsiyon ng mga legislatong. Magandang pagkakataon daw na i-anunsiyo n'ya 'to sa August 26, o, 'di ba?"

Monday, August 19, 2013

SABLAY

ANA: "Si Jesus Christ eh sa sabsaban ng mga hayup iniluwal ni Virgin Mary, 'di ba? Kahapon kasi eh sumablay tayo, kasi, ayaw ng Disqus na maidikit ang pangalan ni Janet Lim-Napoles  na siyang operator ng sabsaban (manger) ng mga legislatongs. Rejected ang ating post! Juice na mahabagin talaga."

LISA: "Bakit, masama ba ang word na sabsaban o labangan? D'yan kasi sumasabsab o lumalamon ang mga baboy habang nagbabalyahan. Sige, magpunta ka sa pigery at obserbahan mo ang sinasabi ko, sigee!!!"

CION: "Naaasiwa lamang marahil ang Disqus na madamay sa pangungulimbat ng mga NGOs ni Janet ng PDAF na regular at todong ibinubuhos hanggang mamuwalan sa pagsabsab ang mga baboy nitong alaga sa kanilang sabsaban na kung tawagin eh mga HONORABLES!!! Onli enda Pilipins!!!" 

Sunday, August 18, 2013

DRAG OUT THE HIDDEN INTO THE LIGHT OF DAY

ANA: "So, pa'no palulutangin para mabistahan ng publiko, partikular ng mga blogger mula sa planet Earth, ang nakalublob na pork barrel sa inimbentong sabsaban ng mga baboy (read: legislatongs) ni Janet, ha?"

LISA: "Para sa'ken eh 'di problema 'yan. Tutal naman eh pinayagan ni PNoy na isama pa rin sa national budget ang PDAF para masigla't maliksi pa rin ang pagsabsab ng mga baboy sa sabsaban na nasa poder ni Florencio Abad, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Kaya pinayagan ni PNoy na isama sa budget ang pork barrel para sa mga YOBABS eh para mamonitor ang pagsabsab nila sa sabsaban ni Janet. Kasi, parang cctv na naka-focus sa kanila ang release ng bawat pork barrel kung ito'y nagko-conform sa procurement procedure, o, bet?"

Saturday, August 17, 2013

DISCREPANT GOVERNANCE

ANA: "Oy, 'lamobang meaning sa Tagalog ng discrepant governance? 'Di ba ibig sabihin no'n eh - iba ang sinasabi kesa ginagawa - tama ba 'ko, ha?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. 'Gaya nga ng biniling mansion ni Janet at ginawa nitong retreat house kuno na pinangangasiwaan ng mga inampon nitong pari. 'Di naman pala retreat house kundi detention-house ni Benhur Luy at mga pari ang nagsisilbing guwardiya!"

CION: "Huwag n'yo ngang gawan ng isyu ang mga kaparian noh! Mangilabot kayo kasi umiiyak na si Cardinal Tagle kung bakit tila nadadawit na ang mga paring lahing tsekwa sa racket ni Janet, 'gaya ng HALOS LAHAT ng mga Phl legislatongs, o, 'di ba?" 

Friday, August 16, 2013

FUNDS SOURCED FROM JPE, SENS AMAZING KAP, JUNGGOY & PUNASAN

ANA: "Nakanang-ina talaga! Naglilitawan na ang mga documentary evidence vs senatongs. Super kahiya-hiya na'to sa kanila. Meron pa ba sila no'n?"

LISA: "Nakana mong tunay 'ga. Mismong COA na ang naglantad sa mga bloggers, thru internet, ng mga documentary evidence na'to vs mga kasangkot. T'yak, MobRally na'ng kasunod nito, gogogo!!!"

CION: "Heh, tumigil kayo! Hintayin n'yo munang lumutang si Janet para siya mismo ang gagawa ng kumpirmasyon sa mga dokumentong ito ng COA. Ang problema nga lang eh pa'no kung sa gitna ng laot lulutang si Janet? Ubos tayo..."

Thursday, August 15, 2013

PUSHING DIMAPORO'S TEMPORARY RELEASE

ANA: "Iyan bang 105 na tongressmen na humihirit na piyansahan si Dimaporo eh iba pa sa 23 bilang ng tongressmen na suki sa biyakan sa pandarambong ng PDAF ni Janet?"

LISA: "Oo nga noh. Obvious na kampi-kampi ang merong suma-total 128 dami ng tongressmen at a la lintang walang humpay sa pagsipsip ng PDAF. Que barbaridad!"

CION: "Kailangang malinis ni PNoy ang nakakahiyang pandarambong ng mga Pilipino legislatongs sa kanilang PDAF na 'di maikakaila at tumambad na rin sa buong mundo. Para sa'ken, ituong pirme ni PNoy ang natitirang 3-taon nito sa Malacanang at kasuhan ng gov't ang lahat ng magnanakaw na legislatongs. 'Yun lang!!!" 

Wednesday, August 14, 2013

WARRANT OF ARREST FOR JANET

(Proverb) The lust of gold succeeds the rays of conquest;
The lust of gold, unfeeling and remorseless!
The last corruption of degenerate woman (Janet).

(Salawikain) Ang kasibaan sa ginto ay kahalili ng sinag ng pagkalupig;
Ang kasakiman sa ginto, walang pandama at walang pagsisisi!
Ang malubha at huling katiwalian ng isang babae (Janet).

ANA: "Bakit kaya laging merong advance info si Janet sa imbestigasyon ng NBI laban sa kanya? Kasi, alam na sisilbihan siya ng arrest warrant kahapon kaya 'di na siya mahagilap kung nasaan ngayon, noh?"

LISA: "Pa'no naman eh pagkarami-raming legislatongs ang tiyak na masasangkot sa pandarambong ng P10 bilyong PDAF, kaya posibleng itinatago nila ngayon si Janet. O, 'di ba?"

CION: "Posible ring tuluyan nang 'di na makita pa si Janet para 'di niya maisiwalat sa Korte ang kakutsabang 6 senatongs at 23 tongressmen bukod pa sa mga IPISyal ng DA at ilan pang mga town mayors. Hay, juice ko pong mahabagin!!!"






Sunday, August 11, 2013

FABRICATED SIGNATURES

(Proverb) In shame there is no comfort, but to be beyond all bounds of shame.

(Salawikain) Ang hiya ay walang idudulot na aliw, bagkus ay magsusulong ng ibayo pang mga kahihiyan.

ANA: "Ay juice ko naman! Biruin mong 97 mayors pala ang pineke ang pirma sa utos ni Janet Lim-Napoles para ma-withdraw ang P900 million Malampaya funds ng bogus NGOs na itinatag nito, noh?"

LISA: "8 presidente ng 8 pekeng NGOs na inimbento ni Janet ang whistle-blowers, bukod pa sa documentary evidence na hawak ng NBI, eh sapat na kaya ang mga ito para tuluyang maipakulong ng Aquino Gov't si Janet?"

CION: "Walang duda na mananagot din si Janet 'gaya ng sinapit nina Ate Glo ay ex-CJ Crown, pero sana naman eh, isama rin sa kulungan ang 6 na senatong at 23 pang tongressmen na suki sa pandarambong ni Janet para happy ako, o, 'di ba?"

Friday, August 9, 2013

SCRIMMAGE

ANA: "Hindi ba dapat scrimmage (magbalyahan-sa-agawan) ang word na ginamit ni Sen Ralf sa halip na scrimping (magtipid-ng-todo) re: pagtatanggal ng 15 irrelevant daw na Senate committee (kumita)?"

LISA: "Palagay ko eh gustong utuin muli ang publiko na sila'y magtitipid na ng todo-todo sa pandarambong ng taxpayers' money at 'di na mauulit ang balyahang naganap sa hindi pantay-pantay na halagang ipinamudmod ni JPE kada senatong no'ng x'mas 2012, hrmmp!!!"

CION: "Mas madaling malalaman ng publiko kung meron pa ring scrimmage sa 2014 PDAF ng legislatongs. Nangako naman kasi ang Malacanang na ipupublika ang ngalan ng mga mag-a-avail ng PDAF. So pls behave, all legislatongs, parang nasa CCTV kayo ngayon. Perfect!!!"

WORSE THAN THE PDAF SCAM

(Proverb) We keep the faults of others before our eyes; our own behind our backs.

(Salawikain) Tinatandaan nating maige ang kamalian ng iba; ngunit tinatalikdan ang sariling kamalian.

ANA: "Mas matinding pandarambong daw pala ang isinasaad ng Phl Mining Act of 1995 kumpara sa Pork Barrel  scam ngayon, ayon kay Mareng Winnie. Pa'no?"

LISA: "Kung implemented na ang RA 7942, otherwise known as Phl Mining Act of 1995, mula ma-approved ito ng Congress no'ng 1995, eh si Tabakp pa no'n ang Panggulo, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Batay umano sa Malampaya formula na P36 TRILLION ang suma-total na halaga ng metallic minerals na posibleng ma-extract, eh 60% ang dapat sanang share ng Phl Gov't. Pero niluto ng cooking inang si Ate Glo para maging 0.08% (P720 billion) lang ang parte ng Bayang Magiliw kong Pinas. WHAT???"

Thursday, August 8, 2013

RELIGIOUS MAFIA

(Proverb) Our doubts are traitors
And make us lose the good we oft might win
By fearing to attempt - William Shakespeare

(Salawikain) Ang pangamba nati'y sukab
Dahilan upang mawala ang mabubuting bagay sanang makakamit
Sa takot na subukin.

ANA: "Sabi ni Ma'm Ana Marie, mga religious mafia raw ang karaniwang padrino ng top positions sa mga opisina ng Gov't. Ikaw, anong say mo?"

LISA: "Totoo naman kasi eh. 'Yung isa nga sa 3 kings ng BoC sinulsulan ng kanyang kinaaanibang  relihiyon na huwag mag-resign sa kanyang posisyon at harapang sinuway ang order ni Comm Biazon na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng Customs collectors, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Pero palagay ko eh hindi na maiilang si Biazon na sibakin ang mga corrupt sa BoC porke alam nitong nasa likod niya si PNoy. Gayahin sana ni Biazon ang ginagawa ni BI Comm Mison na nag-empleo ng mga bagong tauhan sa BI na walang mga padrino."

Wednesday, August 7, 2013

PHONEY

(Proverb) Would you know the qualities in which a man is wanting? Examine those of which he boasts.
(Salawikain) Alam mo ba ang mga katangiang kulang sa isang tao? Suriing maige ang kanyang iniyayabang

Matatandaang ipinagyayabang umano ni Janet Lim-Napoles sa kanyang mga dating tauhan na bumaliktad laban sa kanya re: P10B PDAF scam, na hawak niya sa leeg ang buong GOBYERNO?

ANA: "Totoo kaya ang ipinagyayabang ni Janet na hawak niya o kontrolado ang PDAF ng 2 Congress 'gaya rin ng matinding paghawak at kontrol noon ni ex-Gov Imeldific sa pondo ng Metro Manila Commission (MMC)?"

LISA: "Batay kasi sa pagsusuri ng media eh lumilitaw na sobrang yaman nga raw ni Janet at galing ang yaman nito sa iba't-ibang NGOs nito, bukod pa sa meron din umano siyang coalmine sa Indonesia. Magkano kaya ang total na binabayarang taxes kada taon sa BIR ni Janet, ha?"

CION: "Lumutang si General Jun Esperon, ex-AFP CoS, at pinabulaanang todo-todo ang yaman ni Janet mula sa negosyo nitong coalmine, porke hindi pa naman daw operational ang coalmine na pag-aari nito sa Indonesia. Samakatwid, nagmula sa P10B PDAF ng legislators ang buong kayamanang ipinagyayabang ni Janet? Phoney!!!" 

ESPERON: JLN WEALTH DIDN'T COME FROM COAL

ANA: "Mabuti naman at maagang lumantad si ex-AFP CoS Jun Esperon para linisin ang kanyang sarili na NAULINGAN, katulad ng mga legislators re: PDAF, sa kasong kinakaharap ng JLN, noh?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga, otherwise, baka kasi gayahin din ni Gen Jun ang ginawang pagtigok sa kanyang sarili ni dati ring AFP CoS Angie Reyes para umiwas sa matinding kahihiyan, o, 'di ba?"

CION: "Naniniwala akong madidiin ang JLN sa kasong pandarambong-ng-PDAF at sana naman eh kasama rin ng mag-asawang Napoles ang 5 senatong at 23 tongressmen na LILITISIN sa Korte ng walang piyansa. Obvious na nakulapulan lahat sila ng ULING!!!"

Tuesday, August 6, 2013

BREEDING

"A man's own good breeding is his best security against other people's manners." (Lord Chesterfield, Letters to His Son)

ANA: "Kung ikukumpara ang quotation na 'to sa breeding ni PNoy at ni Sen Amazing Kap na kapwa dating celebrities ang mga ama, sino sa akala mo kina PNoy at Amazing Kap ang higit na nangangailangan ng PDAF?"

LISA: "Naku, tinatanong pa ba'yan, juice ko naman! Eh 'di si Sen Amazing Kap na laging nakakontrata ke Janet Lim-Napoles ang kanyang yearly P200M PDAF, o, 'di ba?"

CION: "Ang breeding ni PNoy eh hango sa Political Science, samantalang si Sen Amazing Kap eh hango naman sa Arts. Law books ang karaniwang binabasa ni PNoy, samantalang script o komiks naman ang laging binabasa ni Sen Amazing Kap, o, getz mo?"   

COGITO, ERGO SUM

ANA: "Latin ang phrase na 'yan ah, ibig sabihin - (I think, therefore I exist), o, 'di ba?"

LISA: "Sa palagay ko eh mas accurate ang translation sa Tagalog ni Sir Cogit kesa kay CDQ re: Rizal's novel - (Ang hindi 'marunong' magmahal sa sariling wika 'ay' daig pa ang hayup at malansang isda) - sure ako."

CION: "Talagang sure-na-sure nga ang 'stale fish' ni CDQ porke lahat, as in ALL, mga estudyante ng UP, Ateneo, La Salle at Xavier eh pulos INGLISEROng animo mga 'Markanong hilaw at GARIL managalog. Ano ba 'yan!!!" 

Monday, August 5, 2013

SCAM COOKED UP BY JANET LIM-NAPOLES

ANA: "Kapag si Janet pala ang nagluluto ng adobong baboy eh sinasahugan nito ng gulay na pichay, noh?"

LISA: "Oh, talaga? Bukod sa sahog na pichay eh anong klaseng kalan naman kaya iniluluto ni Janet ang kanyang adobong baboy, sa kalan-de-uling?"

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Hindi maikakaila na ang cooking-inang si Janet eh napuno ng uling ang buong katawan matapos magluto ng adobong baboy na merong gulay na pichay at ipinakain sa 5 senatong at 23 pang dePUTAdo, 'lamoyon?"


Sunday, August 4, 2013

SPECTACULAR CASES OF CORRUPTION

ANA: "Isa lang si Sir Leo sa 52,289 homeowners nationwide under threat of losing their homes through foreclosure by a collection firm BALIKATAN or BFS, 'di ba? Ang modus-operandi kasi ng Balikatan/BFS eh 'gaya rin ng sindikato sa Housing Industry ni Delfin Lee na kasabwat ang mismong National Home Mortgage & Finance Corp (NHMFC)."

LISA: "Idinulog na ito sa NBI ni Sir Leo for investigation no'n pang December 11, 2012 para sa kasong more than P13 billion syndicated estafa vs Balikatan/BFS, at posibleng kasangkot din ang NHMFC, RTC-Antipolo, Register of Deeds-Binangonan at ang Land Registration Authority. Pero tila natabunan na ang kaso sa NBI porke ayaw umusad."

CION: "Malalaking pangalan kasi ang mga involve sa kasong ito, batay sa isinumiteng mahigit 200 documentary evidence ni Sir Leo sa NBI, including House Committee Report, sa pangunguna ni Balikatan/BFS Pres. Federico Y. Cadiz, Jr, Former NHMFC Pres. Joseph Peter Sison, Ex-NEDA Dir. Augusto Santos, Former Vice Pres. and HUDCC head Noli de Castro, at si Former President Gloria Macapagal-Arroyo. Biro mo 'yon?"

Saturday, August 3, 2013

PLAIN LANGUAGE

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin sa Tagalog ng English word na Plain Language, 'lamoba?"

LISA: "Ang alam kong meaning ng Plain Language sa salitang tinagalog na espanyol eh Plantsadong Lengguwahe. Baket?"

CION: "Mali! Ang kahulugan (purport) ng plain language na panukala ni Sen Grace eh ang paggamit ng simpleng salita sa mga dokumento para madaling maintindihan ng ordinaryong-tao. 'Gaya ng English words na MASTURBATE (magsalsal) RECALCITRANT (pasaway), FRIVOLOUS (hangal) at BRAGGADOCIO (kayabangan) na lapat-na-lapat ang kahulugan sa mga politikong dinurugas ang kanilang PDAF. O, 'di ba?"

44 MAYORS, DINUGAS NG JLN

ANA: "Biruin mo naman, an'daming town mayors pala mula sa buong Pinas ang dinugas ni Janet Lim-Napoles, noh?"

LISA: "Oo nga eh. Pero 'di ito galing sa pondo ng PDAF ng 2 Tongress kundi mula raw sa pondo ng ACEF ng DA no'ng si Ato Yap pa ang DA secretary. Bakit?"

CION: "As usual, tatanggihan din ang plunder case na ito nina Yap at Lim-Napoles. Sa arraignment ng kaso, i-focus ang camera sa panunumpa nila sa harap ng Husgado, kasi, habang nakataas ang kanilang mga kanang-kamay eh nakatiklop naman ang mga daliri maliban sa kanilang middle finger na tirik-na-tirik, peksman!!!"

Friday, August 2, 2013

2014 BUDGET CONTAINS P27B FOR PDAF

ANA: "Sino ang mamanukin mo kung magsasabong sina Sen Chiz vs Sen Alan in re pork barrel scam investigation sa Senate a la CJ Corona impeachment na open sa lahat ng tri-media, internet, paparazzi, gossip/movie press, etc., ha?"

LISA: "Sa tingin ko eh ang venue lang naman ang pinagde-debatehan ng dalawang senadores kung saan ito isasagawa at sino ang dapat magsasagawa ng imbestigasyon. Ang Senado ba na siyang suhestiyon ni Sen Chiz o ang DOJ o kaya'y ang Ombudsman na siya namang gusto ni Sen Alan?"

CION: "Maliwanag na pang-media mileage lang ang patutsadahan ng dalawang ally ni PNoy porke hindi totoong sa investigation of pork barrel scam nakatuon ang kanilang attention kundi ang humikayat ng botanteng posibleng boboto sinoman sa kanila laban ke Veep Jojo Binay sa 2016 presidential elections, peksman!!!"

Thursday, August 1, 2013

FREEDOM OF INFORMATION, PORK BARREL & D' CUSTOMS 3 KINGS

ANA: "Mula no'ng batikusin ni PNoy sa kanyang SONA ang mga makakapal-ang-mukha (read: corrupt) sa BoC eh nahalungkat na rin sa Media ang tungkol sa ayaw ipasang FOI ng 2 Congress at ang pagtanggal sana ng kanilang pork barrel, 'di ba?"

LISA: "Kasing-tindi ng lindol na intensity-10 sa Richter Scale ang pagyanig at pagbagsak ng mga (kandelabra) sa mismong bumbunan ng mga legislators ng 2 Congress na kumitil sa ningning ng buong Senate and House."

CION: "Bilang mga boss ni PNoy, sigurado akong kagyat na masusugpo ang mga indultong ito KUNG: 1. ipapasa ang FOI; 2. tanggalin ang PDAF ayon sa panukala ni Sen Brenda; at, 3. si PNoy muna ang personal na magreporma sa BoC bilang pansamantalang OIC para sibakin ang dapat mga sibakin. PRO PATRIA (for our Country!!!)"