Monday, September 30, 2013

LIKE A HUMPTY DUMPTY SENATE?

ANA: "Oy, ano ba ang ibig sabihin ng Humpty Dumpty Senate na bokadura ni CDQ sa kanyang kolum, ha? Litsong baboy ba 'yon na malutong, masarap at mamantika at nagmamarka sa nguso ng sino mang ngangasab?"

LISA: "Ang humpty dumpty eh kasabihan ng mga Briton na ang ibig sabihin eh isang taong bansot, mataba at nanggigitata ang katawan, medyo sayad ang utak dahil sa init ng basurang walang habas nitong kinakalkal. O, getz mo?"

CION: "Ang buong legislative branch of gov't kasi eh NABILAD sa init ng pagkasugapa ang mga legislatongs sa walang habas na pagkalkal sa kanilang Pork Barrel kaya na-immune ang kanilang utak dahilan para hindi na tumalab sa kanila ang KAHIHIYAN."

Sunday, September 29, 2013

MOVE TO COVER UP P50M BRIBE?

ANA: "Sabi nung 'sang dating abogado no'n ni ex-CJ Crown (Whether or not it is bribery, rests on the concience of each senator,) tungkol sa IKINANTA ni Sen Junggoy re: ipinamudmod ng DBM thru SP Drilon na P50M INCENTIVE kada senatong na bumoto sa impeachment ng ex-CJ."

LISA: "Umangal din pala si ex-Sen Joker kasi, P35M lang umano ang kanyang tinanggap na suhol samantalang hindi naman siya bumoto para ma-impeach ang ex-CJ, 'gaya rin ng NO votes nina Sens Bongget at Brenda, kung kaya kapwa sila hindi tumanggap ng tig-P50M, o, 'di ba?"

CION: "Inamin naman ni DBM bigboss Butch aBAD na tinanggihan daw ni ex-Sen Ping ang P50M suhol na pabuya sa mga senatong na bumoto pabor sa pagsibak bilang CJ ng SC si Rene Crown. Kasi, bumoto para sa conviction ng ex-CJ si ex-Sen Ping pero tumangging magpasuhol, peksman."

Saturday, September 28, 2013

DELICADEZA AND SENSE OF HONOR

ANA: "Ano bang ibig sabihin nung phrase ni Sir Randy na (delicadeza and sense of honor), ha? Para bang litsong-baboy 'yon na malutong, masarap, mamantika at nagmamarka sa nguso?"

LISA: "Heh! Hindi pagkain ang phrase na 'yan kundi kaugalian ng tao, 'gaya ng ugali ng mga opisyal ng gov't, ugali ng mga sikat ng kolumnista tulad ni Sir Randy at ugali ng ordinaryong Pinoy. O, bakit?"

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Pero mas babagay sa palagay ko kung daragdagan ng word na (WALANG) bago ang word na delicadeza ang buong phrase patungkol sa mga legislatong at ac/dc columnists 'gaya ng klase nina Mandodoro at Tulping na pawang mga WALANG DELICADEZA AND SENSE OF HONOR, o, 'di ba?"

Friday, September 27, 2013

TO IMPLICATE OTHER COLLEAGUES

ANA: "So, ano ang bottomline sa ginawang privilege spit sa Senado ni Sen Junggoy bakit ala shot gun nitong pinasabugan ang mga kasamahang onorabol, ha? Para idamay ang bawat onorabol na kasuhan din sila ng plunder na walang piyansa?"

LISA: "Most probable eh korek ka r'yan, 'ga. Kasi, qualified kang makasuhan ng plunder kung ang dinambong mong kuarta mula sa taxpayers' money eh 'di bababa sa halagang P50M, o, 'di ba?"

CION: "Bilib ako talaga sa katalinuhan n'yong dalawa, 'day. Kasi inamin mismo ni SP Frank Drilon na nagpamudmod siya ng tig-P50M, mula umano kay BDM Sec aBAD, kada senatong makalipas nilang ma-impeach si ex-CJ Crown, bilang SUHOL! Therefore, merong probable cause para sa kasong PANDARAMBONG!!!"

Thursday, September 26, 2013

BRENDA EXCORIATED JUNGGOY

ANA: "Oy, ano ba sa Tagalog ang English word na excoriate, ha? Bakit sinasabi sa report na excoriated daw ni Ma'm Brenda si Sir Junggoy. Tungkol ba'to sa sabsaban ni Janet?"

LISA: "An'dami mo namang tanong. Ang meaning sa Tagalog ng word na excoriate eh balatan, upakan, talupan. O, ngayon, alam mo na? Kasi, binalatan o inupakan o tinalupan ni Sen Brenda si Sen Junggoy hinggil sa kaso ng PDAF, o, getz mo?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. 'Yung UPAKAN ng mga onorabol vs kapwa onorable sa Senado eh bunga ng turuturuan, bintangan, kung sino ang merong pinakamalaking halaga ng PDAF na nakulimbat nila, individually, mula sa taxpayers' money. Ang hindi maitatanggi at kitang-kita ng Pinoy, eh, lahat, as in LAHAT silang senatong eh damay-damay sa pagSABSAB sa Pork Barrel. CERTAINLY!!!" 

Wednesday, September 25, 2013

CONSTITUTIONAL CRISIS?

ANA: "Oy, 'lamobang pumayag na si DoJ Sec Leila na pasiputin sa Senate's blue ribbon committee ngayong araw ang mga whistle blower, kase, ayaw n'yang magkaroon daw ng constitutional crisis. Ano bang ibig sabihin ng constitutional crisis - magboboksing sina Sen Guingona vs Sec Leila  a la Pacman vs Donaire?

LISA: "Sana, kung maiiwasang 'di magsagupa ang kapwa Pinoy 'gaya nina Pacman at Donaire, eh di, magaling. Kaya nga pumayag na siguro si Sec Leila na gumawa ng kanyang grandstanding (stint/stink) si Sen Guingona para siguro makalimutan ng Pinoy na posibleng kasama rin pala siya sa mga sasampahan ng plunder?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. 'Yun kasing bantot ng mga onorabol na nakipag-sabsaban sa sabsaban ni Janet eh lalong umalingasaw ng mismong si Sen Junggoy eh umawit ng La Paloma sa kanyang privilege-SPIT kahapon sa bulwagan ng Senado. Hay, juice ko pong mahabaGIN, todo-todong kahihiyan na'to, 'di ba?"

Monday, September 23, 2013

JPE: I'M NOT UP TO BETRAY ANY OF MY PEOPLE

ANA: "Oy, naniniwala ka ba sa pautot ni onorabol JPE na hindi raw niya ugali ang magtaksil at ipagkanulo ang sinoman sa mga tauhan niya?"

LISA: "Ha? 'Di kaya nahihibang si JPE? Kasi, t'yak na ramdam na nitong a la barko siyang lumulubog sa laot at kailangan niyang itapon sa dagat ang huling mabigat na bagahe nitong si Ma'm Gigi. Ito'y para manatiling nakalutang ang kanyang barko at makatawid sa dagat, o, getz mo?"

CION: "Sa palagay ko eh tuluyang lulubog sa dagat ang barko ni JPE kasunod ng itinapon niyang bagahe na si Ma'm Gigi at 'yung mga kapwa pa niyang onorabol na sina Junggoy at Amazing Kap na kusang nagsitalon mula sa lumulubog na barko at ngayo'y sisinghap-singhap na kumakawag sa gitna ng dagat, o, 'di ba?" 

Sunday, September 22, 2013

MABYRIK: IS BUDGET MONEY & PDAF ALSO MONEY?

ANA: "Ang simpleng tanong ni blogger mabyrik sa depektibong paliwanag ni Tito Sen re: function daw ng isang chief of staff ng isang senatong - (is budget money and PDAF also money)?"

LISA: "Nagpaliwanag kasi si artful Tito Sen: ang chief-of-staff kuno bilang alter ego ng isang sanatong eh pupuede ring umastang parang tunay-na-senador, (EXCEPT file bills and disburse the budget)?"

CION: "Hay, that's abhor! Bakit naman sasabihin ni Tito Sen na senatong lang ang puedeng mag-disburse at walang kapangyarihan ang CoS nito? 'Di ba lahat ng pinamudmod na milyon-milyong cashgift ng senatong no'ng x-mas 2012 na mula sa OPIS ni ex-spJPE eh si Ma'm Gigi ang nagDISBURSED?

Saturday, September 21, 2013

FELLOWSHIP OF CROOKS

ANA: "Oy, 'lamobang gumuho na ang 25-year fellowship of crooks nina Gigi Reyes bilang napaka-matalino at napaka-romantikang assistant cum lover ni JPE dahil sa isyu ng sabsaban scam ni Janet. Totoo kaya 'to?"

LISA: "Ang alam ko'y bihasang magtanim ng PATIBONG si JPE para makawala siya sa peligro. Gayunma'y nararamdaman kong tila isang barkong lumulubog ngayon si JPE at kailangang itapon ang mabigat at mahalagang bagahe sa dagat, 'gaya ni Gigi, para gumaan at hindi lulubog ang barko?"

CION: "Pero tiwala akong darating ang soccoro ke Gigi at hahagisan siya ng salbabida mula kina Omb Morales, DoJ Sec Leila, CoA Chair Tan at BIR Chief Kim para makaligtas sa pagkalunod at umawit ng La Paloma vs JPE bakit sobra-sobra ang kayamanan nito habang patuloy itong lumulubog sa dagat, o, 'di ba"?

Friday, September 20, 2013

WINNIE MONSOD: WHO FINANCED THE ZAMBOANGA CAPER?

ANA: "Bitin naman palagi 'tong si Mareng Winnie, 'di ba? Ang hilig magbigay ng tanong, tapos, ipasasagot din sa mga readers niya, ano ba'yan!!!"

LISA: "Sinagot ni reader Mamang Pulis ang tanong ni Mareng Winnie ng isa pang tanong: (And who could be that? Is there a 'B' and 'N' in his name?)"

CION: "Ay oo, meron nga. So, me kinalaman talaga, peksman, ang 3 Kings ng UNA. Kasi, sila lang naman ang merong 'saktong dahilan para pondohan ang panggugulong ito ni MISWA rin sa Zambo, para ilihis ang pagkakadawit nila sa isyu ng SABSABAN scam ni Janet, o, 'di ba?"

Thursday, September 19, 2013

SIGN OF WRONGDOING

ANA: "Oy, 'lamobang 'yung 6 na sumibat palabas ng Phl para takasan ang kasong pandarambong na kasalo sa sabsaban ni Janet eh sign of wrongdoing, ayon ke DoJ Sec Leila de Lima?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Kasi, kasama talaga 'yan sa plano na kapag nagkabukingan, eh makakatalilis din palabas ng bansa ang 2 senatong ng walang-aray, 'eka nga, kasi, mapapansing ang 6 na tumalilis palabas ng Phl, 2 sa kanila eh aide-de-camp ng 2 senatong, o, 'di ba?"

CION: "Para sa'ken 'di talaga maganda ang halimuyak, noh? T'yak na tumatanggap ng daily instructions sina Gigi at Ruby sa 2 senatong para plantsahing mabuti ang kaliit-liitang detalye katumbas ng malaking halaga ng perang panlagay para matakasan smoothly ng 2 senatong ang kanilang kaso at mamuhay ng tahimik sa ibang bansa thereafter? Nakanang Ina talaga hooo!!!"   

Wednesday, September 18, 2013

POLITICALLY MOTIVATED

ANA: "Oy, alam ko ang translation sa Tagalog nang salitang motivate - mag-udyok, o, 'di ba? Eh, sino raw ba kasi ang nang-uudyok laban kina Sens Amazing Kap, JPE at Junggoy, ha? Ang tanong ni Prof Randy David eh, politically motivated nga bang paghinalaan na mandarambong ang mga legislatong?Eh sino ang udyokero, ang Malacanang o ang Pinoy netizens?"

LISA: "Ang sabi ni Amazing Kap sa kanyang press con eh sinisiraan lamang daw siya ng Malacanang na isang mandarambong para bumaho ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente. Ipinag-diinan pa niyang isa lamang daw itong politically motivated strategy para maitsa-puera siya! Hello, hello?"

CION: "Hindi maikakaila ang kapangyarihan ng internet sa panahong ito at walang nang-uudyok para siraan ang reputasyon ng mga legislatong dahil sa padarambong ng kanilang pork barrel mula sa taxpayers' money. Sagutin nila sa Korte ang demanda laban sa kanila and let the Court decides, 'di ba onorabol JPE, sir?"

Tuesday, September 17, 2013

LACKADAISICAL JUDGES

ANA: "Uy, mismong si Sen Brenda, bilang dating RTC Judge, ang nagsabing 'sangkaterba ang lackadaisical judges sa Phl, kasi, lubha raw tinatamaan ang judge ng katamaran habang nangangarap na sana'y merong magbigay sa kanya ng makapal-na-sobre mula sa magkabilang panig sa asuntong high-profile na hinahawakan nito. Biruin mo 'yun?"

LISA: "Tungkol sa kasong plunder na inaasahang lilitisin sa Sandigan Bayan vs Janet at mga legislatongs, eh 'wag naman sanang matulad ito 'gaya ng kasong Maguindanao Massacre na super-bagal dahil sa humahawak na lackadaisical na Huwes. Aba'y t'yak na maga-alboroto ang mga MobRally, hay juice kong mahabaGIN pa nga!"

CION: "Inaasahan ng Pinoy, ng CBCP din at netizens, 'di lamang sa Phl kundi sa buong Planeta, na ikukulong ng walang piyansa ang 1st batch ng legislatong na dawit ke Janet sa salang pandarambong habang dinidinig ang plunder case na'to sa Sandigan Bayan, at siempre, gano'n din ang susunod pang batches mula sa Executive at Judiciary na dawit din sa kasumpa-sumpang krimen na'to, o, 'di ba?" 

Monday, September 16, 2013

NO SUSPENSION OF LEGISLATONGS IN PORK BARREL SCAM?

ANA: "Bakit ang application ba ng batas sa Phl, ayon ke Maj Leader Neptali ng House of RepresentaTHIEVES, eh magkaiba para sa legislatongs kesa ordinaryong Pinoy? Kasi, sabi niya, 'di raw puedeng suspendihin ang tongresman na idinemanda sa pagnanakaw mula sa kaban-ng-bayan?"

LISA: "Parang ganyan din ang pahiwatig ni SP Frank Drilon kahapon porke sinabi rin niyang 'di nga raw puedeng suspendihin, ayon daw sa Rules of Congress, sina Sens JPE, Junggoy at Amazing Kap kahit na sila'y nakademanda sa salang pandarambong mula sa kaban-ng-bayan. 'Gaya rin ito ng kaso ni Ate Glo na reelected pa ngang TONGreswoman, o, 'di ba?"

CION: "No'ng magbigay ng kanilang mga pahayag sina onorabol Neptali at Frank eh sadyang sa wikang Ingles, para 'di masyadong maintindihan ng mga pinaglololoko nilang botante. Inglisero sila kapwa kaya siguro TWANG-ina nila?"   

Sunday, September 15, 2013

A TRUCKLOAD OF EVIDENCE

ANA: "O, kitam? 'sang truckload ng ebidensiya ang ihaharap ng DoJ-NBI sa pagsasampa ngayong araw (Sept 16, Lunes) ng kasong PLUNDER vs Sens JPE, Junggoy at Amazing Kap at 23 pang tongressmen. Nalulugod ako, peksman."

LISA: "Bukod sa suspension bilang mga mambubutas eh makukulong din kaya ang mga legislatong na'to ng walang piyansa a la Ate Glo, habang dinidinig ang kanilang kasong pangungulimbat sa Kaban-ng-Bayan? Meron kayang mag a-avail ng wheelchair?"

CION: "Tila wa-epek ang ginawang panggugulo ng MNLF faction ni Miswa-Rin sa Mindanao para sadyang idiskarel ang Pork Barrel case ng mga legislators, o, 'di ba? Although, nakikiramay kami sa lahat ng mga nasawing civilian sa laban, ang ating mga bayaning sundalo at pulis, gayun din ang mga kapatid na MNLF na tila ginagamit lamang ng ilang maimpluwensiyang mga tao. Nakalulungkot."

Saturday, September 14, 2013

REGAINING THE PEOPLE'S TRUST? NO WAY!

ANA: "Alam mo 'ga, kung ihahambing ang kostumbre o kaugalian ng isang mediaman sa isang politiko, eh sa palagay ko pareho lang silang manghuHUTHOT, 'di ba?"

LISA: "Ay, oo nga. Nagkomento nga minsan si Sir Leo, bilang dating Reporter, na walang aamin kahit isang NPC member na sila'y gumagawa ng AC/DC scam sa pagtupad ng kanilang propesyon. Kase, hindi sasapat ang kakatiting nilang sueldo sa maluhong buhay nila para suportahan ng maayos ang buhay ng kani-kanilang pamilya, hay, t'yak 'yon!"

CION: "Eh, ganyan din ang buhay o kaugalian na tinatamasa ng LAHAT ng politiko (re: Pork Barrel) mula sa pinakamababang miyembro ng Sangguniang Kabataan hanggang sa mga humahawak ng mga posisyon sa 3 branches of Gov't, mas grabeng manghuHUTHOT din sila!!!" 

Friday, September 13, 2013

DBM SEC BUTCH ABAD AT REP GID AGGABAO, NAGTUTURUAN

ANA: "O, heto na naman at lumulutang na ang masamang kostumbre ng dating magkakasangga sa paglaspag ng Pork Barrel, kase, nagtuturuan ngayon sina DBM bigboss Butch Abad at deputado ng Isabela, Gid Aggabao, re: release of P428.5M to PhilForest no'ng February 2011. Buking na kayo noh?"

LISA: "Ano ba talaga kase ang legality ng Pork Barrel bakit pinayagan ng SC ito, ha? Ang Pork Barrel, ayon sa Dictionary - (n. U.S. slang) a bill or project requiring considerable gov't spending in a locality to the benefit of the legislator's constituents who live there, getz mo?"

CION: "Halimbawang magsasampa ng kaso ang DoJ sa darating na Lunes vs mga kawatan ng Pork Barrel, kasama kaya sina Abad at Aggabao na bistadong nakipag-sabsaban din sa sabsaban ni Janet?" Hay, sana po, Lord!!!"

Thursday, September 12, 2013

LUY: SOLONS SOLD THEIR PDAF

ANA: "Ay anoba'yan, yumayanig, dumadagundong talaga sa utak ko ang lawak ng pamamaraan ni Janet Lim-Napoles, katulong ang mga taga-Executive, Legislative at Judicial branches of Gov't, sa paglimas ng kayamanan mula sa Kaban-ng-Bayan!"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Mantakin mong walang comparison ang scheme na inimbento ni Janet upang ang mga alagang baboy na pawang nakakurbata eh maglagi at magpakabundat sa kanyang sabsaban, o, 'di ba?"

CION: "T'yak na maitatala sa history ang walang katulad na bagsik ng pangungurakot ng mismong elected officials, cabinet members at ang Judiciary na nagsisilbing mga palamuning-baboy ni Janet. Onli in da Pilipins. NAKAKAHIYA KAYO!!!"

Wednesday, September 11, 2013

PDAF-SCAM SENS GROWN TO 6 FROM 3

ANA: "Naku, dumarami ang bilang ng mga senatongs na involved ke Janet Lim-Napoles. Eh halimbawang maragdagan pa uli ang kasalukuyang 6 na senatongs at sabay-sabay na makukulong ng walang piyansa, magkakaroon pa kaya ng quorum ang Senate sessions?"

LISA: "Batay sa Senate Rules, fifty persent plus one (12 + 1) of all senators present is required to conduct business. So, palagay ko kahit maragdagan pa ng 5 ang 6 na sangkot daw sa pandarambong ng PDAF ni Janet, eh puede pang magkaroon ng sesyon ang Senado. O, getz mo?"

CION: "Ang problema kasi eh kung dumating ang puntong mawalan ng quorum ang sesyon ng Senado porke sangkot ang halos-lahat nang senatongs, puede na kayang ibaba ang martial law for a limited time para magpatupad ng DICIPLINE ang commander-in-Chief?"

Tuesday, September 10, 2013

CDQ: WE DON'T MIND THAT BONGBONG'S AN SOB

ANA: "Ang ibig bang sabihin ng SOB eh son of a bitch? Eh 'di asong ulol pala si Meldita, ha?"

LISA: "Heh, ayusin mo 'yang bokadura mo kase hindi na naman ipapaskel ang ating post dito, I'm sure."

CION: "Sabi ni CDQ, 'yung kulturang kinagisnan ni Sen Bongget eh mula sa tahanan ng isang marangyang angkan, kaya ang kinalabasan, mararangyang kawatan sila lahat ngayon sa Senado, o, 'di ba?"

Monday, September 9, 2013

EX-FG ASKS COURT ANEW TO TRAVEL

ANA: "Oy, 'di mo ba napapansin na tila sobrang busy rin ngayon si Big Mike Arroyo mula ng maglitawan ang malalaking isyu, una, PDAF scam, re Janet's sabsaban for legislatongs, million people march sa Luneta, 'yung panggugulo ngayon ni Misuari sa Zamboanga, at another pakulo bukas na pinamagatang Edsa Tayo. Ano kaya ang kinalaman dito ni Ate Glo, ha, meron ba?"

LISA: "Eh kung susumahin kasi, kailangan ng malaking pondo para pagtakpan at i-divert ang atensiyon ng Pinoy sa kasong pandarambong ni Janet, kasama ang mga kakutsaba nito, UNA, ang mga legislatongs, ilang members ng Judiciary at gano'n din sa idinadamay na cabinet members ni PNoy. Ang tanong kase, sino ba ang merong kakayahan na pondohan ang (diversionary tactics na'to) para muling lilituhin ang publiko at burahin sa kanilang isipan ang pandarambong ng mga legislatongs, partikular sina JPE, Junggoy, Amazing Kap, Bongget at Punasan?"

CION: "Kung gano'n, kaya pala maga-abroad si Big Mike eh para mag-withdraw ng malaking halaga para pantustos sa mga pakulong isyu na pilit pinalalaki para mapagtakpan ang isyu ng PDAF scam? Merong bang kapangyarihan si PNoy para sagkaan ang mga ganireng pagkilos? Eh kung magdeklara kaya ng martial law for 3 months para magpatupad ng DISIPLINA sa buong bansa ang Commander-in-Chief, puede, 'di ba?"     

Sunday, September 8, 2013

AS CLEAR AS MUD

ANA: "Matindi talaga ang ngitgit ni CDQ kina Apo Ferdie, Ate Glo at ex-CJ Crown noh? Kase, 'yun daw palang EDSA TAYO sa Seprember 11 eh plano raw ng mga alipores nina Marcos, Arroyo at Corona?"

LISA: "Para sa'ken eh half-truth ang sinasabi ni CDQ, kase, unang-una, ba't 'di niya ibinilang ang 3 Kings na sina Jojo, Erap at JPE na posibleng sila ang totoong me balak na mag-EDSA TAYO sa Sept 11 na b-day pa mandin ni FM, o, 'di ba?"

CION: "Korek! Gustong i-divert ang atensiyon ng tao na ang gagawing Edsa Tayo rally eh walang kinalaman ang 3-Kings porke pagkilos umano ito ng grupong gustong magpatalsik ke PNoy at papalitan ng alipores nina Marcos o Arroyo. Eh kung ibabatay sa order of succession, 'di ba si Jojo Binay bilang Veep ang siyang papalit kung sakaling napapatalsik si PNoy ng Edsa Tayo? Sino ang mastermind kung gano'n, Sir CDQ?"  

Saturday, September 7, 2013

EX-CJ ART PANGANIBAN: PNOY'S 4 ANGELS

ANA: "Sino-sino raw ba 'yung 4 Angels ni PNoy, ayon ke ex-CJ Temyong, ha? At bakit binansagan silang Angels, meron din ba silang wings na 'gaya ng parrot?"

LISA: "Ang isang Angel na katulad ni Raphael eh merong wings pero invisible at tumatalima sa ipinag-uutos sa kanya ni Lord. Si Angel Raphael ang umalalay ke Tobias na anak ni Tobit para mapangasawa ang kalahing si Sara batay sa ipinag-uutos ni Lord sa kanya, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day, ang g'leng mo sa Bible. 'Yung 4 na Angels daw ni PNoy na sina Conchita, Grace, Leila at Kim, ayon ke ex-CJ Temyong eh, pare-pareho raw sila na merong BALLS at PANININDIGAN pero invisible 'gaya rin ng wings na taglay ni Raphael, na magsisilbing tool o kasangkapan para maparusahan si Janet kasama ang mga legislatongs sa salang pandarambong ng PDAF. O, getz mo?"

Friday, September 6, 2013

LIE MEANS TO SPEAK UNTRUTHFULLY WITH INTENT TO MISLEAD

ANA: "Itong liar o abu gago ni Sen Amazing Kap eh nagtapos din kaya ng kanyang pagka-abu gago sa Wan Bol University? Ano sa palagay mo, ha?"

LISA: "Gano'n na nga ang palagay ko, kase, sinusubukang ilihis ng aTONGni ni Kap na peke ang magkakasamang nasa picture nina Jimmy Napoles, Bong Revilla, Lani Mercado at Janet Lim-Napoles bilang mga ninong-ninang sa kasal nina Roman at Shalani. Sus ginoo!"

CION: "Sa totoo lang noh, naisalang na sa kumunoy si Kap dahil nag-a la parrot siya sa kadaldalan, kasi, nagbibigay siya ng mga pahayag sa media ng extemporaneous o walang pakundangan. Huli ka!"

Thursday, September 5, 2013

NO PDAF, NO ROBBER

ANA: "Simple lang naman ang gustong man'yari ni Sir Neal, kasi, sabi niya, kung wala nang PDAF na nanakawin, eh 'di wala na rin daw magnanakaw! Simple, 'di ba?"

LISA: "Hmm, puede. Pero pa'no mababawi no'ng mga nanalo nitong nakaraang eleksiyon ang pinuhunan nila sa gastos ng kanilang kandidatura? Hindi sila papayag siempre na basta na lamang aalisin ang PDAF, I'm sure!"

CION: "Ay sinabi mo! 'Gaya na lang ng inilista ni Mabyrik sa ibaba, heto ang gastos daw ng mga onorabol senatongs nu'ng nakaraang eleksiyon: JV - P138M; Villar - P134M; Cayetano - P131M; Nancy - P129M; Bam - P124M; Grace - P123M; Angara - P120M; Escudero - P120M; Loren - P83M; Pimentel - P75M; Trillanes - P30M; Honasan - P24M. Meron itong suma-total na P1.221 Billion! O, kitam?"

Wednesday, September 4, 2013

PRESIDENTIAL PORK BARREL?

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng separation of power, para bang kili-kili power din ito?"

LISA: "Umaalingasaw, 'yan siguro ang term na nais mong tukuyin 'di ba? Ang power kasi ng Congress (Senate & House) bukod sa paggawa ng batas, eh ang magtakda o maglaan (appropriate) ng pondong gagastahin para sa public works and services ng gov't sa loob ng isang taon. Pero, HINDI sila mismo ang gagastos sa inilaang pondo para sa mga projects. Aalingasaw, peksman!!!"

CION: "Korek! Pero kung ibabatay sa isinasaad ng Phl Constitution, ang Appropriations Act ng Congress kada taon eh ang Executive Branch of Gov't ang nakatoka para sa implementasyon ng mga proyektong pinondohan ng 2 Kongreso. Walang creature na (Pork Barrel) ang inaalagaan ng isang Phl President, 'lamoyon?"

Tuesday, September 3, 2013

CALLING, CALLING, KOKAK 2, T'IS KOKAK 1, OVER!

ANA: "O' nag-iingay na naman ang mga palakang malake at palakang maliit at todo batikos uli sila sa NBI at ke PNoy re 4 na sisibaking IPISyal ng NBI na nagsisilbi rin daw na mga K-9 ni Sen Amazing Kap, 'di ba?"

LISA: "Ano kaya ang ipinakakain ni Kap sa 4 niyang doberman na taga-NBI, karne na marinated ng PDAF? Nakaka-addict 'yun, I'm sure!!!"

CION: "Kilala ko ang 4 na NBI palakokak ipisyal na'to na TANGApagtanggol din ni Janet, courtesy ni Kap, na sina Reynaldo Esmeralda ng Intelligence, Ruel Lasala ng Special Investigation, Rickson Chiong ng Technical Service at Rafael Ragos ng Comptroller Service, o, tama ba?"

Monday, September 2, 2013

PALAKARIN

ANA: "Ano nga pala ang tawag sa palakang malake at palakang maliit, 'di ba palakarin? Sige, pansinin mo ang animo natubigang mga palaka o buteteng bukid na nagpapaligsahan sa pagKOKAK, nakakabalisawsaw, 'di ba?"

LISA: "Medyo nakakarindi na nga ang kokak ng mga buteteng bukid na 'to. Kasi, sa halip na mga kakutsabang legislatong ni Janet sa pandarambong ng PDAF ang pagtuunan nila ng isyu, aba'y ang binabatikos eh ang NBI at si PNoy! Que klaseng utak meron sila?"

CION: "Utak? Ah, kung baga sa itlog, sila 'yung nabagok nang tamaan ng PDAF habang nasa loob ng basket. Kaya naman ang mga itlog sa loob ng basket na nabagok, lahat sila'y naBUGOK. That was the result - KOKAK!!!"

Sunday, September 1, 2013

LET THE HUNT BEGIN?

ANA: "Hoy, Aleng Cion, ano sa palagay mo, dapat bang gawing state witness si Janet Lim-Napoles, ayon sa bocadora ni CDQ?"

LISA: "Oo nga, noh? Kasi naman eh nagpalutang ng haka-haka ang Malacanang no'ng una na puedeng maging state witness kuno si Janet laban sa pandarambong ng PDAF ng 5 senatongs at 23 tongressmen. Kung makakasuhan ng plunder ang nasabing mga legislatongs, walang piyansa 'yon habang dinidinig sa Korte, 'di ba?"

CION: "Bukod sa kasong illegal detention vs Janet na 'alang piyansa, dapat eh dagdagan pa ng kaso si Janet, kasama ang 28 pang legislatongs, ng plunder (P10B PDAF scam). Bukod sa kapal kasi ng documentary evidence na hawak ngayon ng NBI eh meron pang mga 10 whistle blowers re PDAF scam ang nasa pangangalaga ng WPP ng DoJ. Eh, sino pa ba'ng hahantingin?"