Friday, January 31, 2014

NOTICES OF DISALLOWANCE

ANA: "Pinadalhan na pala ng COA ng Notice of Disallowance ang mga onorabols, noh? Naku, pa'no na ngayon 'yan, sa'n kukuha ng pang-abono para isauli nina onorabols JPE, Junggoy, Amazing Kap at Gringo ang milyon-milyon nilang kinulimbat mula sa PDAF, eh mukhang ubos na, o, 'di ba?"

LISA: "Ay, halinghing-ng-hangal! HINDI kailanman nila isasauli ang mga dinambong nilang kuarta, noh? Kase, parang umaamin silang magnanakaw nga sila kapag nagsauli pa sila ng cash money na nakatago sa bangko at hindi nakikita ng publiko. Pero 'yung mga pag-aaring properties, tulad ng mga mansions, sasakyan at mga alahas na nakikita ng publiko, eh 'yun lang siguro ang mababawi ng gobyerno, SANA!"

CION: "Pero ang importante para sa'ken eh, ikulong ng habang-buhay sa Muntinlupa ang lahat ng mapapatunayang plunderer upang maitala sa HISTORY at mapag-aralan ng susunod pang henerasyon ang KABUKTUTANG ginawa ng mga BUHONG na onorabol na'to!!!"

Thursday, January 30, 2014

CEDRIC LEE'S PROPENSITY TO EVADE TAXES

ANA: "Ay naku! Hindi talaga maikakailang pinagkakakitaan na ngayon ng mga professional hecklers and spinners ang internet, noh? 'Gaya rin ng ibang sikat na newsmen na laging dimidiskarte ng AC/DC kind of reporting bilang karugtong sa kanilang propesyon, o, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. An'dami ngang pro and con ang nagsasalimbayan ng kanilang PALA-PALAGAY, partikular dito sa Disqus re pakikialam umano ni BIR Com Kim Henares, porke sinabi nitong - Cedric Lee's propensity to evade taxes - kaya nagsasagawa rin daw ang BIR ng sarili nitong imbestigasyon. O, meron bang mali?"

CION: "Sabi kase ng isang TUNGGAK na heckler/spinner sa ibaba: Kim the ugly pig was hoping to get a glimpse of the self-mutilated genital of Vhong the rapist, pero wala siyang binabanggit na si Deniece eh BIHASA ring humimas at kumain a la SORBETES ng mikropono at talong? Nakanang-ina talaga, hhuuu!!!"

Wednesday, January 29, 2014

SEEING SOMETHING OTHERS DON'T

ANA: "Oy 'lamobang no'ng lumutang ang pangalan ni Deniece Cornejo eh bigla itong sumikat bilang a la barukbuking pagerper na ibinabahay ng negosyanteng lahing Tsekwa na si Cedric Lee?"

LISA: "Yes, yes, yow. Walang ipinag-iba ang istoryang 'to sa buhay ng negosyante at lahi ring Tsekwa na si Janet Lim-Napoles na biglang sumikat bilang taga-maneobra ng SABSABAN ng PDAF ng mga legislators ng bansa, o, 'di ba?"

CION: "Oke, oke. O, sino ngayon ang iboboto n'yong mas sikat, si Cedric o si Janet?"

Tuesday, January 28, 2014

MERALCO: WE DID NOT RAISE THE RATES

ANA: "Uy, 'lamobang umarangkada na naman ang de-sobreng negosyo ni Neal Cruz na AC/DC (attack-collect / defend-collect), ha?"

LISA: "Oo nga 'ga, namonitor ko rin. Sa pagkakataong ito eh matabang-isda ang kanyang kliyente - ang MERALCO! Kitam?"

CION: "Mapula na naman ang hasang ni Sir Neal, kase, sobrang liwanag ang kanyang dinaraanan ngayon bilang de-sobreng SPOKESMAN ng Meralco, siguradong inggit si Tulping, o, 'di ba?"

Monday, January 27, 2014

Leo Paras: IS CDQ WILLING TO OFFER HIS BODY TO RECEIVE BULLET...

ole albanoLeo Paras: IS CDQ WILLING TO OFFER HIS BODY TO RECEIVE BULLET...: ANA: "Ang tindi rin naman ang patutsada ng isang blogger kontra CDQ noh? Kesyo handa raw bang sanggahin ng katawan ni CDQ ang mga balan...

IS CDQ WILLING TO OFFER HIS BODY TO RECEIVE BULLETS INTENDED FOR BINAY?

ANA: "Ang tindi rin naman ang patutsada ng isang blogger kontra CDQ noh? Kesyo handa raw bang sanggahin ng katawan ni CDQ ang mga balang ipuputok para kay Veep Jojo Binay? Eh bakit, magkano kayang DAHILAN, ha?"

LISA: "Pa'no kase, ang paliwanag ng blogger eh namumuro na raw si meyor Rod Duterte ng Davao City na naka-LINYA a la Sec Mar Roxas na POSIBLENG tatakbo for prexy kalaban ni Jojo Binay sa 2016? Maliwanag na planong ikondisyon ni CDQ ang isipan ng mga boBOTANTE sa buong Pinas?"

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. Ang tawag sa ganyan eh - testing-the-waters, 'ika nga. Ngayon pa lang eh pinagsasama-sama na ni CDQ ang mga posibleng kakandidato para presidente na papalit ke PNoy sa 2016, 'gaya nina Roxas, Duterte at si Ping Lacson sa INTENSIYONG mahati-hati ang boto ng mga botanteng AYAW ibenta ng kanilang boto ke Jojo???"

Sunday, January 26, 2014

CBCP URGES PING LACSON TO NAME THE POLITICIAN OBSTRUCTING REHAB PROJECTS

ANA: "Ang aga-aga pa lang eh SUMASAKAY na ang CBCP ke Sen Bongget Marcos matapos siyang mag-file ng resolution for Senate investigation re posible kunong collusion between contractors and a local politician to profit from the construction of bunkhouses sa Tacloban City?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. 'Tsaka, posible rin kaya na ang nadadawit ditong local politician daw na ayaw munang kilalanin ni Sec Ping Lacson, eh ang mismong pinsan ni Bongget na si Tacloban City mayor Romualdez?"

CION: "Well, well, well. So, ano na naman kaya ang papel na gagampanan ng CBCP sa Senate investigation na'to, as usual, magsisilbi na namang taga-pagtanggol ni meyor ang VERISIMILITUDE na mga obese po na mahilig mag-vituperate???"

Saturday, January 25, 2014

JALOSJOS' ARREST CAME 44 YEARS LATE

ANA: "Hay, que klase? Biruin mo namang 44 years after conviction bago HINULI si Dapitan City ex-Mayor Dominador Jalosjos ngayong siya'y edad 72 na! Eh ba't ngayon lang kase at itinaon pa habang nasa ospital ito, ha! MAGKANO ang dahilan???"

LISA: "Oy, 'lamobang maituturing na isang simpleng kaso lang 'to, kase, ang sintensiya eh isa at kalahating-taon lamang ng pagkakakulong, pero ang tanong eh, bakit hindi kailanman hinuli si Jalosjos sa loob ng mahigit 4 na dekada? Hay, anak-ng-simangot talaga, hhuuu!!!"

CION: "Pa'no kase, bukod sa korap na judicial system dito sa Phl, eh sangkaterba rin ang mga bayarang amuyong ng mga Jalosjos bilang mga professional hecklers-spinners 'gaya ng mga bloggers dito, o, 'di ba? Sugooddd, KILATISIN at tirisin na parang kuto kung sino-sino sila!!!"

Friday, January 24, 2014

BOBONG REVILLA: I WILL DO WHAT IS RIGHT

ANA: "Bakit, meron daw bang merits of Bobong Revilla's privilege SPIT sa Senate Floor no'ng nakaraan Lunes? 'Yon kasing manners ni Amazing Kap unbecoming a senator, para sa kanyang kaalaman, ang nakaTATAK na sa isipan ng publiko at siempre, 'yon ang backfire na gumigiyagis sa kanya, o,'lamoyon?"

LISA: "Yes, yes yow. That privilege speech was unbecoming for such an occasion porke a la shotgun na nagVITUPERATE clamorously si Amazing Kap na pineke raw ang kanyang pirma, bukod pa sa idinadawit nito si Ballsy Cruz sa kanyang pandaramBONG! Ay, ano ba 'yan???"

CION: Well, well, well. Ang unsolicited na payo ko lang ke Bobong eh kumontrata siya ng de-kalembang na battery of lawyers, 'gaya no'n ni ex-CJ Crown, at gastusan sila ng milyon-milyon mula sa kanyang kinupit sa PDAF para HANGUIN siya sa a la kumunoy na kinasasadlakan niya ngayon na TIYAK nitong lulubugan forever, SANA, o, juice koh, TANG INUmin MO!!!"

Thursday, January 23, 2014

BOBONG REVILLA ACCUSES BALLSY OF GRAFT

ANA: "Napikon? Kung baga sa boksing, eh below-the-belt kase ang bira ni Bobong Revilla ke PNoy re pagdawit ng una ke Ballsy sa privilege SPIT nito sa Senate Floor no'ng Lunes. Ano ang kinalaman ng isyung ito ni Ballsy sa pandarambong ng PDAF ni Bong kundi PANINIRANG-PURI, o, 'di ba?"

LISA: "Super amazing at talagang de-KURIKONG ang pag-iisip nitong si Bobong Revilla porke inihahalintulad niya ang kanyang sarili bilang super-human na pinaniniwalaan ng mga bata 'gaya ng kanyang amazing stories na ipinalalabas sa kanyang TV program sa GMA7? Sukab!!!"

CION: "Pero, 'yung mga sumubaybay sa panig ng publiko ng kanyang televised privilege SPIT sa Senate eh gumagawa ng sariling mga KURO-KURO at sila'y relatively advanced physically, mentally and emotionally at hindi mga paslit na nanonood ng kanyang amazing kap program for entertainment. See?"

Wednesday, January 22, 2014

INTERPELLATION

ANA: "Sana naman eh baguhin ang Senate Rules re privilege speech ng isang senador, 'gaya ni Sen Amazing Kap, na HINDI nito puedeng tanggihan ang INTERPELLATION mula sa kapwa senador after i-deliver sa floor ang kanyang personal at mapanirang privilege SPIT, noh?"

LISA: "Yes, yes yow. Kung lilimiin kasi ang mga vociferate na pinalipad sa ere ni Sen Bobong Revilla, eh wala naman siyang inilabas na kahit sana one-page documentary evidence para pagbasehan ng mga pinag-ngangangawa niya. Ay, ipokrito talaga, super.."

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. Pero kung HINDI pupuedeng tumanggi para mag-interrogate after mag-privilege speech ayon sa Senate Rules, disinsana'y MAS LALONG maintindihan ng publiko ang likas na KABOBOHAN ni Bobong Revilla, o, 'di ba?"

Tuesday, January 21, 2014

THE ULULATION REVILLA JR & SR

ANA: "Susmaryopes talaga. Bilib-na-bilib ako sa scripted scenario ng privilege SPIT ni Sen Amazing Kap sa Senate Floor no'ng Lunes na lalapatan ko ng bagay-na-bagay na titulo: ULULATION REVILLA JR & SR! Perfect, 'di ba?"

LISA: "Eh, sino kaya ang palpak na Direktor, ha? Kase, habang tumatanggi si Bobong Revilla na ibinulsa niya ang kanyang PDAF, aba eh, GAWAIN DIN pala ni Sr Revilla, alias Nardong Putik, na magbulsa ng kanyang PDAF no'ng 2013-2014 sa halagang P35 MILLION, sabi ni Benhur Luy! Biruin mo 'yon???"

CION: "So, so grabe ang ginagawa ngayon ng mag-ama na para bagang junior and senior PROM (formal dance sa High School) sa Senado para himuking MANIWALA ang publiko saliw ng awiting (KILLING-ME-SOFTLY). Ganyan ang napapala ng mag-amang VORACIOUS, 'di natitighaw sa kasibaan sa PDAF, peksman!!!"

Monday, January 20, 2014

THE LETTER DEBUNKS HIS CLAIM

ANA: "Naku, lalo lamang NABULID sa kumunoy si Sen Amazing Kap after his privilege SPIT sa Senate Floor para subukang KITLIN ang LAGABLAB ng pagkakadawit niya sa PDAF scam, noh?"

LISA: "Ay, oo nga 'ga, kase, MAPUROL ang kanyang depensa. Kasi nga, hawak ng PDI ang kopya ng letter ni Bobong Revilla no'ng July 2011 addressed to COA para magpasalamat porke inaasikaso raw ng COA ng mabilis ang RELEASES ng kanyang PDAF, o, kitam?"

CION: "Sa madaling sabi, sablay! Kahapon, January 20, masigasig niyang ipinagDIINAN sa kanyang privilege SPIT sa Senate Floor na PINEKE umano ang kanyang mga pirma re: releases ng kanyang milyon-milyong halaga ng PDAF! Hay, ogag talaga. ."

Sunday, January 19, 2014

IS QC GOV'T A LANDGRABBER?

ANA: "Naku, baka bigla muling masunog ang Quezon City Hall 'gaya no'ng 1988 at SADYANG idamay na naman ang Register of Deeds para matupok ang lahat ng records nito, noh! Dahil sa pagkatupok ng mga titulo ng lupa noon, sangkaterba ang mga nakabili ng lupa sa QC na PEKE ang titulo!"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Pa'no kase, hanggang ngayon eh hindi pa fully computerized ang LRA taliwas sa ipinagyayabang nilang fireproof na umano ang Register of Deeds sa buong Pilipinas, sumpa man!"

CION: "Namumutiktik ang kaso ng landgrabbing vs BALIKATAN sa 52,000 homeowners sa buong bansa na tinatayang P13 BILLION ang halaga, malaki pa sa P7 billion na dinugas ni fugitive Delfin Lee, na INIMBESTIGAHAN ng House no'ng panahon pa ni Ate Glo at Speaker Nograles, pero walang Resolution hanggang ngayon! Magkano ang DAHILAN, ha, Meyor Bistek, alam mo???"

Saturday, January 18, 2014

ARE THE PDAF REALIGNMENTS CONSTITUTIONAL?

ANA: "Ni-realign ni Sen Junggoy ang kanyang P200 Million PDAF 'tsaka tsinap-tsap ng P100M para sa Erpat niyang si Meyor Erap ng Manila, P50M para sa Caloocan City at P50M pa para sa Lal-lo, Cagayan. Eh, Constitutional ba'to?"

LISA: "Bilang isang PUTAtive sa unang plunder case, dapat lang na makasuhan uli si Junggoy ng panibagong plunder case kung sakaling UNconstitutional nga'to, 'di ba? Pero, 'di naman kaya umeksena ang aboGAGO nito at mag-ngangawa sa media na ito'y isang double jeopardy?"

CION: "Sa palagay ko eh hindi 'yan ang magiging problema, KUNDI, sino ang pupuedeng magsampa ng panibagong kaso ng plunder vs Junggoy, puede kayang si Mang Kanuto na sorbetero?"

Friday, January 17, 2014

DAVID TAN USED DUMMIES?

ANA: "Nakakalito naman ang pinalulutang ngayon kung sino raw ang tunay na smuggler king, kase tatlo raw ang David Tan at kabilang dito si Davidson Bangayan, 33 yrs old, 'lamoyon?"

LISA: "Oo nga 'ga. At ang ispekulasyon na pinalulutang ngayon ng mismong NBI eh si Bangayan umano ang tunay na David Tan at ang kanyang modus-operandi eh a la PDAF scam na, more or less, isang dekada nang ginagawa ni Janet Lim-Napoles ng WALANG BULILYASO, o, 'di ba?"

CION: "Eh 'di sa makatwid, teenager pa lang si Bangayan eh notorious na smuggler na siya? Sino sa 2 pang alias David Tan kung ga'non, ang kanyang tutor (mastermind), taga-BOC? NFA? CDA? DA? o taga-DBM na naman na expert magpalabas ng pekeng SARO???!!!"

Thursday, January 16, 2014

MISSIVE SENT TO NLDC BY SEN REVILLA

ANA: "O, kitam? Sabi nang hindi uubra ang mga PALUSOT nitong si Sen Amazing Kap na HINDI siya sumabsab sa labangan ng PDAF ni Janet Lim-Napoles, o, 'di ba?"

LISA: "Yes, yes yow. Kesyo nag-a la Pacman pa siya at nagpalit ng relihion para lang maka-engganyo ng mga kakamping bobotante, pero, 'yung PERSONAL MISSIVE niya ke Alexis Sevidal ng NLDC eh kaGIMBAL-GIMBAL na ebidensiya vs sa kanya! Ay, talagang-talaga. ."

CION: "Ang tingin kasi no'ng una ni Sen Bobong Revilla eh YAGIT lang at harmless 'tong si Sevidal porke a la tsubibong inuutus-utusan lang re bilisang ma-encash ng kanyang PDAF, batay nga sa personal missive nito ke Sevidal. Sana eh ma-qualify si Sevidal na mapasailalim din sa WPP 'gaya ni Benhur Luy? Perfect!!!"

Wednesday, January 15, 2014

PNP TO HIRE SECURITY GUARDS TO MAN CAMP CRAME GATES

ANA: "Ay, ano ba 'yan! Security Guards LANG ang pagbabantayin sa gates ng Camp Crame? Bakit, mas magaling ba ang training ng jaguar kesa pulis, ha, Gen Purisima, sir?"

LISA: "O, sige na nga! Kung security guard nga lang ang pagbabantayin sa lahat ng gate ng Camp Crame, sana naman eh, 'yung kasing-tapang no'ng 3 jaguar ng Dasma na pumigil ke Junjun Binay ang maging basehan ng qualification, o, 'di ba?"

CION: "Well, well, well. Kakayanin kaya ng PNP na piliin ang ganitong klase ng 80 to 100 security guards na a la PITBULL ang abilidad? I doubt it very, VERY MUCH talaga!!!"

Tuesday, January 14, 2014

SI VIS PACEM, PARA BELLUM

ANA: "Uy, motto 'yan ni Sir Leo ah. 'Lam ko'ng ibig sabihin n'yan sa tagalog - KUNG NAIS NG KAPAYAPAAN, MAGHANDA SA PAGLABAN - sige, sugodddd mga kapatid, tuliin ang mga insect!!!"

LISA: "Talaga kasing pinagSUMIKAPAN ng PNoy Adm bilang nakaupong Commander-in-Chief ang pagbili ng ORDNANCE o military weapons para paghandaan at pigilin ang nagbabadyang pananakop ng Tsina sa teritoryo ng Pinas sa West Phl Sea."

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. 'Tsaka, 'lamobang marami ring procurement of ordnance (kasangkapang pang-gera) na bilyon-bilyong piso ang halaga ang pina-deliver din sa AFP ng mga dating commanders-in-chief, partikular si Apo Ferdie? Pero ang masama, HINDI inilutang sa publiko ang tunay na kuwenta sa mga binayarang ordnace na pawang mga WALANG KUWENTA, peksman!!!"

Monday, January 13, 2014

DAVAO CITY exMAYOR SARA, APPREHENDED IN DAVAO CITY

ANA: "Oy, 'lamobang ibang klaseng alingawngaw naman ngayon ang GIMIK ng mga Dutertes sa Davao City? Sa halip na salvaging cases eh manghuli ng traffic violators naman ngayon ang marubdob na ipinatutupad ngayon ni Mayor Rod Duterte sa Davao City?"

LISA: "Yes, yes yow. Para nang sa gano'n eh kompleto ang kanilang PRAISE RELEASE pabor siempre sa Davao City na nakakaSAKIT-ng-tiyan,  unlike sa palpak na nangyari sa Makati kamakailan starring Junjun Binay, 'kakaHIYA!"

CION: "Ang importante eh 'yung script writer, bigyan ng isang kahindik-hindik na BATOK ni Mayor Duterte, para next time  eh 'wag masyadong obviously scripted ang ipatutupad nitong eksena na ang gaganap pa manding taartits eh ang dating mayor na anak ni Rod. Ano ba 'yan!!!"

Sunday, January 12, 2014

OFWs, MODERN-DAY SLAVES?

ANA: "Hindi ko masyadong maarok ang ibig sabihin ng modern-day slavery 'tsaka, kung kasama ba rito ang mga haliparot na nagJAPAyuki noon pero lumipat sa HongKong o Singapore as OFWs at ngayo'y naroroon na sila sa U S of A?"

LISA: "Ah, oo nga 'ga. Kung tutuusin kase, matagal nang inirereklamo 'to ng mga nabibiktimang OFWs sa DOLE at POEA pero AYAW nilang pagtuunan ng pansin ang pagHULI sa mga ILLEGAL RECRUITERS! Magkano ang dahilan, ha, mga taga-DOLE / POEA? Taga-ng-taga kayo r'yan!!!"

CION: "Hay, juice koh, panahon pa kase ng kopong-kopong eh lumalagablab na ang isyung ang DOLE at mga illegal recruitment agencies, lisensiyado man o hindi, eh KASABWAT ng POEA sa under-the-table scheme na 'to. Putaragis na DOLE 'yan talaga!"

Saturday, January 11, 2014

PALLIATIVE SOLUTIONS

ANA: "An'dami naman talagang urot na salu-salungat at bara-barang nagbibigay ng kani-kanilang palliative solutions re sa nakaamba umanong power supply disruption ng Meralco ah. Nananakot ba ang Meralco, hah?"

LISA: "Ay, natumbok mo 'ga. Eh kasi, iisa lang ang intensiyon ng Meralco at mga power generation firms, ang i-HOSTAGE ang PNoy gov't sa pamamagitan ng SC para pumayag ang presidente na itaas hanggang alapaap ang singil nila sa koryente. Sukdulan na'to!!!"

CION: "Yes, yes yow. Malinaw-na-malinaw na isa itong marubdob na BLACKMAIL a la mafia vs consumers ng Meralco. Gustong gumawa ng IMBUDO! Nakanang-ina talaga, huuu!!!"

Tuesday, January 7, 2014

IGNORE THEIR ANTICS

ANA: "Sa halip na mainsulto, eh ipinagwalang-bahala na lamang ni PNoy ang todo-todong PASARING sa kanya ng mga maka-kaliwang TONGressmen dahil sa freedom of SPIT nila, re: FAILURE daw ni Enery Sec Jericho Petilla na matupad niyang 100% restoration ang daloy ng koryente sa Samar-Leyte na giniba ng Yolanda. 'Lamobayon?"

LISA: "Eh pa'no, katwiran kase 'yan ng merong utak-haliparot, noh! Alam-na-alam ng mga naturang halipar.. este, TONGressmen, na hindi superman si Petilla, pero out of 320 areas na nawalan ng electricity, THREE HUNDRED SEVENTEEN (317) or 99% ang reenergized o naibalik nitong daloy ng koryente bago mag-pasko, batay sa kanyang promise, o, 'di ba?"

CION: "Tumpak ka 'day! Sige, kung sinoman ang mga haliparot na TONGressmen ang makaka-duplicate sa na-accomplish na'to ni Sec Petilla, ipinapangako ko, PIPIRINGAN ko ang 100 eyes ni Argus na laging makamatyag vs grupo ng mga haliparot na TONGressmen na'to, SUMPA MAN!!!"

Monday, January 6, 2014

JPE's ALLEGED INVOLVEMENT WERE ALL FORGED & FABRICATED?

ANA: "Anong sabi, fabricated? Susmaryopes! Gusto kong URUTIN si state witness Benhur Luy na kunin niyang legal SULSULTANT ng kanyang abogadong si Atty Baligod si Brenda vs Tanda para magkalinawan, sige."

LISA: "O, 'yang puso mo 'ga, hinay-hinay ka lang. Pero tama 'yang pang-uurot mo, peksman, kase tiyak na LILINAW ang pilit na pinalalabo ni Tanda re: itinatanggi ang kanyang pagkakadawit sa pork scam. Tsk, tsk, tsk, sabi ng butiki.."

CION: "Yes, yes yow. Bilang kapwa senador at de-kalembang na mga abogado, alam ni Brenda ang PASIKOT-SIKOT ng hilatsa ng legal mind ni Tanda para LUSUTAN na meron siyang kinalaman sa racket ni Janet Lim-Napoles, kase, UNA nang binanggit noon ni Brenda na si JPE ang mastermind ng PDAF scam, o, 'di ba?"

Sunday, January 5, 2014

NOT PIGS IN A PEN

ANA: "Ang sikip-sikip naman, eh! Biruin mong mahigit 9-square meters lang pala ang size ng isang room na ibibigay para sa isang pamilya ng Yolanda victims.. 'Singlaki lang ito ng 2 pinagdikit na pingpong table. Kung sampu ang miembro ng isang pamilya, tiyak hindi na makahihiga pa ang mag-asawa sa gabi, 'di ba?"

LISA: "Sa isang banda eh makabubuti 'yon sa pamilya, kase, hindi na madaragdagan ang 8 anak ng mag-asawa, maliban na lamang kung 'di makatiis 'yung asawang lalaki at barukbukin si misis kahit na standing position. Hay, heavennn!!!"

CION: "Heh! Anong kinalaman ng barukbukan sa usaping ito? Kayo talaga, oo. Ang totoong isyu kase rito eh pinalilitaw ng Reporter ng Inquirer na meron na namang SABWATAN umano ang mga pulpolitiko at  kontratista ng mga temporary shelters porke tinitipid ng P200,000 lang ang gastos ng materyales sa halip na mahigit P900,000 para matapos ang isang bunkhouse na merong 24 rooms! Kung hindi tsismis 'to, ano kaya ang magagawa ni Rehab Sec Ping Lacson, ha?"

Thursday, January 2, 2014

DECALOGUE

ANA: "Meron palang 10 commandments na sinulat noon ni Apolinario Mabini para sa SALIN-LAHI ng mga Pilipino, nabasa mo ba 'yon?"

LISA: "Ah, oo 'ga, nabasa ko sa column ni Ambet Ocampo, kase, wala naman 'yon sa history book. Baket???"

CION: "O sige, alin ang pipiliin mo sa ika-8 decalogo ni Mabini - (Eight: Strive for a Republic and never for a monarchy in your country: for the latter exalts one or several families and founds a dynasty; the former makes a people noble and worthy through reason, great through liberty, and prosperous and brilliant through labor). - Political Dynasty a la Jojo Binay? or liberty, prosperous and brilliant through labor?"

USING ATM SYSTEM WOULD MEAN LESS PAPER WORK

ANA: "Ay, ano ba yan! Bakit kaya parang banned na tayo sa disqus.com noh? Lahat kase ng komento natin, lalo't tungkol sa UNA, partikular ang political dynasty ng mga Binay re: jurasic na (pay envelop) system para sa pasueldo ng Makati gov't, aba'y AYAW nang ipublika porke under moderation daw?"

LISA: "Oo nga 'ga, kase, nitong mga huling-araw ng 2013 eh madalas na hindi tayo maka-access sa disqus dahil ang ipino-post daw natin eh parang REPIKE ng BATINGAW at derogatory vs VP Binay? Hay, juice ko, ambabaw naman, namannn!!!"

CION: "Hoy, tumigil nga kayo sa kare-reklamo hah! Kitang-kita naman ang dahilan ng Binay political dynasty na TINITIGOK nila ang lahat ng sagabal, pati CCTV, para tuloy-tuloy silang pumaimbulog sa larangan ng pinaka-makapangyarihang dinastiya sa buong ASIA? Susmaryopes talaga!!!"

Wednesday, January 1, 2014

BY MODERN DEFINITION, THIS IS CORRUPTION

ANA: "Pa'no nga ba pinipili ng mga TONGressmen at senaTONGs ang kanilang PDAF scholars, ha? Kase, matinding kinokondena 'to ng mga legislaTONGs vs SC dahil sa epekto ng pagbasura ng SC sa kanilang PDAF, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Maliwanag sa CoA report na ang mga scholars daw na'to ng mga legislators mula sa both Houses of Congress eh, by modern definition, this is CORRUPTION, ang sabi naman ni Sir Randy David, kitam?"

CION: "Yes, yes yow. 'Yan ang totoong rason kung bakit ang lahat-lahat ng beneficiaries kuno ng PDAF scholars na personal na pinipili ng legislator para pondohan, were selected primarily on the basis of POLITICAL PATRONAGE!!!"