Sunday, January 5, 2014

NOT PIGS IN A PEN

ANA: "Ang sikip-sikip naman, eh! Biruin mong mahigit 9-square meters lang pala ang size ng isang room na ibibigay para sa isang pamilya ng Yolanda victims.. 'Singlaki lang ito ng 2 pinagdikit na pingpong table. Kung sampu ang miembro ng isang pamilya, tiyak hindi na makahihiga pa ang mag-asawa sa gabi, 'di ba?"

LISA: "Sa isang banda eh makabubuti 'yon sa pamilya, kase, hindi na madaragdagan ang 8 anak ng mag-asawa, maliban na lamang kung 'di makatiis 'yung asawang lalaki at barukbukin si misis kahit na standing position. Hay, heavennn!!!"

CION: "Heh! Anong kinalaman ng barukbukan sa usaping ito? Kayo talaga, oo. Ang totoong isyu kase rito eh pinalilitaw ng Reporter ng Inquirer na meron na namang SABWATAN umano ang mga pulpolitiko at  kontratista ng mga temporary shelters porke tinitipid ng P200,000 lang ang gastos ng materyales sa halip na mahigit P900,000 para matapos ang isang bunkhouse na merong 24 rooms! Kung hindi tsismis 'to, ano kaya ang magagawa ni Rehab Sec Ping Lacson, ha?"

No comments:

Post a Comment