Friday, August 29, 2014

WORLD-CLASS

ANA: "Alam ko na kung bakit TINAGURIANG world-class 'yung pinaYARIng parking building ng mag-amang Nognog at Jr Payong sa Makati. Nagsagawa kase ng imbestigasyon si Mareng Winnie ala imbesTIGASyon ni Mayk Enriguez (hrmm, ekyus mipo!). So, natuklasan ni Mareng Winnie, 'yung building daw pala eh merong 6 floors of parking, 4 floors of office space and 1 floor of storage. Tinatayang mula P2.2 - P2.7 billion daw ang BINAYaran sa pinayaring building! Biruin mo 'yon?"

LISA: "Hindi ba ayon ke Dayunyor eh meron din daw ATRIUM 'yung parking building? Ba't parang 'di yata nabanggit ni Mareng Winnie kung saan nakapuesto ang atrium sa building ha? 'Tsaka, bakit kagyat na pinareretoke ngayon ang buong building, ayon ke Mareng Winnie, porke pinaandar na raw uli 'yung sirang elevator at pinipinturahan ang interior ng buong building. Para magmukhang world-class?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Pinaghahandaan kase ang OCULAR inspection ng sub-KUMITA ni Sen Pimentel para maKITA nilang tama lang ang BINAYaran ng mag-amang Nognog at Dayunyor na tinatayang P2.2 - P2.7 bilyon sa pinayari nilang parking building na isa umanong world-class. Eh kase, GREEN ($) daw ang naturang building bukod pa sa meron itong atrium. Sa aking palagay eh naroroon sa atrium 'yung bakeshop ni Nancy, bulate culture ni Abi at payong production ni Dayunyor para sa mga bobotantes, o, 'di ba???"

Thursday, August 28, 2014

PNOY: I HAVE TO FOLLOW THE DICTATES OF OUR BOSSES

ANA: "Sinabi ni PNoy na hindi siya masochist (a pleasure derived from being humiliated) porke gusto niyang sumunod sa kagustuhan ng Pinoy (I have to follow the dictates of our bosses) re nagsasalimbayang alipusta sa kanyang pagkatao bilang Pangulo ng bansa. Labis na nabaBASTOS mula sa mga makaKALIWA ang Office of the President of the Phl na LUMALATAY sa Pinoy. Nararamdaman mo rin ba ang pambabastos ng mga commies na'to?"

LISA: "Of course naman noh! Ang tawag kasi ng mga psychologist tulad sa mga ganyang bastusan, kulapulan-ng-putik at alipustahan ng magkakatunggali eh PSYCHOLOGICAL WARFARE (psywar). Kanya-kanyang palutang ng LOBO sa ere sa intensiyong tumingala ang publiko sa mga pinalilipad nilang lobo, 'gaya nga ng pagsasampa ng IMPITSMEN ng commies vs PNoy. Maimpatso sana kayo, agsarabagtit kay amin!!!"

CION: Sarabagtit - 'di ba salitang Iloko 'yon? 'Wag ka ngang loloko-loko noh, baka sintensiyahan ka ni Cong Farinas na nagpaPALUSOT, no'ha? Pero in FERNES ke PNoy, sa palagay ko'y gumagawa lang ng tamang aksiyon ang presidente vs sa mga palipad-lobo ng mga commies sa pamamagitan ng pagpaPALUTANG din ni PNoy na siya eh patuloy-na-magsisilbing pangulo, BATAY sa kagustuhan ng kanyang mga boss. Intiendes???"  

Wednesday, August 27, 2014

BINAY IS APPARENTLY IN PANIC MODE

ANA: "Sabi ko na nga bang MAGUGULANTANG ng todo-todo ang diskarte ni VP Jojo sa kanyang maagang pamumulitika para sa kanyang pagtakbo bilang panggulo ng Phl, noh? Kase, damang-dama niyang TUMAGOS sa kanyang suot na ala-kevlar helmet ang depensang: POLITICALLY MOTIVATED vs issue laban sa BINAYaran ng P2.7-B na pinayari niyang parking building sa Makati, o, 'di ba?"

LISA: Ay, me tama ka r'yan 'ga, UMAAPAW! Kitang-kita ng publiko ang tila pagkaBALISA (panic) ni Nognog ng umamin si Estong Mercado, dating bise ni Nognog, na si Estong din daw eh NAANGGIHAN din ng datung mula sa under-the-table overpriced na parking building. So, lumiwanag na ang KAPURAL sa pandarambong ng kontratang under-the-table ni Nognog eh si Nognog MISMO, samantalang WISIK lang pala ang tinanggap ni Estong na kelangang imbestigahan din!"

CION: "Naku, malake ang tama mo r'yan 'day. Tingnan mo, kung ihahambing sa kaso ni Benhur Luy re PDAF scam, eh ginawa siyang whistle-blower at isinailalim sa WWP para tumestigo vs Tanda, Junggoy at Bobong Revilla. Samantala, HINDI na kakasuhan si Luy porke dahil nga pumayag itong maging witness kahit UNA itong UMAMING nakisawsaw din sa PDAF scam. Ganyang-ganyan ang sitwasyon ngayon ni Estong porke PUEDENG isailalim din siya sa WPP? Hay, naBISAKLAT si Nognog, buti nga!!!"

Tuesday, August 26, 2014

FORMER BINAY ALLY LINKED VP JOJO TO ALLEGED ACTS OF CORRUPTION RE OVERPRICED P2.3-B PARKING BUILDING

ANA: "Aysus, talagang 'di maTIGHAW (humupa) ang ngitngit ng netizens, partikular 'yung mga taga-Makati, after KUMANTA (magsiwalat) ng La Paloma si Makati ex-vice mayor Estong Mercado vs dinastiyang BINAYaran matapos siyang usisain sa Senate Blue Ribbon Committee kahapon, at UMAMIN mismo siya bilang bise ni Nognog, na naambunan din ng DATUNG mula sa overpriced P2.3-B parking building na PINAYARI ni Nognog no'ng siya'y meyor pa ng Makati."

LISA: "In other words, ambon lang ang tinanggap ni Estong pero ipinatalo naman daw niyang lahat sa sugal, ayon ke Nang Si? Gayunman, ang puntirya kasi ng imbestigasyon ng Blew-Ribbon-Kumita eh para umano buksan ang pandora's box (read: overprice) na umaapaw sa BULATE. Ngeeh! Meron akong suggestion para theme song ni Nognog - (Killing me softly with his song). Bagay, 'di ba?"

CION: "Alam n'yo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon re isyu ng pinayaring parking building ng dinastiyang Binay sa Makati? Si Nognog eh SAKLOT ngayon ng pangamba na siya eh naBULID sa kumunoy-ng-opinyon na tiyak na maglilibing sa pangarap niyang susunod na pangulo ng bansa kapalit ni PNoy. Hay, nangulimlim na ambisyon, nabisaklat dahil sa kulimbat!!!"

Monday, August 25, 2014

A PEOPLE NEED TO NEED YOU - CDQ

ANA: "Sa wakas, tinalakay din ni Siydeekew ang hinggil sa umano'y KATIWALIANG kinasasangkutan ng dinastiyang BINAYaran si VP Jojo na matagal ng inaabatan ng netizens mula sa kanyang mighty pen, 'eka nga. Sa kolum niya ngayong araw eh pinagkumpara niya sina VP Jojo vs DILG Sec Mar re kakain kuno ng alikabok si Mr Pakengke ke Nognog sa tagisan nilang pagka-Panggulo ng Phl sa 2016?"

LISA: "Ang alam ko eh hindi alikabok ang kinakain ni Sec Mar, kase, ipinanganak siyang kaakibat ng GOLDEN-SPOON, 'eka nga ng mga matatanda. Angkan kasi ni Sec Mar ang nagmamay-ari ng Araneta Center na super-yaman at kayang magbayad MULA SA SARILENG BULSA (ni Mr Palengke, I'm sure,) ng kanyang ALTANGHAP (almusal, tanghalian at hapunan) sa 5-star hotel sa araw-araw, pekman!"

CION: "Ah, taliwas 'yan sa ugali ni Nognog. Si Nognog eh kumakain ng cake na sariling-luto ng angkan niya para pang-REGALO sa b-day ng senior citizens sa Makati sa presyong P1,200 kada isa do'n sa itaas ng kanyang condominium na ibinigay lang daw ng libre sa kanya, kapalit ng issuance ng building permit sa pag-construct sa naturang condo. So, maaaring magka-singYAMAN NGA ang angkan ng Roxas at Binay. Pero, para sa'ken, nagbabayad ng tamang tax sa BIR ang angkan ni Mar, samantalang walang BINAYaran sa BIR si Nognog! O, 'di ba?"

Sunday, August 24, 2014

FEAR

ANA: "Hindi ba kapag natatakot ang isang tao, eh maituturing na DUWAG siya? Kase, sabi ni Sen Trillanes na an'dami palang duwag na onorabol sa senado porke nataTAKOT silang yugyugin ng tanong si Dayunyor na BINAYaran hinggil sa P2.7 BILLION BUKOL na tinanggap ng ama niya mula sa pinayari nilang world class 11-storey parking building mula sa taxpayers' money ng mga taga-Makati City?"

LISA: "Hindi naman komo natatakot ang isang tao eh ituturing mo'tong DUWAG, noh? Sina onorabol Trillanes at Pete Cayetano na kapwa guapo, para sa'ken eh talagang merong FEAR (pangamba) na BAKA raw manalo bilang panggulo ng Phl si Nognog na ama ni Dayunyor sa 2016 presidential elections, dahil T'YAK daw na babalik tayo sa corrupt na sitwasyon 'gaya no'ng panahon ni Ate Glo. O, 'di ba nakakataCUTE nga???"

CION: "Komporme ako sa agenda ng daldalan n'yo, 'day. Sa tingin ko kase, bilang isang ordinaryong netizen, eh napakaLAKAS na ebidens ang GINASTOSANG struktura ng P2.7 parking building na PINAYARI at BINAYaran ng dinastiya ni Nognog mula sa kaban-ng-Makati! Maituturing na ang proyektong ito (parking building) ng dinastiyang BINAY, eh isang INTRINSIC EVIDENCE, evidence derived from a document without anything to explain it, at siyang magdudulot ng dahilan upang makukulong DIN SANA ng walang piyansa ang mag-amang Nognog before 2016 elections? SAKTO!!!"


Saturday, August 23, 2014

TRILLANES: CORRUPTION IN MAKATI LARGER THAN PDAF SCAM

ANA: O hayan, ala Israeli-missile ang pinawalan ni Sen Trillanes at SINIPAT mismo si VP Jojo (Bung! kunana-buls ay!!!) at idinitalyeng mas GAHAMAN daw palang gumawa ng BUKOL (pandarambong) kesa 3 onorabol na kasalukuyang nakakulong ng walang piyansa matapos kasuhan ng plunder ng OMB sa SBN."

LISA: "Talagang me tama ka 'ga sa tsismis mo. Kase, pagsama-samahin mo man 'yung kabuuang halaga ng mga nakulimbat na kaperahan ng bayan nina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla, kasama ang naisubi rin ng kani-kanilang mga alipores, eh wala pa umanong P1 bilyon, kumpara sa BUKOL ni Nognog mula sa kaban-ng-Makati na P2 bilyon! Biruin mo 'yon?"

CION: "Bull's eye ang tama ng missile ni Trillanes! Sige, sipatin mo lang ha? 'Yung ebidens laban sa 3 onorabol eh trak-trak na documents at nahirapan nilang maitanggi ang (paper-trail) na konektado sa pandarambong nila. Whereas, 'yung ebidens naman laban ke Nognog at Dayunyor na binubusisi ngayon ng sub-Kumita ni Sen Pimentel, eh 11-storey parking building na PINAYARI ng Makati Gov't at TINASAHAN ng P2.7 BILLION!!! Pero mga P700 million lang daw ang orihinal na pondo nito. NagkaBUKOL si Nognog ng P2 B???"    

Friday, August 22, 2014

BUKOL CHARGES VS BINAYS POLITICALLY MOTIVATED?

ANA: "Nakatutuwang tunay na meron din palang democrazy sa panig ng media, nagtatalo-talo sa isyu ng BUKOL (loot) ala-dinastiyang pulpolitiko na taga Makati vs Taguig. Para mas lalong en grande sa readers ng PDI ang nagbabagang paksa ng talakayan ng kulamnistang sina Mareng Winnie vs Siydeekew, sana eh, pagsabayin ng PDI ang araw ng labas ng kanilang kolum upang mas makaakit pang magbigay ng maraming comment mula sa netizens. Mas masaya, 'di ba?"

LISA: "Oke ako sa suhestiyon mo 'ga, kaya lang, hindi naman kase kailanman susulatin ni Siydeekew ang paksa tungkol sa mahigit na P2.4 Billion halaga ng Parking Building na BINAYaran ng Makati gov't, I am sure. Mas malaki kase ang BUKOL (balato) na matatanggap ni Siydeekew mula ke Nognog na super rich basta NO TALK siya kung ihahambing sa walang kabukol-bukol na kutis ni Mareng Winnie dahil sa pagtalakay niya ng bukulan sa Makati since 1986!!!"

CION: "Politically motivated daw 'yan, ayon sa mga Binay. Alam mo bang mula lamang 1986 eh yumaman dahil sa BUKULAN na abot hanggang ALAPAAP ngayong panahon, 'gaya ng hanggang alapaap din na yaman ng mga angkan ng lehitimong negosyanteng sina Ayala, Araneta, Cojuanco, Aquino mula pa noong nakaraang ISANG SIGLO? Hay, democrazy talaga!"

Thursday, August 21, 2014

JUNJUN BINAY: MAKATI CITY COUNCIL WOULD BE SUSPENDED

ANA: "Sa aking AnaLisaCion ke Dayunyor eh tuso itong sumagot sa mga ibinabatong tanong sa kanya ng sub-KUMITA hearing ng Senado re parking building overpriced issue, kase, iginigiit niyang ito'y political purposes lamang ng mga kalaban sa politika para SAGKAAN ang kandidatura ng kanyang ama bilang panggulo ng Phl, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Tsaka isa rin itong PERPLEX. This problem is hard enough to perplex even the public! Aba'y biruin mo namang sinabi ni Jun Payong na pati raw ang buong Makati City Council eh maaari umanong masuspindi? Ang alam ko eh OMB lang ang merong kapangyarihang magsuspindi sa opisina ng gobierno habang dinidinig ang kaso. Meron na ba kasing kaso vs Binays sa Ombudsman? Sana, sana nga!!!"

CION: "Heh! Nakaka-RANKLE ka sa mga haka-haka mo ah. Ang mag-amang Nognog kase eh TILA 'di makalulusot sa isinasagawang Senate hearing (in aid of legislation), ang ipinangangalandakan nilang tama lang daw ang presyong P2.3 Billion sa ipinagawa nilang parking building mula sa dating P700 Million na pondo na unang inaprobahan ng Makati City Council? Dahil daw sa world class ang kategorya ng parking building. Fooky-ng-ina talaga, hhuuu!!!"

Wednesday, August 20, 2014

WORLD CLASS MAKATI PARKING BUILDING - JUNJUN BINAY

ANA: "Ano ba ang pagkakaiba ng world class sa ordinary class na ipagagawang building tulad halimbawa ng 11-storey parking building na proyekto ng Makati Gov't, ha? Ipinag-gigiitan kase ni Makati meyor Junjun na world class daw ang ipinagawa nilang MAG-AMA na parking building, pero overpriced naman daw, ayon ke Renato Bondal, kase bakit umabot umano ito sa halagang P2.7 Billion mula sa original estimate na P700 Million lamang?! Eh, magkano kaya ang ganansiya, ha, Nang Si???"

LISA: "Sa Senate hearing, siguro eh napansin mo rin na bihasang mag-QUIBBLE (maligoy na sagot sa mga tanong para umiwas sa katotohanan) si Junjun alyas PAYONG. Surely, gusto ni Junjun na payungan para maiKUBLI ang pagkakaSANGKOT sa pandarambong sa kaban-ng-bayan ng kanyang tatay na si VP Jojo, kase, nakasalalay ang kapalaran sa kasong ito ni VP Jojo para makaakit ng mga botante na BOBOto sa kanya sa 2016 presidential elections. Hay, ipag-adya mo po kami juice koh!!!"

CION: "Oke ako sa parunggit mo vs Nognog. Kung mapaTOTOHANAN ng Senate Blue Ribbon KUMITA Hearing(s) ang mga akusasyon laban ke VP Jojo at dinastiya nito, aba eh, mabuti 'yan para sa Pinoy, am sure. Ang hindi lang ako sigurado eh ang kasagutan sa tanong na UMUUKIL-UKILKIL sa aking isipan - masasampahan kaya ng Ombusman sa SandiganBayan ng kasong PLUNDER na walang piyansa si Nognog bago sumapit ang 2016 presidential elections???"

Monday, August 18, 2014

PNOY: THEY ARE NOT RUBBER STAMP

ANA: "Oy, 'la'mobang nabasa ko 'yung full transcript ng interview ni Atty Mel Sta Maria ng TV5 ke PNoy sa Malacanang no'ng Aug 13 (Wednesday)? T'yak na maraming nakaINTINDING Pinoy na nakapanood sa interview, kase, ginamit ni PNoy ang ating wikang pambansa - ang wikang FILIPINO (Tagalog). Tamang-tama, araw ng Wikang Pambansa ngayon, August 19."

LISA: "Yes, yes yow. Kaya lang sadyang nababago ang meaning ang wikang Filipino kapag translated na'to in English ng mga broadSHIT, 'gaya ng paglalagay ng title - "NO URGENCY FOR FOI" - para maging disPUTAble ang istorya at magkaroon ng dahilan ang mga spin doctors ni Nognog para batikusin ng todo si PNoy. Nakanang-FOOTah talaga, hhuuu!"

CION: "Ang tanong kase ni Atty St Mary ke PNoy eh pa'no raw ba mapapabilis ni PNoy 'yung MABAGAL na usad sa Kamara-de-dePUTAdo 'yung FOI, kase, tapos na ito sa Senado 'tsaka nagsumite na rin ng bersiyon ang Malacanang. Sagot naman ni PNoy: (... E ako, wala ho akong choice na mamili 'yung ano ang mauuna; lahat sila importante. . . Hindi naman ho sila rubber stamp.) Tagalog man o English, WALANG SINABI si PNoy na (No Urgency For FOI), mga broadSHIT kayo, ang hilig n'yong mag-SS!"

Sunday, August 17, 2014

IS IT RIGHT THAT THE SC POWERS BE CLIPPED?

ANA: "Naku, parang palakang natubigan sa KATARANTAHAN (confusion) ang mga sikat at tarantadong kulamnista na ayaw maglubay sa pagKOKAK vs PNoy, 'gaya nina Siydeekew at Nail Krus, na mistulang mga mangkuKULAM? Kase, sangkaterbang Pinoy ang TUMINGALA sa (pinalipad-na-lobo) ni PNoy na aprub sa muling kandidatura nito for president vs Nognog."

LISA: "In FERNES naman ke PNoy, eh inamin niyang sagabal talaga ang pagbasura ng SC sa DAP at bunsod nito'y naTENGGA ang lahat ng nakalinyang proyektong pambayan na magpapaunlad sa buong bansa. So, para sa'ken, it is only right that the SC powers be CLIPPED! Pa'no kase, these hoodlums-in-robe, they only serve the rich and powerful 'tsaka pinuprotektahan lang ang mga oligarch. Eh pa'no naman tayong BOSS ni PNoy, ha?"

CION: "Bilang isang demokrasyang bansa, tama lang na magpalutang ng kanyang saloobin ang Pangulo laban sa PAGMAMALABIS ng SC at putulin ang sungay nito dahil sa walang patumanggang SUMUSUWAG sa Pinoy by refusing to provide the OMB and BIR their SALN and snub the congressional inquiry of their JDF. Pero nilinaw naman ni Miss Abigail ('singganda ko s'ya, 'di ba?) na hindi naghahangad ng ikalawang term si PNoy, bagkos, PINAGSASABIHAN lang niya ang SC na magTARBAHO sana sila para sa ikauunlad ng bansa! PUEDE???"    

Saturday, August 16, 2014

HOW TO GET COPIES OF SC JUSTICES' SALN IS SIMPLE - TE

ANA: "Simple, very simple lang talaga! Sabi ni SC spokesman T Te eh kelangang personal na magtungo sa SC ang sinomang ordinaryong Pinoy na gustong makita para MABUSISI at MABULATLAT para sa publiko ang Justices' financial statements. Una, kelangang  daw na mag-fill out ka ng kanilang standard form 'tsaka samahan mo ng 'yong ID, 'gaya ng passport na hindi peke. Tapos, ito mismo ang AGENDA sa ipatatawag na full court re approval or denial of the request. Fooking-na talaga, 'di ba???""

LISA: Sa tingin mo ba eh simple lang ang KONDISYONG hinihingi ng SC, ayon ke T Te, kase, kailangan pang IPALIWANAG ng Pinoy na humihingi ng kopya ng SALN ang JUSTIFIABLE REASONS nito kung bakit at saan niya gagamitin ang kopya ng mga financial statements ng mga Justiis before full court convenes! Bukod sa 2 Kongreso, meron na rin palang kapangyarihan ang SC para GUMAWA at MAGPATUPAD ng sarili nilang batas?"

CION: 'Yang katotohanang 'yan ngayon ang binubusisi at binubulatlat ngayon ni Madam KIM ng BIR vs SC, kase, mismong ang BIR eh tinanggihang bigyan ng kopya ng mga SALNs ng mga Justiis ni T Te! Kailangan daw kasing SUMUNOD ang BIR sa regulasyon ng SC, 'gaya ng pagbibigay ng justifiable reasons ng sino mang humihingi ng financial statements ng mga justiis, bago sila mabigyan ng kopya ng SALN ng mga justiis. Aguy, araguy! Hindi ba UNCONSTITUTIONAL 'yang ipinaiiral n'yo, SC spokesman T Te, sir???"

Friday, August 15, 2014

AFTER BEING SLAPPED BY SC, PNOY OFFERS HIS OTHER CHEEK

ANA: "Para sa'ken eh maihahambing si PNoy sa bulkang Mayon. Bakit? Sapagkat ang bulkang Mayon eh WALANG SINOMAN ang makapipigil sa eruption nito! Ang tanong: sa nakaambang pagsabog ng bulkan (PNoy) habang naka-kunyapit sa bunganga ng bulkan ang mga minero (SC Justices), hindi kaya MALALOS ang mga nagmimina kapag dinaanan sila ng rumaragasang lahar-na-kumukulo (taongbayan)???"

LISA: "Naku, nakakapanindig balahibo naman 'yang ehemplo mo kung pa'no MAPUPUKSA ang mga minero kapag dinapurak sila ng boiling lahar mula sa sumabog na bulkan noh? Pero me tama ka 'ga sa sinabi mong walang sinoman ang makapipigil sa pagsabog ng bulkang Mayon, maliban sa GOD, I'm very sure. Pero hindi ako naniniwalang mamamagitan sa pamamagitan ng pagdarasal sa DIYOS ang mga obese po para mapaHUPA ang ngitngit ng bulkan, peksman!"

CION: "An'lalim naman n'yang mga talinghaga n'yo 'day, nahihirapan akong malirip. Well, bilang presidente eh NAGPAPALIWANAG LAMANG si PNoy sa kanyang mga Boss (kumukulong-lahar), na kung sakaling dumating sa puntong mag-ERUPT ang Mayon (PNoy) eh T'YAK na mapapalis ang mga minerong nagmimina (SC Justices) sa bunganga ng bulkan porke tatangayin silang pababa ng boiling na putik na para bagang hinahalo silang semento na magsisilbing FILLER para MAPATAG ang malalalim na bangin sa ibaba. Get it???"  

Thursday, August 14, 2014

MAYOR ERAP MAY RUN AGAINST VP NOGNOG FOR PREXY

ANA: "Hayan, nagalit na si Erap ke Nognog dahil sa sobrang pagka-atrebido nito na magpalutang ng tsismis na umano'y binabalak ng Liberal Party na isulong ang kandidaturang Binay-Roxas sa halip na Binay-Jinggoy Estrada na original plan ng UNA. Nagdulot tuloy ng DOMINO EFFECT ang sitsit na'to ni Nognog sa larangan ng politika, so, nagpalutang din ng satsat si PNoy na MAAARING kumandidato siyang muli bilang Pangulo?"

LISA: "Ay, sinabi mo. An'damiraming nataranta sa PAHAPYAW na'to ni PNoy at halatang-halata na tunay silang TARANTADO! Unang-una, si Sen Nancy eh pinababa ang dignidad ng Senado nang ituring niyang isang YAGIT lamang pala ang kagaya niyang senador kumpara sa erpat niyang si VP Nognog na sobrang tayog. Ikalawa, 'yung mga KALIWETEng TONGresmen 'gaya ni Tonying T Tinyo, porke, namutiktik ang batikos mula sa grupo nila vs PNoy na isa umano itong DIKTADOR kung kakandidato itong muli para sa isa pang termino. At ikatlo, hindi rin susuporta ang mga obese po ke PNoy."

CION: "Oke, oke. Kung ang choices eh sina Erap, Nognog, Bongget Marcos, PNoy - iboboto ko si PNoy - sealed with a kiss. Pero kung hindi na tatakbo si PNoy 'gaya nga ng pangako niyang isang termino lamang siya ayon sa isinasaad ng Consti, eh si Mar Roxas ang iboboto ko pero 'alang kasamang halik, kase, baka sabunutan ako ni Aling Koring na nag-iisang asawa ni Mar. Sina Erap, Nognog at Bongget eh pawang me kasong pandarambong. Samantala, in FERNES sa asawa ni Koring, wala itong bahid ng korapsiyon, maging ang tatay niyang si Sen Gerry Roxas at lolo niyang si Pres Manuel Roxas. O, kitam?"

Wednesday, August 13, 2014

PNOY OPEN TO 2ND TERM

ANA: "Oy, 'lamobang NAGHALO-ANG-BALAT-SA-TINALUPAN mula sa bloggers na pros and cons re sa balita ng PDI ngayong araw - PNoy open to 2nd term? Sa loob lamang ng apat at kalahating oras mula ipublika ito pasado alas 12:00 ng madaling-araw, aba eh, umabot na sa 310 ang bilang ng komento (debate) na pawang NAGBABAGA habang sinusulat namin 'to!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Hindi maikakaila na ang mainit na debate eh naka-SENTRO sa pagitan lamang nina PNoy at VP Jojo na posibleng magkalabang kandidato for president sa 2016. Naging (out-of-order) na ang ibang komento mula sa mga spinners ni Nognog porke medyo-bastos na ang PAGTIRA ke PNoy sa pamamagitan ng pinagLUBID-LUBID na insulto-personal. Hay, juice koh, TANG INUmin N'YO!!!"

CION: "Pero 'yung kaso ng pinakamahal na parking building sa Phl na PINAYARI ni Nognog sa Makati sa halagang P2.4 BILLION eh HINDI MAIPALIWANAG ng mga spinners ni Nognog kung bakit umabot hanggang ALAPAAP ang kuwenta ng BINAYaran ng dinastiya ni Nognog. Sinisiguro namin na magiging masaya ang kampanyahang PNoy vs BINAY for president, kase, ang mangangampanya para ke PNoy eh mga Pinoy na BOSS niya, samantala, mga BINAYarang spin-doctors naman ni Nognog ang tagaPASABOG ng mga insulto vs PNOY. Biruin mo 'yon???"

 

Tuesday, August 12, 2014

CDQ: WHERE THERE'S A WAY, THERE'S A WILL

ANA: "Nawala na 'yung dating paghanga ko ke Siydeekew bilang kolumnista, kase, nakakaALIBADBAD na ngayon ang kanyang tuloy-tuloy na FLIP (pitikin lagi) sa kanyang kolum ang partidong LP na kinabibilangan ni PNoy. Dahil dito eh personal niyang PINAKIKIROT ang damdamin ni Korina na waswit ni Mar Roxas, o, 'di ba? Basta tatagan mo lang ang damdamin mo Ma'm Koring, tatantanan ka rin n'yan!"

LISA: "Medyo napansin ko na rin 'yang pagbabagong 'yan ng kolumnista dahil sa tingin ko sa kanya ngayon eh personal na siyang KULAMnista ni VP Jojo. Marahil eh me higing sa isipan ni Nognog na merong kinalaman ang LP kung bakit lumiwanag 'yung dating MADILIM na kuwenta ng proyekto ni Nognog no'ng meyor pa siya ng Makati, ang (most expensive parking building), na meron palang halaga itong P2.4 BILLION, sabi ni Sen Trillanes, at BINAYaran ito mula sa taxpayers' money ng Makati???"

CION: "Susmaryopes, an'daming kuwarta n'yan! Ikaw ba'y nakakita na ng ganyang taksan-taksan salansan ng kuwarta? Kasi, hindi ako naniniwala, at maging si Siydeekew, I am sure, na magkakasya 'yang ganyang karaming kuwarta sa IBABAW ng office table ni Nognog. So, pa'no kaya niya BINAYaran 'yung kontratistang YUMARI sa parking building ni Nognog? TAGA-media ka rin naman, Ma'm Korina, baka puede kang gumawa ng imbestigasyon ala-IMBESTIGADOR ni Mayk Iniguez, suportahan taka, peksman!".  

Monday, August 11, 2014

MOST EXPENSIVE PARKING BLDG IN THE PHL

ANA: "Totoo ba'to? Biruin mo namang P75,000 per square meter DAW pala ang halaga ng 11-storey parking building na proyekto ni VP Jojo no'ng siya eh meyor pa lamang ng Makati? So, kung susumahin mo ang kuwenta ng parking building, eh aabot pala ito sa P2.4 BILLION na BINAYaran ng taxpayers' money, sabi ni Sen Trillanes? Magkano naman kaya ang UNDER-THE-TABLE, hhmmm???"

LISA: "Yes, yes yow! Pero mukhang WA EPEK ito sa dinastiyang BINAYaran, kase, sila eh totoong impervious ('di tinatablan) ng ano mang klase ng BATIKOS, peksman. Sige, subukan mong SURIIN at gumawa ng AnaLisaCion 'tsaka mo ikumpara ang presyo ng parking building na 'yan sa construction ng P2 billion 46-storey luxurious Shang Grand Tower, the 19th tallest building in the Phl."

CION: "Ako, ako, meron akong analysis. 'Yung presyong P75,000 /sq.m ng parking building ni Nognog eh katumbas ng halaga ng DALAWANG 20 sq.m low-cost housing para sa dalawang pamilya (mag-asawa at 2 anak kada pamilya). Samantala, 6 mtrs parking space for 1 car is equals P450,000.00!!! Kailan pa kaya magigising ang mga BOBOtantes, partikular ang mga taga-Makati, sa panggogoyong ito ng dinastiyang Binay???"  

Friday, August 8, 2014

ANCIENT AND MODERN CIVILIZATIONS

ANA: "Hindi ba si Abraham ang ancestor ng mga Israelite people na ipinanganak sa Babylonia (Iraq)? Mula Babylon eh lumipat sila ng homeland sa Mesopotamian region kasama ang ama't ina (between the Tigris and Euphrates river), pero no'ng mamatay ang ama'y muli siyang lumipat na mag-isa at nagtayo ito ng ALTAR sa Palestine batay sa UTOS ng God, ayon sa Bible."

LISA: "Uy, mukhang malalim ang tinumbok ng research mo ah. Bakit, nagtataka ka ba dahil parang walang katapusan ang ubusan ng lahi hanggang sa panahong ito sa pagitan ng Arabs vs Jews sa Palestine? Sa totoo lang noh, ang anak kasi ni Abraham na si Ishmael sa the OTHER WOMAN at katulong nitong si Hagar, ang siyang founder ng tribong Arabo (Islam) sa Canaan (Palestine). Samantala, ang pangalawang anak naman na si Isaac sa asawang si Sarah at real heir ni Abraham, ang founder ng warfreak na Judaism ng Jews sa Canaan, o, 'di ba?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Ang hindi lang ako komporme sa research mo eh 'yung sinabi mong si Isaac LANG ang real heir ni Abraham. Siempre, para sa'ken, real heir din ni Abraham ang anak-sa-labas na si Ishmael noh? Katulad din kasi 'yan sa kasalukuyan nating panahon, 'gaya ng NAGBABANGAYANG magkapatid-sa-ama na sina onorabol Junggoy at JV na kapwa senaTONG, sila eh walang-duda na KAPWA REAL HEIRs ng kanilang amang Panggulong Meyor Erap!!! Korek???"

Thursday, August 7, 2014

SCRAMBLING TO FIND SUBSTANTIAL PUBLIC FUNDS FOR KBL

ANA: "O, eh pa'no na ngayon 'yan? Saan pa kukuha ng PANGTUSTOS 'yung mga pulpolitikong kakandidato sa 2016 elections, partikular 'yung pangPONDO sa tuloy-tuloy nilang programa 'gaya ng KASAL, BINYAG at LIBING? Kase, wala na silang PDAF at DAF na ipamumudmod sa tao, 'di ba?"

LISA: "Sa palagay ko eh hindi problema sa mga tuso at naka-puestong pulpolitiko kung napurnada man ang kanilang PDAF at DAP dahil sa desisyon ng SC na UNconstitutional DAW ang mga ito. Siguradong makakadiskate pa rin silang makaLIKOM, illegally, ng substantial fund para pang-KBL hangga't merong umiiral na jueteng at iba pang klase ng illegal gambling sa Phl. Por eksampol, tingnan mo ang tuloy-tuloy na pamamayagpag ni Sabit Sinsong, see?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Pero, at least no'ha, makakaagapay na sa 2016 elections, hopefully, ang mga FIRST TIMER na kakandidatong mahirap ngunit matalinong politiko laban sa mga datihan at mandarambong na politicians 'gaya ng mga reelectionists na legislaTONGs ng 2 Houses of TONGress. Makita na sana ng voters ang tuwid-na-daan at iboto ang karapat-dapat upang huwag mapagbintangang nakikinabang sila sa suhol na KBL at maturingang BOBOtantes. Araguyy!!!"

Wednesday, August 6, 2014

IMPEACHMENT

ANA: "Ala-bombang KAMBAL ng Israeli ang sabay na sumabog at kapwa tumama sa UNA at SC matapos pawalan sa ere mula sa kutsabahang legislators ng Mababang Kapulungan (MK) at netizens??? Pero itinatanggi naman ng Malacanang na meron NGA silang kinalaman dito? Amininnnn..."

LISA: "Dahil kase ayaw TANTANAN ng mga spinners ang isyu ng ligalidad ng DAP at JDF porke pinalalabo nila ito't ISINISISI ke PNoy na isa umanong (abnoy), eh talaga namang NAPIKON na ang Malacanang at MAGING KAMI, siempre, bilang netizens."

CION: "So, bilang WARNING, eh nag-anunsiyo ng signal number 4 (ala-bagyong Yolanda) na meron dalang DALUYONG mula sa netizens-cum-MK re re-election ni PNoy 'tsaka posibleng impeachment vs chief justice! Ano ang epekto, aber? Halatang-halata na NABULABOG ng todo-todo at nagmukha lahat tarantado ang mga spin-doctors ng UNA at SC na pawang mga abogago, peksman!"

 

Tuesday, August 5, 2014

INTRINSIC EVIDENCE

ANA: "Kinigtot na naman ng mga lieyers ni Junggoy ang publiko sa liko-likong palusot nila para payagan kuno si Junggoy ng SBN na makapaglagak ng piyansa para makalabas ito ng kulungan? Susmaryopes! Intrinsic evidence kasi ang iprinisinta ng OMB lawyer na si Vic Escalante sa pagpapatuloy ng kanyang testimonya vs Junggoy, o, 'di ba?"

LISA: "Korek!!! Biruin mong 19-month old INFANT ang umano'y TUMANGGAP ng farm inputs mula sa pork barrel allocation ni Junggoy! Bakit, marunong na bang mag-ARARO 'yung sanggol? Clearly, intrinsic evidence 'yan. Meaning, evidence derived from a document without anything to explain it. Hello! hello! Junggoy, sino ang tutor mo, si Erap?"

CION: "Sa palagay ko eh hindi si Erap ang tutor ni Junggoy, kase, kulang-sa-timbang ang talino ni Erap. Maaaring pinaraan lang ke Erap ni TANDA 'yung legal strategy nilang makapagPIYANSA para makalabas ang 3 mandarambong sa kulungan habang dinidinig ang kanilang plunder case. Kung magkakagayon, ang makikinabang sa madilim na planong ito ng tatlong onorabol kapag nagtagumpay, eh sino pa, kundi si Nognog! Aysus, FUki-ng-ina.."

Monday, August 4, 2014

CARNAGE

ANA: "Alam mo bang nababahala na ang buong Europa, partikular ang Britons, dahil sa ayaw nang MAGLUBAY ang magkabilang panig sa pambobomba laban sa isa't-isa? Umabot na halos sa 2 LIBO civilian na pawang Islamists sa Gaza Strip ang namamatay, samantalang 64 namang Israeli soldiers ang patay din sa walang humpay na bombahan sa gerang Israeli-Hamas sa Palestine."

LISA: "Kung babalikan mo ang history, ang mga taga-Arabia na pawang Islamic eh kinubkob ang Palestine noong AD 600 at itinaboy ang mga Judaist at Christian Jews. Ang Gaza Strip na siyang pinag-aagawang teritoryo ng mga Arab at Israeli eh NABAWI at tuluyang inokupahan ng Israeli forces laban sa mga Arabo noong 1947. Pero hindi ro'n nagwakas ang gera ng magkalabang relihion porke hanggang sa kasalukuyan eh SAGSAGAN pa rin ang bombahan ng Hamas vs Israelis."

CION: "CARNAGE!!! 'Yan ang katawagan sa maramihang pagpuksa sa buhay ng tao. Eh kasi, dahil ayaw pumayag nang mga Arabo sa HATIAN ng Palestine para sa 2 independent states, Jewish state at Arab state, so, muling UMATAKE wide-scale ang mga Arabo vs Jews no'ng 1948. Mula noon, hanggang ngayon, kahit magka-ubusan na ng lahi, hindi matitigil ang CARNAGE na'to. O, kanino ka, PNoy o Nognog (TUWID o BALUKTOT)???"


Sunday, August 3, 2014

NETIZENS ARE CALLING FOR PNOY'S REELECTION

ANA: "Aysus ginoo. Nagsalimbayan na ang sagutan sa internet ng pros n cons re re-electability ni PNoy. Biruin mong kapwa nagpakita ng pangil ang magkabilang panig nang ilutang ang ideyang SANA eh bigyan pa umano si PNoy ng isa pang termino sa presidency upang tapusin nito ang TUWID-NA-DAAN para sa tuluyang pagbangon ng bansa. Ano sa palagay mo, hhmm?"

LISA: "Mismong Malacanang na ang nagsabi na ang hinihiling na'to ng netizens eh UNconstitutional. Gayunman, para sa'ken eh magandang sukatan ito para maunawaang lubos ng mamamayan na ang anim na taong termino ni PNoy bilang Pangulo eh KULANG pa upang ganap nitong maayos ang tuwid-na-daan. Nakikinita kasi ng netizens na BAKA muling bumaluktot ang daan kung sino man ang mauupong papalit sa panguluhan, partikular umano kung si Nognog DAW ang papalit, ubos tayo."

CION: "Sa isang banda eh mag-iisip ang Pinoy na ngayon lamang nangyari sa panahon ni PNoy na maipaKULONG at ma-impeach ang mga pinaka-makapangyarihang opisyal ng Phl gov't na pawang mga mandarambong. Meron pang 2nd and 3rd batches na isasampa ng OMB sa SBN na karugtong ng PDAF scam ng mga legislaTONGs. Obviously, kakampi ng mga Rightists ang mga PDAF scammers at ang mga obese po nama'y kakampi naman ng Leftists? So, ang worry ng netizens eh BAKA kakampi ng Right or Left ang papalit ke PNoy? Patay kang botante ka!"

Saturday, August 2, 2014

ZIONISM

ANA: "Naku, bakit kaya 'di na matapos-tapos ang sigalot sa pagitan ng Palestine at Israel noh? Kase, sinasabi sa Biblia na ang Palestine eh ang HOLY LAND dahil doon IPINANGANAK ang relihiong Judaism at Christianity, 'tsaka Islam, o, 'di ba?"

LISA: "Korek. Pero no'ng 63 B.C. eh sinakop ng mga Romano ang Palestine at pinagmalupitan ang lahat ng mamamayan doon, partikular ang mga Jews, hanggang sa winasak ng mga Romano ang buong Jerusalem noong A.D. 70, kung kaya naglipatan para sa sariling kaligtasan sa iba't-ibang bansa sa mundo ang mga Jews. Pero no'ng A.D. 600's, ang mga Islamist na Arabo eh NILUSOB, dumaan sa Arabian Desert at kinubkob ang Palestine upang muling itinatag ang sibilisasyon doon sa ilalim ng kanilang pamumuno."

CION: "Yes, yes yow. Pero, no'ng WWI eh naging maigting na battlefield muli ang Palestine na noo'y nasa ilalim naman ng Turkey nang kubkubin ito ng British troops sa tulong ng mga mamamayang Jews. Isang British statesman, si Zionist Chaim Weizmann, ang nagpanukala noong 1917 na bigyan ang mga Jews ng Jewish National Home sa Palestine. Agad naman itong pinagtibay ng League of Nations at tinawag itong Balfour Declaration o MANDATED TERRITORY. Ang teritoryong ito ng mga Jews sa loob ng Palestine ang BINABAWI hanggang sa kasalukuyan ng mga Arabo na Islamists! Kung susuriin mo ang history, ang Jews talaga ang unang tao sa Palestine 5,000 years ago!"    

DESTROYING A NATION IS EASY, BUT REBUILDING IT IS AN ARDUOUS TASK

ANA: "Oy 'ga, meron akong nakalap na tsismis na 'yun palang napurnadang coup d'etat na binabalak ng mga makaKANAN eh isasagawa SANA sa mga huling araw ngayong buwan ng Agosto para ATOMic."

LISA: "Atomic bomb? 'Wag ka ngang maglubid ng mga haka-haka noh! Bakit, saan sa akala mo kukuha 'yang mga retiradong heneral na 'yan ng atomic bomb para ibagsak sa Camp Aguinaldo? Sige nga, ipaliwanag mo!"

CION: "Koreksiyon! Hindi atomic bomb kundi ala-ATOM (August Twenty One Movement). Isang pakana ito ng mga utak-alimangong retiradong heneral na pawang alagad umano ni Big Mike?. Ang kaso, ibinisto agad sila ni Sen Trillanes sa maitim nilang balaking (cucurrucucu paloma) laban sa PNoy Adm. Hello! hello! atorni Topac io, bakit NABUKING???"