Wednesday, July 20, 2016

PULSE ASIA: PDIGZ ENJOYS 91% TRUST RATING?

91% of the 1200 respondents trusted PDigz, says the FALSE ACIA survey conducted from July 2 to 8. Gano'n?
Basing on the record of the May 9, 2016 elections, there are 54M registered voters in the Phl of whom 43M voted.
Oke, 16.6M voted for Duteteng or 32% of the total votes.
The combined votes received by 5 of his opponents was 25.9M or 48%.
O, heto ngayon ang pagtuunan ng KUWENTA: 91% who trusted (KUNO) PDigz is equivalent to 48% of the 54M registered voters.
So, ang natitirang 5M would mean they either distrust PDigz or they simply abstained, 'di ba?
Ang tanong kase dito eh, what happened to those who voted for Mar, Gracia, Nognog, Brenda and Seneres (RIP) who numbered 25.9M?
Maliwanag, ang survey ng False Acia eh a la SORBETES na nalulusaw, SUMPA MAN!!!

Sunday, July 10, 2016

TINITIGOK ANG DILIS, HINIHIYA LANG ANG PATING

Naunawaan na ngayon ng Pinoy na KAMAY-NA-BAKAL ang kasalukuyang umiiral na batas ni PDigz, katuwang ang kanyang factotum general Bato.

Ang mag-among PDigz at Bato eh naniniwalang BAHAG-ANG-BUNTOT ang mga kalaban niyang politiko sa Phl at hindi sila kikilos laban sa kanyang a la diktaturyang pamumuno, gano'n?

Itigil n'yo na ang pagtigok sa mga adik at tulak (DILIS) ng walang due process of law porke sila'y pawang inosente UNTIL PROVEN GUILTY, noh!

Ang mag-among PDigz at Bato lang kase ang responsable at guilty of murder for simply instigating the Police para ISALBEDS ang mga DILIS.

Kumpara sa mga PATING (drug lords & generals) na hindi naman hinuhuli, bagkos eh HIHIYAIN lamang sila sa media at bibigyan ng RIGHT TO DUE PROCESS & INNOCENT, o, 'di ba, ex-gen LOOTer, sir?

Me balak ba ang PNP at AFP para MAG-AKLAS laban sa PDigz Admin dahil sa PAMBABABOY sa Phl Consti? Hay, juice koh, bahala kayo sa buhay n'yo!!!

Friday, July 8, 2016

LENI 'GOOD CHOICE' FOR HOUSING POST

LENI 'GOOD CHOICE' FOR HOUSING POST



Mabuksan sana muli ni VP Leni ang naka-archived na kaso ng LAND GRABBING na inimbestigahan no'n pang panahon ni Noli de Castro re foreclosure of low-cost housing units. 

Prompted by House Resolution 604 filed by House Speaker Prospero Nograles in 2008, the House Comm on Housing & Urban Dev't conducted an investigation into the alleged foreclosure of low-cost housing units w/ highly deliquent accounts. 

IBINENTA kase ni Ate Glo ang mga naturang accounts na'to ng NHMFC sa pribadong kompanya ng BALIKATAN Housing Finance Inc (BHFI). 

Pinalayas naman ng Balikatan ang 52,000+ homeowners sa buong Phl na hindi nakakabayad ng kanilang monthly dues 'tsaka nila ngayon ibebenta ang nabakanteng bahay. 

Ganito ang modus-operandi ni Delfin Lee, double-selling, na kumita umano ng mahigit P7-B. 

Isa kami sa biktima ng modus na'to ng Balikatan, kasabwat ang magkasunod na VP, Noli deCASHtro at Nognog d Plunderer? 

Ang kita raw ng Balikatan eh umaabot na sa P13 B+??? 

Eh 'di WOW!!!

Tuesday, July 5, 2016

PDIGZ: 5 PNP OFFICIALS IN DRUGS

PDIGZ: 5 PNP OFFICIALS IN DRUGS



ANA: "Binulabog ang buong kapulisan kahapon ni PDigz (Digong) sa okasyon ng ika-69 anibersaryo ng Phl Air Force sa Clark, re 5 PNP Execs na CODDLERS ng mga Drug Lord! Sa halip na gamitin ang kanyang prepared speech, eh diretsong pinangalanan ni PDigz, extemporaneously, ang 5 IPISyal pawang PMAer, viz; ex-DG Marcelo Garbo; ex-C/Supt Vicente Loot; now mayor of Daanbantayan, Cebu; C/Supt Joel Pagdilao, ex-NCRPO head, C/Supt Edgardo Tinio; 'tsaka, C/Supt Bernardo Diaz."

LISA: "Ay, 'kakahiya naman 'yan, noh! Kaya pala 'di maampat-ampat ang daloy ng iligal na droga sa Phl dahil sa mga heneral na coddlers ng drug lords, nakanang-ina, hhuu! Sabi nga ni Sen Ping eh wala siyang duda about the validity of PDigz' charges against the 5 IPISyal na pulos nakatiklop ang mga dila, sa Ingles, PUT TONGUE-IN ANEW! Pero ang 'di ko lang ma-gets eh, 'di ba kapatid ni Gen Pagdilao ang isang natalong senatorial candidate ni PDigz na dati ring heneral 'tsaka congressman?"

CION: "Ay korek ka r'yan 'day! 'Yang angkan ng mga Pagdilao eh orig na GI (Genuine Ilocano) na taga-Ilocos Norte. Therefore, malalapit na loyalists sila ni BBM, rather, FACTOTUMS pala ang tamang term, 'di ba, Meldita ma'am? Pero ba't humihirit pa si Sen Gringo porke wala raw DUE PROCESS ang pagbubulgar ng Commander-in-Chief? Eh pa'no kase kung 'di naman daw totoo ang BINTANG, eh 'di sira na ang rePUTAsyon pati ang pamilya ng mga heneral? Anong say mo, Sir Bato?"      

Sunday, July 3, 2016

PROSECUTOR, JUDGE AND EXECUTIONER

ANA: "Nagsulputan ang mga self-employed PRO & CON political analysts ngayon na nagpapa-interview sa media re PDigz (Digong) unorthodox method of fighting criminality. Mula May 10 to June 20 kase eh meron nang suma-tutal 54 suspected drug addicts/pushers ang LUMABAN kuno sa pulis kaya sila TINIGOK, ayon sa record. Depende sa pamBOBOla ng mga political analysts sa madlang-pipol kung kaaya-aya o kagalit-galit ang scripted na komento, laban o pabor ke PDigz, see?"

LISA: "Ay, uh-unga 'ga. Pero nagkaka-isa rin ang pananaw ng Pinoy na walang DUE PROCESS ang istilo ng pag-aresto ng pulis para ISALBEDS ang mga adik at tulak, o, hah! Kase, mismong si PDigz eh nagdududa - 'As a lawyer & a former prosecutor, I know the limits of the power and authority of the president. I know what is legal and what is not. My adherence to due process and the rule of law is uncompromising.' - Nakita ni PDigz kung pa'no raw sinisira ng droga ang family relationships!"

CION: "So, ang bottom line is, 'yung mga self-proclaimed political analysts na nagpapa-interview sa mga mediamen, 'gaya kina Noli deCASHtro at Ted PAYlon, eh kumikita rin mula sa AC/DC? Basta kelangan lang na sumunod siempre sa SCRIPT ang nakatakdang interview sa Q & A ng interviewer at interviewee para paigtingin kapwa nila ang pambobola sa madla at nang makaKOLEK ng paldo-paldong AC/DC, o, hah! Sino ang maghahatag ng AC/DC bilang honorarium, ha, heneral Bato, Sir?"