PDIGZ: 5 PNP OFFICIALS IN DRUGS
ANA: "Binulabog ang buong kapulisan kahapon ni PDigz (Digong) sa okasyon ng ika-69 anibersaryo ng Phl Air Force sa Clark, re 5 PNP Execs na CODDLERS ng mga Drug Lord! Sa halip na gamitin ang kanyang prepared speech, eh diretsong pinangalanan ni PDigz, extemporaneously, ang 5 IPISyal pawang PMAer, viz; ex-DG Marcelo Garbo; ex-C/Supt Vicente Loot; now mayor of Daanbantayan, Cebu; C/Supt Joel Pagdilao, ex-NCRPO head, C/Supt Edgardo Tinio; 'tsaka, C/Supt Bernardo Diaz."
LISA: "Ay, 'kakahiya naman 'yan, noh! Kaya pala 'di maampat-ampat ang daloy ng iligal na droga sa Phl dahil sa mga heneral na coddlers ng drug lords, nakanang-ina, hhuu! Sabi nga ni Sen Ping eh wala siyang duda about the validity of PDigz' charges against the 5 IPISyal na pulos nakatiklop ang mga dila, sa Ingles, PUT TONGUE-IN ANEW! Pero ang 'di ko lang ma-gets eh, 'di ba kapatid ni Gen Pagdilao ang isang natalong senatorial candidate ni PDigz na dati ring heneral 'tsaka congressman?"
CION: "Ay korek ka r'yan 'day! 'Yang angkan ng mga Pagdilao eh orig na GI (Genuine Ilocano) na taga-Ilocos Norte. Therefore, malalapit na loyalists sila ni BBM, rather, FACTOTUMS pala ang tamang term, 'di ba, Meldita ma'am? Pero ba't humihirit pa si Sen Gringo porke wala raw DUE PROCESS ang pagbubulgar ng Commander-in-Chief? Eh pa'no kase kung 'di naman daw totoo ang BINTANG, eh 'di sira na ang rePUTAsyon pati ang pamilya ng mga heneral? Anong say mo, Sir Bato?"
No comments:
Post a Comment