Saturday, September 10, 2016

SPEECH AND THE WRITTEN WORD

Ang mga sinalita extemporaneously ni PDigz sa kanyang unang outing on world's affair eh EPHEMERAL (madaling malimutan) so puedeng ITANGGI mismo ito ni PDigz sa mga nakarinig.
Pero kung binasa ni PDigz ang kanyang prepared speech (written word) which is thought to be INDELIBLE its meaning cast in stone, 'eka nga, eh hindi sana siya PARANG PINANDIDIRIHAN ngayon ng ibang lider ang ASEAN na kasama niya sa Forum, see?
Eh kase, sadyang ayaw basahin ni PDigz ang prepared speech para sa kanya, bagkos, nagdiskurso siya sa harap ng Asean leaders extemporaneously habang nakalilis ang manggas ng kanyang suot na barong!
'Yung ugaling BUTANGERO ni PDigz bilang meyor ng 2 dekada sa Davao City eh dala-dala pa rin niya hanggang sa ngayon bilang panggulo ng Phl.
'Gaya ng pagbawi sa mga naunang pormal niyang pahayag na dapat sana'y binabasa niya at bigyan ng kopya ang media para sa press release, eh WALA!
Itinatanggi ni PDigz ang nauna nitong pahayag na galing umano keTabako ang listahan ng mga malalaking-tao na drug lords, gano'n din ang pagtanggi nitong mag-resign siya kung merong mediamen na madudukutan ng wallet habang nasa Davao na sobra anyang maayos at tahimik, pero after a few hours, me bombang sumabog sa night market na kumitil ng 14 buhay ng tao.
Isang certified na SINUNGALING si PDigz, and he dragged our country to worldwide EMBARRASSMENT and CONTEMPT!!!

No comments:

Post a Comment