Wednesday, October 12, 2016

SHOW BIZ SECRET

Bumaling naman tayo sa showbiz para 'wag tayong masyadong nauumay sa isyu ng EJKs at pagmumura ni panggulong Digong laban sa USA, EU na hindi naman siya inaaway.
Tinakbuhan ni actor Mark Anthony Fernandez ang police checkpoint sa Pampanga porke ang kotseng minamaneho'y walang license plate, so, inasinta ng pulis ang gulong - bung kunana - TIKLO!
In the car was found a kilo of marijuana w/c Mark Anthony said he was using as medication against cancer, 'gaya rin no'n ng sakit na ikinamatay ng ama nitong si Rudy Fernandez.
Pero heto ang siste, ang ama ni Mark na si Rudy Fernandez pala at pinsan ni Robin Padilla, eh bosom buddy of then meyor Digong when Rudy was still alive.
Kaya nga hindi kapani-paniwala na NO SPECIAL TREATMENT kuno, sabi ng police, would be extended to Mark, ows?
Meron kasing kasabihan sa Tagalog - "iba ang tinititigan sa tinitingnan" - at iyan na nga ngayon ang nakikita ng publiko sa ADIK na si Mark, hindi siya puedeng mabiktima ng EJK, o, kitam?

No comments:

Post a Comment