Wednesday, November 30, 2016

BONIFACIO DAY (November 30)

Kinober din namin ang Edsa People Power-1 (Feb 22 - 25, 1986) bilang isang reporter noon kung saa'y napatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos.
Hindi lingid ngayon sa MILLENIALS ang pandarambong ng mga Marcos sa kaban ng bayan na hanggang sa ngayo'y binabayaran pa rin ng gobyerno, partikular ang utang sa pagpapatayo ng 'white elephant' Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) project sa Bataan province.
Ngunit sa impluwensiya ni panggulong Digong eh gusto niyang ibalik sa kapangyarihan ang mga Marcos sa Malacanang bilang kapalit nitong panggulo?
Sa nasaksihan namin ngayong protest rally (Bonifacio Day) laban sa panakaw na paglilibing sa bangkay ni Marcos sa LNMB, nakikinita naming hindi magtatagumpay ang mga Marcos sa maitim nilang hangarin.
At inaasahan naming nawa'y mapanagot din ang 9 na SC ASO justiis sa kanilang ILLEGAL na desisyon para mailibing si FM sa LNMB kaakibat na kusa ring mag-RESIGN bilang pangulo si Digong na totoong isang PSYCHOPATH upang maiwasan na muling magkaroon ng PEOPLE POWER REVOLUTION.

Saturday, November 26, 2016

WE ARE LIVING IN TRYING TIMES, AGAIN - OMB MORALES

Ang kapirasong binanggit na salita ni Omb Conchita are very much appreciated - "When denial of human rights continues, corruption persists, or GONGONIZED (pagkaMUHI sa kababaihan) fanaticism" - told fellow alumni of the UP College of Law in their annual homecoming.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina SC ASO justiis Teresita Leonardo-Castro, isa sa 9 na nagbasura sa petisyon na 'wag ilibing si FM sa LNMB, Sen Frank Drilon, TONGreswoman Pia Cayetano, presidential legal counsel Salbahe Panyelo atbp mga alumni na SandiganBayan justices.
Ang direktang PASARING ng OMB sa kapwa niya mga alumni sa UP College of Law, it seems that the lady has read, lived, and contemplated on HISTORY para sa katotohanan.
Pero, ano ba talaga ang ibig sabihin ng TRUTH (katotohanan), porke, si panggulong Digong has its own truth, gano'n din si Sen D5, Mocha, CHR, SC justiis & all those antagonistic forces have their own version of truth, o,'di ba?
How long can that last? Citizens will have different takes on this one, but, HISTORY gives us just one answer.
Para sa amin, this is not dictatorship in the making, WE HAVE A DICTATOR NOW!!!

Thursday, November 24, 2016

PDIGZ WON ONLY ON SHEER PLURALITY OF VOTES

Panggulong Digong won only on SHEER (kakatiting) plurality of votes.
Pero ginagamit ni Digong ang kapangyarihan ng presidente bilang HARI o DIKTADOR, na walang demokrasya at labag sa Constitution.
KUMIKILING ang supreme court at house of representatives sa bawat kagustuhan ni Digong, 'gaya ng panakaw na paglilibing ng bangkay ni diktador Marcos sa LNMB ng WALANG-BASEHAN na ligal ang SC.
Pinaimbestigahan ni Digong sa house of representaTHIEVES si Sen Leila de Lima, in aid of legislation kuno, pero para lamang personal niyang HIYAIN at BASTUSIN ang senadora, subalit walang sapat na ibidensiya para mabistahan ng korte.
Hindi sukat-akalain ni Digong na SISIPA ang majority ng taong-bayan sa pamamagitan ng sunod-sunod na protesta laban sa kanyang pagka-PANGGULO na posibleng MAGPATALSIK DIN SA KANYA, a la diktador Marcos, sa pamamagitan ng PEOPLE POWER o COUP D'ETAT.
Humanda ka Digong, KINGINAMU!!!

Wednesday, November 23, 2016

COPS DEEP INTO ILLEGAL DRUGS - KERWIN

Why are the over righteous Dutertards keep repeating this all started under PNoy, when everybody knows this started way way back...like in the time of the Marcoses.
Back then, wala pang shabu. Cocaine ang uso. Dami nang mga durugista at tulak noon pa man. Kaya nga uso mga term na ganja, praning, amats, etc.
It carried all the way after EDSA. Maraming yumaman na druglords na nga na nag retire at naging legal ang businesses, o kaya naging mga pulitiko.
1990s, nagkaroon ng mga maraming rapes at massacres sa Marikina. Mga durugista ang mga kriminal. Yung anak ni Justice Teehanke noon, bangag din nang barilin si Maureen Haltmann at mga kaibigan niya. At siyempre pa, mga anak ni Enrile na sina Jackie at Katrina.
Malalim na problema na hindi masosolusyunan ng EJK at pagtuturo lang, kundi reporma hindi lang sa police force kundi sa buong bansa din.
Reporma ba ang kamay na bakal? Hindi. Reporma eh ang pagsunod sa batas, pag improve ng crime fighting and investigations, forensics at procedures, tamang proseso sa pagpili ng mga recruits, tamang sweldo at benefits, etc. Hindi iyang EJK/salvage, fake evidences at pananakot.
Reporma sa bansa, eh yung ituro ulit sa mga kabataan kung ano tama at mali - pati na rin sa mga matatanda na walang natutuhan. Tulad ng presidente natin. Bastos, walang galang sa babae, palamura, etc. Huwag papatay, huwag magnanakaw. Basic na basic pero hirap na hirap tayo na sundin bilang isang lipunan.
By the looks of it, things will only get worse with this regime. Sila mismo ilegal mga ginagawa, kaya para lang tayong nanonood ng mga kriminal laban sa ibang mga kriminal.
(By: Danilo Puyat - Disqus)

Tuesday, November 22, 2016

FM's BURIAL SPLITS FVR, PDIGZ

FM's BURIAL SPLITS FVR, PDIGZ
"There are only 2 criteria in law to be buried at Libingan. And the problem is he (FM) fits both counts, a soldier and/or president" - sabi ni panggulong Digong sa mga reporter sa APEC Summit, Lima, Peru.
Iginiit pa ni PDigz, re PANAKAW na paglilibing ke FM sa LNMB no'ng Biernes (Nov 18) - "In all honesty, I'm telling you, I knew nothing about it. They only asked me when the appropriate time for me would be, I said - DO AS YOU WISH."
Selective interpretation of what is a legal and illegal act to favor a particular party in interest is NOT JUSTICE at all!
Para sa'min kase, itong si PDigz eh concerned only of his popularity at the expense of a condor and sincerity, dahil pulos palabas, pautot at pagbabanta lang sa publiko ang inaasta, 'gaya ng video clip nitong HUMAHAGULGOL sa puntod ng kanyang ina makalipas niyang manalo sa eleksiyon, ALL FOR SHOW for pogi points, o,hah!!!
He lives a life of CHIMERA (fire breathing HALIMAW w/ the head of a lion, body of a goat, & tail of a serpent) and SUBTERFUGE (pagkukunwari) lamang, peksman!!!

LBM - A REFERENCE TO THE EXPLOSIVE DIARRHEA

Me mga mungkahing ang Libingang Ng Mga Bayani (LNMB) eh dagdagan ng salitang Marcos and/or at isang magnanakaw, para mas simple raw ang acronym nito - Libingang ng mga Bayani at ni Marcos o Libingan ng mga Bayani at isang Magnanakaw (LBM), a reference to the EXPLOSIVE DIARRHEA.
Hindi kasi talaga kualipikado si FM na maililibing sa LNMB batay sa listahang isinasaad ng AFP Military Regulations; porke ang pupuedeng lang ilibing doon eh mga sundalo, Medal of Valor awardees, presidents/commander-in-chiefs.
EXCLUDED si FM o mga sundalong DISHONORABLY DISCHARGED (o pinatalsik ng People Power 'gaya ni FM), or convicted by final judgement of an offense involving moral torpitude, o, hah!
'Tsaka, ang pinagbasehang batas ng SC, ang AFP rule/regulation G 161-375, para payagang ilibing ang bangkay ni FM sa LNMB sa botong 9 - 5 eh WALANG-BISA pala sapagkat HINDI ITO REGISTERED sa Office of the National Administrative Register (ONAR).
Ang tanong, sino ang dapat managot, si PDigz? ang SC?

Wednesday, November 16, 2016

PDIGZ DIDN'T BELITTLE FM'S VICTIMS SUFFERING - SEC ANDANAR

Hindi kuno intensiyon na MALIITIN (denigrate) ni panggulong Digong ang hirap at dusang dinanas ng mga biktima ng martial law ni FM nang ipag-utos ni Digong na ilibing ang bangkay si FM sa LNMB, batay sa 9 - 5 desisyon ng SC.
Ayon pa ke spookyman PaAndaran - "Mr Duterte merely offered another perspective on the decades-long debate, which the SC recently put to rest by upholding a presidential order allowing the transfer of the late strongman's remains at LNMB."
Ang sigalot daw kasing ito, ayon pa sa spookyman, eh dahil lamang sa fight between two families (Aquino - Marcos) o, hah!
So, walang kinalaman sa isyung away ng 2-families ang HIRAP at PASAKIT na dinanas ng mga martial law victims, ayon pa sa kanyang pamBOBOla, touching off widespread public anger that may snowball into a people power uprising na posibleng magpaTALSIK din ke Digong a la FM?
Pero ang isa pang dahilan para LEGAL na mapatalsik si Digong batay sa probisyon ng Consti - (INCAPACITY) - porke meron daw pagkaSIRA-ANG-ULO!!!
Eh kase, the International Council of Psychologists concluded that Digong Duterte was suffering from:
"Antisocial Narcissistic Personality Disorder, a condition characterized by gross indifference, insensitivity and self-centeredness, grandiose sense of self-entitlement and manipulative behaviors and pervasive tendency to demean, humiliate others and violate their rights and feelings" - ACCORDING TO COURT RECORDS.

Monday, November 14, 2016

OUTSIZE COST AND RISK

Sa gitna ng public outrage dahil sa pasya ng SC (9 - 5) na ilibing ang bagkay ni diktador Marcos sa LNMB, eh kasabay din nito ang GO-SIGNAL ni panggulong Digong para sa rehabilitation kuno ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sitting on 389 ha of coastline in Morong, Bataan, sa halagang $1 Billion bilang ALKANSIYA ni PDigz?
What studies, if any, were commissioned before the policy decision to reactivate the plant was made? WALA!!!
Nagsimula ang pagtatayo ng proyektong BNPP bilang PALABIGASAN ni FM noong 1976 sa halagang $500 M sa umpisa, na lumobo hanggang $2.3 B no'ng 1984, funded by foreign creditors, o, intiende?
Pero after mapaTALSIK ng EDSA people power si FM no'ng 1986, Tita Cory's admin decided to scrap the plant based on a host of safety and environmental concerns, pero patuloy pa hanggang ngayon na BINABAYARAN ng Phl Gov't ang UTANG NA'TO ni FM na pumaimbulog hanggang alapaap ang presyo - $2.3 Billion! - o, 'lamoba'yon Sec PaAndaran?
Ang tanong, kaya bang bayaran ng 16M BOBOtantes ni PDigz ang PATONG na $1 Billion na UUTANGIN pa ni PDigz para sa rahabilitasyon daw ng 'di pinayagang mabuksan na BNPP dahil delikado, sa loob ng 6-yr na panunungkulan ni Digong? UTANG-NA-N'YOOooo, 'wag n'yo kaming idamay d'yan!!!

Sunday, November 13, 2016

BLOODY WAR AGAINST PROLIFERATION OF ILLEGAL DRUGS

Sa isang open-letter ni PAF retired major general Ramon Farolan sa kanyang column dated Nov 14, addressed ke cheap-PNP Bato eh PINAALALAHANAN ng dating heneral at kolumnistang si Mang Ramon kung pa'no dapat HUWAG IWANAN ng isang ground commander na katulad ni Gen Bato ang BLOODY WAR vs illegal drugs sa Phl, para lang manuod ng laban sa boksing sa US ni Sen Pakyu na libre-gastos, kasama pa siempre ang asawa't mga anak ni Bato, courtesy of Pakyu.

Si Mang Ramon eh graduate ng PMA class 1956, samantalang si PMA cadet Bato naman eh nagtapos sa PMA no'ng 1986, after EDSA people power, at siya'y pang number 22 out of 174 graduates.

Kumpara ke PDigz na grabeng magmura, si Mang Ramon eh gumamit ng DIPLOMASIYA para HAGUPITIN ng yantok si Bato, and calls the war on drugs in the Phl a bloody war and draws a parallel with the war to liberate Europe in 1944, pero HINDI kelanman iniwanan ni Gen Dwight Eisenhower, supreme commander of allied forces, ang madugong-gera sa Europa para lang mag-attend sa graduation sa West Point ng kayang anak.

Kung sabagay, PDigz war on drugs is no real war but state sponsored butchery which no general in their right mind would be proud of victory, kaya naman kitang-kita na paHELE-HELE lang si Gen Bato, o, 'di ba, Sen Pakyu? MGA BULAKBOL!!!

    

Friday, November 11, 2016

JUSTICE SEEMS ELUSIVE

Sabi ng aking rekompang abogado - 'the fundamental purpose of a law is to provide justice, but sometimes when a court renders judgement based primarily on the literal interpretation of the law at the expense of its spirit, justice seems elusive."
Pa'no kase eh KABALINTUNAAN (paradox) ang desisyon ng SC para payagang ilibing si diktador Ferdinand Marcos sa LNMB, dahil nga sa changes of jurisdictional grounds from being a political to judicial issue.
Sa kabila ng kawalan ng katarungan (INJUSTICES) no'ng rehimeng Marcos eh malinaw na ang 9 sa SC justiis eh BUMITAW sa kautusan ng batas na dapat ipatupad ang katarungan kung saan ito'y nararapat, DAHIL SA SUHOL?
Nasaan ngayon ang hustisya para sa mga biktima ng martial law?
Only the conscience of the 9 magistrates could tell, if there is still such a thing (na walang tatanggap ng lagay?) in our judicial system, SANA, SANA at SANA pa.

Wednesday, November 9, 2016

CHANGE SCAMMING (is coming)

No'ng maiSUGA ang leeg ng siyam (9) na SINUHULANG SC Justiis sa tumbong ni panggulong Digong, eh lalong lumaganap nga ang pangako nitong pagbabago (CHANGE SCAMMING).
Free the rebels, terrorists, corrupts and give favor to Marcos family bilang BAYAD-UTANG, nakanang-ina, hhuuu!
Me kasama ring pamBOBOla si Bongget at sabi'y MOVE ON na raw ang Pinoy, kase, maililibing na rin sa wakas ang kanyang erpat na diktador at mandarambong sa LNMB, o, hah!
Eh si Bongget nga mismo ang AYAW mag-move on dahil hindi matanggap ang pagkatalo vs VP Leni porke DINAYA raw siya? TONTO!!!

Monday, November 7, 2016

DYSTOPIA

DYSTOPIA - an imaginary place where everything is as bad as it can be.
Maituturing na ang majority sa 16M BOBOtantes ni panggulong Digong eh pawang less educated, culturally shy and gullible (UTO-UTO)
Kase halos lahat silang uto-uto are not expected to take a position based on their own interest, reason, logic and position to protect and nurture their communities.
Sa totoo lang eh, these 16M BOBOtantes were conditioned to respect and are now WARY of PDigz dahil sa TAKOT na baka sila'y ma-EJK din 'tsaka tatakluban ng KARATULA, o, hah!
Gayunman, 'yun ibang balimbing na PULPOLitikong kasangga ni PDigz, 'gaya nina senador Ping at Dick eh tila KUMAMBIYO re sa pagTIGOK ng tropang-CIDG sa isa pang meyor.
Si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr eh BINARIL at napatay ng pulis-CIDG no'ng madaling-araw ng Saturday (Nov 5) dahil lumaban DAW ng barilan, habang siya'y sinisilbihan ng arrest warrant sa loob MISMO ng kanyang selda sa provincial jail.
Naninindigan ngayon sina Sen Ping at Dick na gagawa UMANO sila ng masusing imbestigasyon sa kani-kanilang komite re mayor Espinosa at mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na NIRATRAT din ng pulis no'ng Oct 28, see?
Yes, senators Ping and Dick, 'wag na sana ito uling isang GRANDSTANDING HANE? kase, we are coming to DYSTOPIA!!!

Sunday, November 6, 2016

#PRAY FOR EIGHT

Maaliwalas ang panahon sa ginanap na concert cum prayer rally na pinangunahan ng TSM at dinaluhan ng iba't-ibang organisasyon kahapon (Nov 6) sa Lapu Lapu monument, Luneta.
Kasama sina dating Pangulo Noynoy Aquino, dating DILG Sec Mar Roxas at Senator Kiko Pangilinan, ang TSM at iba't-ibang samahan ay umaasang papabor sa kanila ang desisyon ng Supreme Court upang huwag payagan ang paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB.
Nakatakdang magbaba ng desisyon ang SC sa kasong ito sa araw ng Martes (November 8). Pag walo, panalo!





Saturday, November 5, 2016

POLITICAL FACT

Ayon sa Rappler.com, mula July 1 hanggang Nov 3, at least 4,791 people have been killed in police operations and criminal activities related to drugs.
Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga TINIGOK ng pulis kahapon, Nov 5, na sina Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr at Raul Yap na kapwa nakakulong sa Leyte Provincial Jail, o, hah!
Ayon sa pulis eh NAKIPAGBARILAN umano sina Espinosa at Yap nang sinisilbihan sila ng arrest warrant ng TROPA ng CIDG sa loob ng kulungan alas-4 ng madaling-araw kahapon!!!
Ang KAHINDIK-HINDIK na kautusan kase sa police laban sa WAR on DRUGS ni panggulong Digong eh pawang RHETORICAL (bombastic) lamang at hindi FACTS.
In science, if you say something that you know is not true, it's pretty much a career-ending move, and that's the way it used to be in politics.
Pero mula no'ng maupo si Digong bilang panggulo eh nagkaHETOT-HETOT na ang takbo ng gobyerno and you now see the difference between a SCIENTIFIC FACT and a POLITICAL FACT.
POLITICAL FACT (war on drugs) is something people (BOBOtantes) become convinced of, but which IS NOT actually true, 'di ba, Sec PaAndaran?

Friday, November 4, 2016

JUSTICE, NOT TECHNICALITIES

Halimbawang MANAIG ang mga Marcos na mailibing si FM sa LNMB batay sa pasya ng SC, it will be a fitting symbolism of our return to totalitarianism.
Kung UUKILKILIN mo kase, bakit pilit na ipinupursige ni Meldita, mga anak, at alipores (kasama si Digong) na ilibing si FM sa LNMB?
Eh samantalang well afford naman si Meldita na ipagpagawa si FM ng mosoleum o kaya'y monumento nito sa Batac, Ilocos Norte where FM can be visited or adored like a saint, o, 'di ba?
Tingnan mo, kung sa LNMB ililibing si FM, he is the only ONE (who is not a hero) among many TUNAY na heroes, patriots, ex-presidents, and so therefore run the risk of his tomb being desecrated or vandalized precisely because of this controversial issue, o, intiende?
Pero nagpupumilit pa rin ang mga Marcos sa kanilang PALUSOT because they want to REWRITE HISTORY porke plano nilang makabalik sa Malakanyang sa pamamagitang ng tulong ni panggulong Digong, o, 'di ba Bongget?

Wednesday, November 2, 2016

PDIGZ: THE RAIN MAKER

Masalimuot ang iyong PAUTOT, Sec PaAndaran, porke ang iyong panggulong Digong is not a 'rainmaker' but a 'death maker' - o, hah!
Kung si PDigz eh rainmaker 'gaya ng pamboBOLA mo then let him fill the drying up dams with adequate water so the people do not have to rationed.
'Tsaka kung totoong tagapagtanggol ('ikamo) si PDigz ng mga mahihirap eh bakit ang mga pinatitigok niyang tulak at adik na pawang de-baril daw ng PALTIK eh pawang mahihirap laban sa Police/KaTROPA ni Gen Bato?
Sa halip na arestohin ng Police ang mga tulak at adik at dalhin sila sa rehabilitation eh 'nakipagbarilan' umano sila porke nahuli sila sa aktong nagsa-shaboggg DAW.
Alam mo, Sec PaAndaran, you can employ hyperBOLA (deliberate exaggeration used for effect) only to a certain extent para PABANGUHIN ang iyong god PDigz na sinasabi mong saviour ng Pinoy?
Hindi saviour ang iyong god PDigz, bagkos, he is the scourge (HUMAHAGUPIT) sa 85 million plus na Pilipino porke patuloy nang nawawala ang value ng Phl PESO at nagiging KENKOY money na ito dahil sa kagaguhan ng diyos mo, KINGINANIU!!!

Tuesday, November 1, 2016

THE RAMOS FACTOR

Using all capitals, Ramos argued that:
IT IS CLEAR ENOUGH (AND SHOULD BE READILY UNDERSTOOD BY LEADERS) THAT THE PARIS AGREEMENT DOES NOT IMPOSE EMISSION REDUCTION ON THE PHILIPPINES. SHOULD ANY COUNTRY DECIDE TO EVENTUALLY BECOME A PARTY TO THE AGREEMENT, IT WILL ONLY BE ASKED TO SUBMIT ITS NATIONALLY DETERMINED CONTRIBUTIONS, WHICH ARE ESSENTIALLY SUCCESSIVE 5-YEAR CLIMATE PLANS THAT WE CAN DETERMINE ON OUR OWN, ACCORDING TO OUR NATIONAL CIRCUMSTANCES, DEVELOPMENT GOALS, AND DOMESTIC CAPACITY.
In other words, President Duterte misunderstands the Paris Agreement. And ex-president Ramos has had enough.
Parang mga natubigang PALAKA ang mga SHIBBOLETH (trolls of PDigz using cuss-words and insults a la Mocha) para maliitin ang PASARING ni ex-Pres TABAKO vs PDigz.
Malaki ang aming PANANALIG, kasama ang 80% sa 101.5M Pilipino, na KAKAMPIHAN ng AFP si Tabako kung magkakaron ng SIGALOT sa pagitan ng YELLOWTARDS at DUTERTARDS sa walang pakundangang EJKs ng PNP/kaTROPA ni Gen Bato laban sa tulak at adik sa droga w/o DUE PROCESS OF LAW!