Wednesday, November 23, 2016

COPS DEEP INTO ILLEGAL DRUGS - KERWIN

Why are the over righteous Dutertards keep repeating this all started under PNoy, when everybody knows this started way way back...like in the time of the Marcoses.
Back then, wala pang shabu. Cocaine ang uso. Dami nang mga durugista at tulak noon pa man. Kaya nga uso mga term na ganja, praning, amats, etc.
It carried all the way after EDSA. Maraming yumaman na druglords na nga na nag retire at naging legal ang businesses, o kaya naging mga pulitiko.
1990s, nagkaroon ng mga maraming rapes at massacres sa Marikina. Mga durugista ang mga kriminal. Yung anak ni Justice Teehanke noon, bangag din nang barilin si Maureen Haltmann at mga kaibigan niya. At siyempre pa, mga anak ni Enrile na sina Jackie at Katrina.
Malalim na problema na hindi masosolusyunan ng EJK at pagtuturo lang, kundi reporma hindi lang sa police force kundi sa buong bansa din.
Reporma ba ang kamay na bakal? Hindi. Reporma eh ang pagsunod sa batas, pag improve ng crime fighting and investigations, forensics at procedures, tamang proseso sa pagpili ng mga recruits, tamang sweldo at benefits, etc. Hindi iyang EJK/salvage, fake evidences at pananakot.
Reporma sa bansa, eh yung ituro ulit sa mga kabataan kung ano tama at mali - pati na rin sa mga matatanda na walang natutuhan. Tulad ng presidente natin. Bastos, walang galang sa babae, palamura, etc. Huwag papatay, huwag magnanakaw. Basic na basic pero hirap na hirap tayo na sundin bilang isang lipunan.
By the looks of it, things will only get worse with this regime. Sila mismo ilegal mga ginagawa, kaya para lang tayong nanonood ng mga kriminal laban sa ibang mga kriminal.
(By: Danilo Puyat - Disqus)

No comments:

Post a Comment