WALK FOR LIFE ang tema ng rally na idinaos sa Rizal Park Ground, harap ng Quirino Grandstand sa Luneta no'ng 18 February 2017 (Saturday) bilang paggunita sa People Power (PP) no'ng February 1986 sa EDSA, QC.
Kagaya ng PP noong 1986 na ipinatawag noon ni Jaime Cardinal Sin sa mga Katoliko at Kristiyano, ang Walk for Life sa Luneta eh bilang PAGTUTOL sa nagbabadyang pagbaba ng MARTIAL LAW ni panggulong Digong at patuloy na EJKs at corruption sa 3 branches of government, the Executive, Legislative and the Judiciary!!!
Pinangunahan ng iba't-ibang Dioceses mula sa Region 1 hanggang Region 4 ng mga LAYKO ang rally upang iparamdam sa gobyerno ni Digong na posibleng MAULIT ang PAGPAPATALSIK ke diktador Ferdinand Marcos sa katauhan ngayon ni Digong sa pamamagitan ng PEOPLE POWER!!!
Nagdarasal ng Rosaryo sa stage (Rizal Park Ground) habang nagsasagawa ng WALK FOR LIFE ang mga raliyista, kumanan at tinahak ang Parade Ave sa harap ng Quirino Grandstand, kumanan sa Katigbak Drive sa harap ng Manila Hotel, kumanan sa Roxas Blvd at muling kumanan sa Kalaw Ave (South Blvd) para bumalik sa Rizal Park Ground.
Nag-umpisa ang WALK for LIFE ganap na 5:00 AM ngunit hindi pa natatapos hanggang 7:00 AM kahit umaambon na dahil sa punong-puno ng raliyista ang kabuuan ng Rizal Park Ground.
No comments:
Post a Comment