Saturday, June 17, 2017

AFTER 5 DAYS, DIGONG APPEARS IN PUBLIC

Sa nakalipas na 5 araw eh hindi maitatanggi ng Malakanyang na SUPER MAJORITY sa mga Pilipino eh merong HAKA-HAKA (supposition) na nasa malubhang kalagayan si Digong at malamang na siya eh MATUTULUYAN NA!
Pero napawi lahat ang mga haka-hakang ito sa muling paglitaw sa publiko ni Digong kahapon, partikular sa 4th Infantry Div sa Butuan City, at nagbiro pa siyang hindi totoong siya'y nasa COMA, kundi siya'y nasa kanyang KAMA (bed) lamang, see?
"If you can't find me after 5 days, that means I'm dead, so you swear in VP Leni Robredo. What's your problem? There is a Vice President." - ayon pa sa paliwanag ni Digong.
Hindi kaya ito'y isang PSYWAR para ke BBM - application of psychology, especially to the manipulation of MORAL in time of war - eh kase, KINAKALAMPAG na ni BBM ang SC, kasabay ng 'pagkakaratay' ni Digong, para siya ang PAUPUIN bise presidente at papalit, batay sa Consti, sa MATITIGOK na presidente?
Maliwanag na NAPIKON si Digong sa aksiyong ito ni BBM, o, 'di ba?

No comments:

Post a Comment