Saturday, March 9, 2019

"MAHIRAP KAYO? PUTANG INA, MAGTIIS KAYO SA HIRAP AT GUTOM, WALA AKONG PAKIALAM!" - DIGONG


ANA: "INUUKILKIL (keep asking) ko sa sarili ko anong klaseng mala-demonyong kapangyarihan ba meron itong si Digong bakit niya NAPAG-ISA (sa isip, sa salita, at sa gawa) ang mga pinaka-SUKAB (treacherous) na MANDARAMBONG sa kaban ng bayan; ang dinastiyang Marcos, Arroyo at Estrada?"

LISA: "Ay ako alam ko ang sagot d'yan, andali-dali lang. Eh kasi nga, gustong ipakita ni Digong at PATUNAYAN nito sa tatlong pamilya na kapwa niya mandarambong, na mas daig niya silang tatlong dating OPPRESSORS (mapang-api) porke kayang-kaya niyang IBALIK sila sa kalaboso (Imelda, Ate Glu at Erap) kung sila'y SASALUNGAT, sa halip na suportahan siya bilang TYRANT TO RULE US ALL."

CION: "Oy makinig kayong mabuti. Merong nagbulong sa'kin na AARESTOHIN NA ng ICC si Digong bago sumapit ang petsa Marso 17, 2019 at ang magsasagawa ng pag-aresto eh ang mismong AFP. Walang pagtataguang lugar dito sa Pilipinas si Digong maliban sa Mindanao, otherwise, lumuhod siya sa mga insektos para itago siya sa China. Walang SAGABAL NA UUPONG PRESIDENTE si VP Leni bilang legally presidential successor. MABUHAY ANG BAGONG PANGULO LENI ROBREDO!!!

Note: Itong post na'to ang huling ANA/LISA/CION na posted ko sa aking blogsite noong March 9, 2019 at 12:26 AM bago ito nawala (o baka na-hacked?) pero na-recovered ng aking apo - BUTI NA LANG.

Saturday, March 2, 2019

ESTOPPEL


ESTOPPEL means a legal bar to alleging or denying a FACT because of one's own previous action or words to the contrary.

ANA: "Alam mo ba 'day na mismong ang napaka-tatalinong reelectionist senators, 'gaya nina KOKOTE Pimentel at Sonny ANGARApal ng team insektos ni Digong, eh TUMATANGGING makipag-debate vs MATH GRAD (Macalintal, Aquino, Tanada, Hilbay, Gutok, Roxas, Alejano, Diokno) dahil UMIIWAS silang MAUNGKAT sa debate ang TRAIN LAW 1 & 2 authored by ANGARApal, Pimentel, Binay, Villar, Ejercito & PoeTA?"

LISA: "Eh pa'no kase ESTOPPEL sila dahil hindi nila kayang ipagtanggol ang ginawa nilang Train Law sa debate na ipinatupad ni Digong at labis-labis na nagpapahirap ngayon sa kabuhayan ng bawat Pilipino sa buong bansa porke aabot na hanggang ALAPAAP ang presyo ng mga bilihin habang bumababa naman ang presyo ng shabu dahil sa over supply at 'BUMABAHA' nationwide, ayon sa PDEA report, at siempre pa eh wala ring tigil ang TOKHANG OPNS ng pulis, noh!!!"

CION: "Malaki ang tama mo r'yan, Lisa babe, kaya ayaw na ring ISABAK ni Sara ang kanyang hugpong ng panggagaGO (HNP) vs MATH GRAD kaya UMATRAS si Sara sa una nilang kasunduang magkaroon ang magkabilang panig ng PUBLIC DEBATE SANA sa Plaza Miranda dahil a la palenke raw ang Plaza Miranda na pagdarausan sana ng debate. Kung gusto raw ng debate ng MATH GRAD vs HNP eh humanap daw ang una ng neutral na organisasyon para mamahala sa debate - ang COMELEC mismo - pero sumawsaw na si Digong at TUMANGGI sa debate - AYOSSS!!!"

Friday, March 1, 2019

DIVIDE AND RULE


ANA: "Ako eh hindi naniniwalang ang majority voters eh mga estupido't uneducated KUNO, kasi bakit si Digong daw ang ibinoto nila noong 2016 presidential elections, sa halip na si Mar, para bagang sila'y kusang lumusong daw noon sa KUMUNOY under Digong admin ngayon, see?"

LISA: "Objection! Sa totoo lang 'day, ang majority voters eh HINDI ibinoto si Digong noh, dahil sadyang HINATI-HATI lang ng Digong trolls, sa tulong ng China at Russia, at hindi na ito lingid sa kaalaman ng Pilipino porke muling UMAANDAR ang makinaryang ito ni Digong sa nalalapit ng midterm elections sa Mayo, ang DIVIDE AND RULE!"

CION: "Me tama ka r'yan, Lisa babe! So kelangang maging aktibo ngayon ang majority voters, partikular ang mga millennials at senior citizens, para sama-samang IBOTO ang MATH GRAD ng Otso Diretso sa Senado at doo'y daratnan nilang 8 ang apat pang nakaupong senador, sina Pangilinan, Drilon, Hontiveros at ang nakakulong na si Sen De Lima, upang sila na ang magiging MAJORITY para maibalik ang LAKAS at AWTORIDAD sa taong-bayan (DEMOCRACY) na pinaghaharian na ngayon ng diktaturya (de facto) under Digong gov't."