ANA: "Hayan, aprobado na ng US Congress porke pinayagan ang Sikorsky ang offer nitong bentahan at insegidang ide-deliver nila ang 6 ARMED BLACK HAWK ATTACK HELICOPTERS para pang-WARFARE ng Philippine Air Force."
LISA: "Ay uh-unga 'day. 'Buti pa ang Philippine Air Force at magkakaroon ng Sikorky attack helicopters na installed ng war armaments at handang makipag-bakbakan vs China's PLA, hindi tulad ng bagong Philippine Navy MISSILE FRIGATE (warship) BRP Jose Rizal porke walang nakakabit na armaments, ang mahal pa naman ng acquisition - P15.5 Billion."
CION: "Pa'no kasi eh gustong palitan ang original armaments na dapat ma-install sa warship eh hindi naman match ang ipapalit, so hindi na lang pinalagyan ng armas - missile frigate na WALANG MISSILE - pero tinanggap na rin ng Philippine Navy ang delivery ng BRP Jose Rizal sa seremonyang ginanap noong June 15, 2020 na dinaluhan ni DND Sec Delfin Lorenzana."
No comments:
Post a Comment