Monday, October 12, 2020

"SABAH IS NOT A FINANCIAL PROBLEM BUT AN AREA WE MUST RECLAIM FROM MALAYSIA" - DFA SEC TEODORO LOCSIN JR

 ANA: "Bilib din ako sa tapang porke talagang MASIGASIG si DFA Sec Teddyboy Locsin na bawiin ang Sabah (former North Borneo) na illegal na inaangkin ng Malaysia at tinanggihan pa umano ni Teddyboy ang alok na SUHOL sa kanya ng Malaysian government to drop Sabah claim, aba eh, si Teddyboy lang yata ang bukod-tanging sekretaryo ng Digong admin na hindi mahilig sa lagay, eh ano sa palagay n'yong mga DDS - ANBILIBABOL (unbelievable)???"

LISA: "Ay ako, bilib ako sa tapang ni Teddyboy, kase nga'y LEGAL DOCUMENTS ang kanyang 'sandata' para bawiin ang Sabah sa pamamagitan ng UN ARBITRATION, hindi kagaya noon ni diktador Ferdinand Marcos (Jabidah massacre on March 18, 1968) na nag-recruit ng mga kabataang Muslim mula sa Mindanao at dinala sila sa Corregidor at sikretong pinag-training para LUMUSOB AT AGAWIN ang Sabah from Malaysia, pero IBINISTO ni Sen Ninoy Aquino (tatay ni PNoy) ang masamang balak ni Marcos, kaya pina-MINASAKER (massacred) na lang lahat ng tatay ni BBM ang mga recruits at pinaanod sa dagat, pero merong isang nakaligtas at nagBULGAR ng kademonyuhan ng tatay ni BBM, see???"

CION: "Hindi puedeng itanggi kasi ng Malaysia na isang British business company ang orig and has entered a contract to Sultanate of Sulu, NOT Malaysia, at siempre, iyong British company ang nagbabayad ng RENTA sa Sabah habang ang Malaysia eh COLONY pa noon ng Great Britain, pero noong LIBERATED na ang Malaysia from Great Britain eh ITINUTULOY HANGGANG NGAYON ng Malaysia ang kada taon na pagbabayad ng renta sa Sabah sa Sultanate of Sulu thru the Philippine Embassy - so makinig kayo, mga DDS, ang Sabah eh sakop ng Pilipinas, intiendes???" 




No comments:

Post a Comment