Sunday, May 16, 2021

"OPEN AKO SA LAHAT NG OPTIONS" - VP LENI

ANA/LISA/CION

Ni: Leo Paras

Puede bang hintuan na ng oposisyon ang bickering at hintayin ang resulta ng ginagawa ng 1Sambayan para pag-isahin ang lahat ng oposisyon laban sa gobyernong Digong sa darating na 2022 national elections?

Nakalulungkot dahil ngayon pa lang eh bakit tila hindi na nagkakasundo na pag-isahin ng 1Sambayan upang magkaroon ng matibay na coalition ang oposisyon bilang SANDIGAN para masiguro ang panalo laban sa grupo ni Digong?

Sino ba kasi ang NANGGAGATONG para sumiklab ang tila iringan ngayon nina VP Leni at exSenTri?

Nanindigan si VP Leni na bukas siya sa posibleng pagtakbo sa darating na eleksiyon sa 2022, pero sinabi niyang masyado pang maaga para intindihin ang politika lalo't nasa gitna pa rin ng #COVID-19 pandemic ang Pilipinas, 'tsaka bawal pang talaga ang mangampanya ngayon pero nagsasabit na ng tarpolina (Run Sara Run) sa buong bansa ang kampo ni Digong, o hah!!!




Monday, May 10, 2021

COMELEC URGES VIGILANCE AGAINST 'NO-ELECTIONS' SCENARIO IN 2022

ANA: "Siniguro ng COMELEC na hindi mangyayari ang pinalulutang ni 7hr glitch senaTONG & 1st caregiver bonggaGo na ang national elections for 2022 is to be postponed dahil sa covid-19 pandemic, but Comelec warned the public against politicians, partikular sa House of RepresentaTHIEVES, who would push for such agenda, sa halip na mag-file sila ng IMPEACHMENT for treason against Digong???"

LISA: "Ayon nga ke Comelec spokesperson James Jimenez eh hindi naman daw kelangang IPATUPAD (to exercise) Comelec's power to suspend elections dahil sa covid-19 pandemic na idinadahilang bagay din ni bonggaGo kung kaya't he is pushing for a 'no-elections' scenario sa utos ni Digong batay sa impluwensiya ni Xi Jin Ping? - MALAMANG!!!"

CION: "Kung ako ang tatanungin eh posibleng hamunin din ni chicken-out Digong ng debate si James Jimenez at i-delegate ito ke spookinang rokwe sa paksang - pushing for 'no-elections' scenario - but whether or not a 'no-elections' scenario is likely to happen, sabi naman ni Jimenez (we are very firmly in the 'IT IS UNLIKELY TO HAPPEN' category), o spookinang rokwe, kaya mong makipag-debate ke Jimenez? - SAGOT!!!"


Saturday, May 8, 2021

QUALIFICATION - an ability, quality, or attribute, esp. one that fits a person to perform a particular job or task

ANA: "Dito sa Pilipinas eh ano ba ang qualifications ng mga pulitiko na gustong kumandidato sa pinaka-mababang posisyon na Barangay Kagawad o sa pinaka-mataas man na posisyon na pangulo ng bansa batay sa Constitution, ha?"

LISA: "Ang alam ko eh, basta lang marunong kang magbasa at sumulat kahit hindi ka nakapag-tapos ng high school sa iyong pag-aaral, kagaya ng isang boksingerong naging senador, eh pupuedeng kumandidato bilang pangulo ng bansa, o BAKIT???"

CION: "Naku, puede pala ang ganon, eh kaya pala kagyat na sumalang noon sa interpellation si 7hr glitch sen bonggaGo after his privilege SPITS, by Sen Drilon, pero HINDI ALAM ang isasagot sa mga tanong ni Sen Drilon, samantalang degree holder si bonggaGo kumpara ke sen pakyu, kung gayon, QUALIFIED lang pala para sa appointment si bonggaGo as 1st caregiver ni Digong, kagaya rin ng mga retired generals na pulos graduates sa PMA, therefore, super qualified din sila bilang 'aso-aso' ni Digong na PINALALAMON NG KUWARTA, burp, busog-busog!!!"


Monday, May 3, 2021

ON THE ISSUE OF WEST PHILIPPINE SEA

ANA: "Noong kampanyahan ng 2016 presidential election sa SPITS ni Digong, bilang presidential candidate, nangako siya - (Pag ayaw nila, I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratly, Scarborough, bababa ako, sasakay sa jet ski, dala-dala ko yung flag ng Pilipino at pupunta ako sa airport nila, tapos itanim ko then I would say - 'this is ours and do what you want with me' - I would stake that claim)."

LISA: "Ay siyanga, pero iba naman ang statement ni Digong kahapon, May 3, 2021 - (I never, never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China. I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that is a very serious matter) - lahat KABALIKTARAN ng pangako ni Digong noong April 24, 2016, o hah!!!"

CION: "Alam na lahat ng Pinoy, pati na mga kaalyado niyang dds, ang tunay na KOSTUMBRE ni Digong bilang panggulo - SIRA-ULO, gayumay pilit pa ring pinakakalat sa taumbayan Digong's false notion that China is in control of the West Philippine Sea and so nagreresulta ito ng obstacle to the ENFORCEMENT of the Philippines' victory in the arbitral court na ATIN ANG WPS, soberanya ng bawat Pilipino!!!"