ANA/LISA/CION
Ni: Leo Paras
Puede bang hintuan na ng oposisyon ang bickering at hintayin ang resulta ng ginagawa ng 1Sambayan para pag-isahin ang lahat ng oposisyon laban sa gobyernong Digong sa darating na 2022 national elections?
Nakalulungkot dahil ngayon pa lang eh bakit tila hindi na nagkakasundo na pag-isahin ng 1Sambayan upang magkaroon ng matibay na coalition ang oposisyon bilang SANDIGAN para masiguro ang panalo laban sa grupo ni Digong?
Sino ba kasi ang NANGGAGATONG para sumiklab ang tila iringan ngayon nina VP Leni at exSenTri?
Nanindigan si VP Leni na bukas siya sa posibleng pagtakbo sa darating na eleksiyon sa 2022, pero sinabi niyang masyado pang maaga para intindihin ang politika lalo't nasa gitna pa rin ng #COVID-19 pandemic ang Pilipinas, 'tsaka bawal pang talaga ang mangampanya ngayon pero nagsasabit na ng tarpolina (Run Sara Run) sa buong bansa ang kampo ni Digong, o hah!!!
No comments:
Post a Comment