Sunday, April 8, 2012

Magka-iba ang Military sa Politics

'Yung linya ni Sen Honasan eh "intelligence and shooting war" at hindi politics.

Ang kanyang utak-militar eh huwag niyang ipasok sa usaping pang-politika.

Gustong mangyari ni Honasan na gayahin ni Corona ang kanyang ginawa noong pangunahan nito nang ilang beses ngunit palpak niyang coup d' etat.

Bilang isang PERFIDIOUS eh akala marahil ni Honasan wala na ang stigma ng atraso niya sa bayan sa pamamagitan ng "expanding presumption of innocense to presumption of honor" para kay Corona.

Hindi opprobrious ang Madlang Osyosero't Balayag (MOB) sa kasong kudeta ni Honasan na ibinotong senador pero iba ang impeachment trial ni Corona porke ginawa pa nitong kasangkapan ang kanyang pamilya sa "pangungulimbat" sa kaban ng bayan.

Papaano matutulungan ni Honasan si Corona na ilihim sa buong mundo ang pagnanakaw na ito ng huli, ipawalang-sala siya ng IC?

No comments:

Post a Comment