Nahataw mo, 'ika nga, ang ulo ng pako laban sa ipokritong politiko na nagkukunwaring mga relihioso.
Sariling kapakinabangan lang talaga ang malinaw na dahilan upang ipaabot "thru advertisements" sa kanilang constituents ang kanilang marubdob na pagka-relihioso.
Ang sinusungkit ni vice prez Jojo Binay eh maging susunod siyang presidente ng bansa kaya siya nagpapaka-ipokritong banal.
Kagaya rin ng sinusungkit ni Pacman na bukod sa AFP reserve officer, congressman, world boxing champion, TV host, eh, "nagpapanggap" naman siyang preacher ngayon upang "exempted" sa pagbabayad ng buwis 'gaya ng mga "sekta-ni-kulapu."
Ibig sabihin, pera at pera pa ang tanging inaasam na pakinabang ng "kaipokritohang 'yan" porke pinaglololoko nila ang taong-bayan gamit ang kanilang pagka-sikat na politiko cum relihioso.
No comments:
Post a Comment