Tuesday, May 8, 2012

MEDIA, NAGKAMPI-KAMPI NA RIN RE: NAIA BRAWL

ANA: "Uy!!! Sikat na sikat si Ramon Tulfo sa buong Phl dahil sa hitsura nitong a la ensemadang Malolos na binudburan ng ketsup matapos siyang magulpi sa NAIA  nang tadyakan si Claudine, alam mo?"

LISA: "Oo nga. Pero kahit papano, may kakampi rin siya sa Media, 'gaya ni Star columnist Jarius Bondoc. Gayunman, ang nanay daw mismo niya eh hindi raw nagustuhan yung pagbabanta vs Raymart/Claudine ng 3T (3-Tunggak?) niyang kapatid na sobrang maangas. Pakiramdam nila eh 'di sila tinatablan ng hiya sa kapal ng apog na nakapulapol sa pagmumukha nila, 'di ba?

CION: "Ewan ko lang, pero ang pakiramdam ko eh sisibakin sa Channel-5 'yang mga bastos na 3T, samantalang sa tingin ko'y pinag-iisipan na ng PDI na sibakin na rin si Mon Tulfo. Bakit? Kasi, intolerable na ang kahihiyang AC/DC na ginagawa niya gamit ang kanyang column sa diyaryo."  

No comments:

Post a Comment