Monday, May 14, 2012

NAKAHANAP NG KATAPAT

ANA: "Giniba ni Omb Conchita Morales ang pader ng depensa ni Rene Corona ng ilantad nito sa IC ang mahigit 80 bank accounts in US$ ng chief justice. Ayon sa Omb eh dumami ang bank accounts sa iba't-ibang banko na pawang naka-pangalan kay Renato Coronado Corona."

LISA: "Ay, oo nga. Hindi napigil ni Atty Cuevas ang pagladlad ng pandora's box ng Omb. Noong 2002 habang SC asso justice pa lamang si Rene eh nagbukas ito ng $ account sa isang BPI branch pero dumami pa kalaunan ang mga bank accounts na ito sa iba't-ibang branch ng BPI hanggang 2010 kung kaila'y ginawang CJ ni GMA si Rene."

CION: "Pero maingat na hindi lalampas sa limit ang $ deposit sa bawat account sa pamamagitan ng deposit-withdraw ng halos araw-araw kada account, ayon kay Morales. Tiyak na hindi magagampanan ni Rene ang magdeposit-withdraw sa 81 banko everyday kung kaya may isang tao na gumagawa nito para sa kanya. Tauhan kaya ni GMA?"

No comments:

Post a Comment