Sunday, September 30, 2012

"IT DOES RILE, EN OR OTHERWISE"

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng rile, alam mo?"

LISA: "Ay, an'dali-dali naman ng tanong mo. RILE means to annoy or anger, irritate."

CION: "Eh 'yung english word na EN, ibig sabihin naman eh put in or on. So, kung pagsasamahin mo ang EN at RILE, ibig sabihin - (patuloy na binabastos ni Enrile ang Pinoy), intiende?"  

Saturday, September 29, 2012

POSTURES OF POWER

ANA: "Bakit na-censor ng Disqus 'yung comment ni Sir Leo hinggil sa column ni Randy David, entitled, Postures of Power? Meron bang kinalaman ang bagong cybercrime law?"

LISA: "Oo nga 'day. Kasi, ibinida kasi ni Sir Leo na hinuli at ikinulong noong martial law sa Camp Crame ng Metrocom ang isang grupo ng League of Filipino Students (LFS) na nagtitipon sa UP at nakasama ang kanyang pamangkin na babae na graduating sa kanyang kurso sa darating na buwan ng Marso bilang cum laude."

CION: "Sumulat ang ate ni Sir Leo at inihatid ng personal ni Sir Leo kay Defense Minister JPE ang sulat na masidhing nakikiusap na payagan sanang maka-attend ng graduation rites ang kanilang pamangkin. Pinayagan namang makalabas sa kulungan ng Metrocom ang pamangkin sa utos ni JPE, samantalang ang mga kagrupo nito eh inilipat (DAW) ng kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig, ngunit lahat sila eh NAGLAHO na parang bula hanggang sa ngayon. Edad 51 na ang pamangkin ni Sir Leo at kasalukuyang mayor ng isang bayan sa Nueva Ecija."

Friday, September 28, 2012

WHO WILL STAND BY HEIDI?

ANA: "Si Packman an'daming koleksiyon ng sapatos a la Imeldita pero 'di man lang niregaluhan noon si dating DILG Sec Jesse para 'wag nang palaging naka-tsinelas, alam mo 'yon?"

LISA: "Oo nga eh. Kasi kapag naka-tsinelas ka lang, eh malamang na 'di ka kukumpirmahin ng Commission on Appointment (CA), 'gaya ng ginagawa nila ngayon kay COA Comm Heidi, o, 'di ba?"

CION: "Kung naka-tsinelas lang pala si Comm Heidi dahilan para HINDI siya kumpirmahin ng CA eh ipaglalaban siya ng mga SAKA-SAKA na ka-grupo ng Mob Rally na pawang naka-tsinelas!!!"  

Thursday, September 27, 2012

CYBERCRIME LAW ILLEGAL

ANA: "Kung hindi babawiin ang approval ng RA 10175, posible bang makasuhan din ng LIBEL ang lahat-lahat na nagdedebate rito sa DISQUS?"

LISA: "Ay, malamang. Kasi naman si Tito Sen napikon yata na SINOTTO (plagiarized) lang daw niya ang madamdamin niyang privilege speech sa Senado hinggil sa RH bill porke inuulan siya ng batikos sa internet."

CION: "Kaya siguro nagpursiging maige si Tito Sen na isulong ang RA 10175 para malagyan ng zipper ang bibig ng mga nagdedebate rito sa DISQUS, kaya naman matinding nag-iingay ngayon ang mga hackers. Pakiusap lang, ITIKOM ANG BIBIG. Translation sa salitang ingles - PUT TONGUE IN A NEW !!!"

Wednesday, September 26, 2012

STORIES, POWERFUL WAY TO MAKE THE PAST PRESENT

ANA: "Meron bang subject sa school na nagtuturo sa pupils hinggil sa history ng martial law?"

LISA: "Pa'nong maituturo sa mga students ang history ng martial law eh buhay pa ang mga CULPRITS at hanggang sa ngayon eh namamayagpag pa rin sa kapangyarihan?"

CION: "Gumawa na lang ng sine ang ISKUL BUKOL produced ni Tito Sen at si Bongbong sa papel ng amang si FM at Bong Revilla sa papel na JPE, o, bongga, 'di ba?" 

Monday, September 24, 2012

FLAG CEREMONIES INSPIRE PATRIOTISM

ANA: "Sa desisyon mismo ni Justice Carpio noong March 25, 2009 eh puedeng sampahan ng administrative case ang sinomang gov't employee ang AYAW magpartisipa sa Flag Raising Ceremony tuwing Lunes."

LISA: "Eh sino kaya ang mangangahas na magsampa ng reklamo vs Carpio porke tatlong beses na itong AYAW mag-attend ng flag raising ceremony sa SC, meron ba?"

CION: "Tunay na PATRIOTIC kung sinoman ang magsasampa ng complaint laban kay Carpio, kagaya ni JPE, na patriotic para sa paghahati-hati ng Camarines Sur sa utos ni GMA, 'di ba?" 

SUB ROSA

ANA: "Medyo nakakabawi na sana si JPE sa kanyang AMBUSH ME role re: Martial Law, eh bakit sumawsaw na naman siya at PINAGDIRINGAS ang hidwaang Phl vs China sa West Phl Sea?"

LISA: "Nagawa ni JPE na isiwalat ang SIKRETO (sub rosa) ng bansa para lang mawala ang atensiyon ng Pilipino sa ibinulgar ni Trillanes porke HINAHATI ni JPE ang Camarines Sur sa utos ni GMA !!!"

CION: "Samakatwid, si JPE ang tunay na TRAYDOR at hindi si Trillanes, gano'n ba?"

Sunday, September 23, 2012

JPE, TRILLANES, NAGPAPATAASAN NG IHI?

ANA: "Sabi ni CDQ kapag dyuminggel umano ng sabay-sabay ang isang bilyong Tsekwa sa West Phl Sea eh dadapurakin daw ang Pilipinas ng tsunami9. Totoo kaya 'yon?"

LISA: "Sa na eh magsakripisyo para sa Pilipino sina JPE at Trillanes na tumayo sa scarborough shaol para hintaying hampasin sila ng tsunami ng ihi ng Intsik mula Tsina, para tuluyang malunod sila, o, 'di ba?"

CION: "Sa palagay n'yo ba eh isasakripisyo nina JPE at Trillanes ang kanilang sarili para maging bayani at sumisid at huwag ng lumutang pa sa tsunami ng ihi ng Tsekwa para lang sagipin ang scarborough shaol?"

Saturday, September 22, 2012

CAMSUR IS ANOTHER ISSUE

ANA: "Ano ba'ng dahilan kung bakit napalaot ang isyu ng pinag-aagawang West Phl Sea/South China Sea?"

LISA: "Pa'no kasi eh sadyang NILABUSAW ni JPE sa Senado na animo siya a la Buteteng-Laot para tuluyan niyang maipalaot at matakpan ang EXPOSE ni Sen Trillanes re: Nueva Camarines."

CION: "Mapang-LABUSAW talaga ng isyu ang ugali ni JPE porke hanggang ngayon eh AYAW aminin nito na GAWA-GAWA lamang nila ni FM ang (ambush-me) noong September 21, 1972 dahilan para ibaba NILA ang martial law sa Phl. TIKOM din ang kanilang bibig sa tunay na isyu hanggang sa paghahati-hati ng CamSur pabor kay GMA. TONGUE-IN ANEW !!!" 

Friday, September 21, 2012

TRAITOR

ANA: "Sa tingin mo, sino kina Senators Enrile at Trillanes ang traydor sa Bayan, ang beterano o ang bagito?"

LISA: "Para sa akin, ang TRAYDOR sa Bayan eh naging alipin ng traydor ding mga dating presidente."

CION: "Tumpak ka r'yan 'day. Si Enrile kasi eh naging ALIPIN nina FM at GMA, samantalang si Trillanes eh kaibigan naman ni PNoy, o, 'di ba?"

Thursday, September 20, 2012

JPE: AMBUSH WAS STAGED BY MARCOS

ANA: "Sinulat ni FM sa kanyang diary, 9:55 pm Sept 22, 1972 - (Sec Juan Ponce Enrile was ambushed near Wack-Wack at about 8:00 pm tonight. It was a good thing he was riding in his security car as a protective measure. This makes the martial law proclamation a necessity.)"

LISA: "Noong 1986 Edsa People Power, inamin ni JPE na KUNWARI lang ang pag-ambush sa kanya ng rebelde o komunista sa intensiyong papaniwalain ang Pilipino para sugpuin ang panggugulo ng mga rebelde o mga komunistang ito sa buong bansa."

CION: "Kung gano'n, dapat pa bang paniwalaan si JPE sa bintang niya ngayon kay Sen Trillanes na isa umanong traydor ito o kaya naman eh totoong LACKEY ngayon ni GMA si JPE 'gaya ng alipin din siya noon ni Marcos?"    

PA'NO BA ANG TUNAY NA PILIPINO?

ANA: "Pa'no mo ba mapatutunayan ang isang tunay na Pilipino, SLANG kung makipag-debate sa salitang ingles at GARIL kung managalog, hah?"

LISA: "Peke lahat 'yang mga hindurupot na 'yan, porke, itinatago ang pagkakakilanlan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga aliases, o, 'di ba?"

CION: "Ang tunay kasing isyu sa Trillanes-Enrile word war eh 'yung paghahati sa probinsiya ng Cam Sur, hindi ang kung sino ang nagmamay-ari ng West Phl Sea/South China Sea. Twang-ina n'yo!!!"

TEST CASE

ANA: "Wento ng wento, wala namang wenta. Kasi, wala ring ebidensiya, o, 'di ba?"

LISA: "Sana, sampahan ka, Mon Tulfo, ng cyber crime ni Mrs. Gutierrez bilang buena-mano sa bagong batas na masi-sentensiyahan. Naku, maraming masisiyahan, promis."

CION: "Kunin mong defense lawyer si Midas Marquez kung kaya ng budget mo. Pero kung hindi naman, gatasan mo muna 'yung mga baka mo. Hindi ka ba sinusuwag ng mga 'yan?"

Wednesday, September 19, 2012

TRILLANES WALKED-OUT OF THE SENATE

Ang laro talaga ni Lolo JPE, magmula pa noong martial law, eh DIVIDE AND RULE. Ngayon ang tamang panahon para mapatunayan kung epektibo pa rin ang ralong ito ni JPR re: Nueva Caceres. Pupusta ako pabor kay Trillanes !!! Bet?

Monday, September 17, 2012

PNOY, CREATOR AND PROTECTOR OF PUNO?

ANA: "Ano ba sa tagalog ang salitang INSINUATION, as in, insinuation ni Brenda Mage?"

LISA: "An'dali-dali 'di mo alam? Ang ibig sabihin eh - mga PAUTOT ni Brenda Mage !!!"

CION: "Korek kayo kapwa r'yan mga amiga. 'Yun kasing insinuation o pautot ni Brenda eh pulos butata ang STORYLINE, ayon kay CDQ. So, 'yung halimuyak na taglay ng utot ni Brenda, eh todo-buelta at DINAPURAK mismo siya para singhuting mag-isa niya. Gusto marahil ni Brenda na ipamalas sa mga Pinoy, na komo dati raw siyang RTC Judge, eh dapat na maniwala ang Pinoy sa mga pautot niya a la mga ANAK-NG-TUPA na kakatayin sa matadero. Hellowww?!!!" 

Sunday, September 16, 2012

AN OPEN MIND OR A MIND TO OPEN?

Ang barbarian eh isang klase ng tao na sadyang SUMASALUNGAT sa kaugalian at kulturang kinagisnan ng lipunan.

Isa siyang untutored at laging laban o bawi sa pagsunod sa demokratikong rules and regulations.

Siya ang balimbing na trapo na iba ang sinasabi kesa ginagawa.

Matanda man o macho, pangit o guapo, bading o tibo, laos o sikat na trapo ('gaya ni Brenda Mage), lahat sila eh bibinyagan ko ngayon ng titulong KGG, as in KAGULANG-GULANG na Barbaro o Barbara, depande sa gender.

Kagaya nga ni Kgg. Brenda na isang certified barbarian at trapong laos na deserving sa onorableng titulo na KGG !!!

Ang tinutumbok kasi ng bagong pautot ni Kgg at barbaric Brenda sa mga Pinoy eh CREATOR and PROTECTOR umano si PNoy ni DILG Usec Rico Puno, kaya ito nagpatawag ng Senate hearing para makapag-promote and grandstanding!!!

Una, pina-ikot ni Kgg Brenda ang tri-media upang i-pick up ang misfired nitong sarsuela dubbed as (Senate Hearing) in aid of legislation vs Puno, pero walang mailabas na ebidensiya. Nakanang-ina.

Papatulan talaga siya ang aking tatlong CHIX para sila na mismo ang magpapa-amoy kay Kgg Brenda ng bulok niyang utot.

Kesehodang ang bantot ng utot ni Kgg Brenda na isang certified barbara eh tatalakayin ng aking tatlong chix.

Masiguro ko lang na si Kgg Brenda rin ang SISINGHOT sa alingasaw ng kanyang utot na ginagamit pa ang Senado sa kanyang pansariling interes.

ANA: "Ay naku!!! Napipikon na ba si Sir Leo sa mga pautot ni Kgg Brenda?"

LISA: "May tama ka 'day. Ngayon lang naglitanya ng ganyan si Sir Leo."

CION: "Pa'no kasi, ayaw buksan ni Kgg. Brenda ang kianyang isipan porke gusto niyang tumahak lagi sa ZIGZAG na daan, getz mo 'yon?"  


   

Thursday, September 13, 2012

PROSECUTONG SA RIZAL PROVINCE at sa DOJ?

ANA: "Ano na ba ang nangyari sa isinampang kaso ng EXTORTION noong May 13, 2010 ni Sir Leo vs a tripartite ng subdivision developer, pekeng homeowners association at ang mismong Manila Water sa Taytay? Hanggang sa kasalukuyan kasi eh patuloy pa nilang KINOKOTONGAN ang mga lehitimong homeowners."

LISA: "Ano pa, eh di, IBINASURA ng humahawak na fi(x)cal ang kaso kapalit ng isang brandnew car ng tomboy na prosecuTONG. Nag-file ng Petition for Review si Sir Leo sa DOJ noong July 11, 2011 pero DISMISSED dahil sa technicality (read: PALUSOT), ni Prosecutor General Claro A. Arellano at promulgated nito noong January 30, 2012."

CION: "Ang BABAW ng dahilan ni ProGen Arellano - (A perusal of the petition shows that complainant-appellant failed and (sic) attach to petition, a legible true copy of the complaint and counter-affidavits, which is in violation of Section 5 of the aforesaid Department Circular). MAGKANO kaya ang dahilan, Sec De Lima, madam?"    

Sunday, September 9, 2012

ONE STEP BACKWARD, TWO STEPS FORWARD

ANA: "Ang mga palakang maliliit ang utak at mga palakang malalake ang utak eh pare-parehong palaka-rin. Lumalakad habang kokak-ng-kokak, 'di ba?"

LISA: "Ibig mo bang sabihin eh ang palakang maliit at ang palakang malake eh PALAKARIN? Ano ba talaga ang palalakarin, hahatiin o pag-aawayin ang dalawang paksiyon ni PNoy sa politika?"

CION: "Pero 'di pangkaraniwan ang desisyon ni PNoy porke hindi halata at hindi masakit na SINIBAK sa kanilang mga posisyon sina Puno at Bartolome. Ang Puno-Bartolome tandem eh puedeng iimbistigahan ni Sen Miriam na walang SAGABAL o impluwensiya mula sa tandem, o, 'di ba?"

Saturday, September 8, 2012

SPECULATION

ANA: "Ang dami na namang ispekulasyon o nagmumuni-muni para ISANGKOT si PNoy sa umano'y (unique if not scandalous authority) ni Usec Rico Puno."

LISA: "Korek ka r'yan 'day. Parang natubigang palaka ang oposisyon porke pilit na pinagsasabong ngayon ang dalawang paksiyon na ka-grupo mismo ni PNoy."

CION: "Eh, oras na marahil para BITAWAN ni PNoy si Puno. Hindi sa kinakampihan ko si Sen Miriam pero wala pang ebidensiyang lumalantad eh matindi na ang ispekulasyong si Puno eh isang IMBUDO ng makapangyarihang grupo. SINO?"

Thursday, September 6, 2012

TITLE BY PRESCRIPTION OF LANDED PROPERTY

ANA: "Oy, 'lam mo 'ga, lubhang nakababahala na ang kamandag ng BALIKATAN, ang land grabbing syndicate na merong proteksiyon ng National Home Mortgage Finance Corp (NHMFC) president, Jopet Sison, vs 52,000 legitimate HOMEOWNERS nationwide. Kasi, pati ang Korte, eh tila baga KINAKASANGKAPAN na rin ni JOPET?!!!"

LISA: "Oo nga 'day. Biruin mong nakipag-debate si Sir Leo kahapon sa mismong mga taga-Register of Deeds - Binangonan, Rizal, porke ayaw ng RD na mai-rehistro ni Sir Leo ang kanyang Sworn Statement for Adverse Claim para sa kanyang property for 12 years, dahil LIS PENDENS (under Court jurisdiction) na raw ito in favor of BALIKATAN, ang property na kini-claim niya thru TITLE BY PRESCRIPTION (Title acquired by use and time, the uninterupted POSSESSION of the property over a stated period of time after which a TITLE is acquired). MINISTERIAL ang function ng RD para sa registration ng documents, 'di ba?"

CION: "Tsaka, tinanong pa ng RD si Sir Leo kung abogado raw ba siya, eh hindi naman, pero ng magpakilala siyang isang hamak na BLOGGER lamang na mahilig mag-research sa internet, aba'y kagyat na pinayagan siyang magbayad ng ASSESSMENT FORM AND PAYMENT ORDER with OR # 1003560313 in the amount of Php 516.32 only. Batay sa batas, within a 30-day period after payment, eh magkakaroon ng ISSUANCE from the RD of new Transfer Certificate of Title (TCT) in the name of the new owner. SANA, MAGSILBING GUIDE ITO NG MGA BIKTIMANG 52,000 HOMEOWNERS NATIONWIDE VS BALIKATAN!!!"

     





Wednesday, September 5, 2012

A LA XEROX MACHINE

ANA: "Hindi ba kapag pina-xerox mo ang isang original copy eh medyo malabo at maitim ang lalabas sa machine na kopya ng sineroks?"

LISA: "May tama ka r'yan, 'ga. Medyo malabo at maitim na ang hinaharap ngayon ni Tito Sen sa politika porke sa bansag sa kanyang graduate sa Iskul-Bukol."

CION: "Pa'no kasi, ang kinokopyahan (xerox machine) noon sa Iskul-Bukol ni Tito Sen eh ang classmate niyang si Mon Tulfo. Sila ngayon eh tuturingan ngayong plagiarizer and envelopmental in-tandem, o, bagay 'di ba?"

Tuesday, September 4, 2012

"SOBRA NAMAN, BAGSAK NA 'YONG TAO TINATADYAKAN PA"

ANA: "Meron bang pagkakaiba sina Ferdinand Marcos, Joseph Estrada at Gloria Arroyo na pawang mga naging presidente ng PHL?"

LISA: "Meron! Si Ferdie eh sobrang tuso, si Joseph eh sobrang bobo, at si Gloria eh sobrang garapal. Resulta? DINUGAS nilang kuarta hindi makita !!!"

CION: "Kung gano'n, kung bagsak na si Corona dahil sa sobrang tadyak, IGAROTE na lang siya at isama sina TAX EVADERs Gloria Kintanar, Macario Gaw, Jr., at ang mag-asawang Jacinto Ligot para magsama-sama ang mga sobra-sobra."

Monday, September 3, 2012

BALIKATAN, A LA HUNYANGO, PINALALAYAS 52,000 HOMEOWNERS


BALIKATAN, A LA HUNYANGO, PINALALAYAS 52,000 HOMEOWNERS
Ni: Leo Paras

Ang Balikatan Housing Finance Incorporated (BHFI) ay a la HUNYANGO, porke kilala rin ito sa tawag na BALIKATAN, BFS, o kaya ay BAHAY FINANCIAL, ay pinatatakbo ng kumpanyang DB Global Opportunities (DBGO) at kabalikat naman ni Joseph Peter Sison, isa umanong pulpol na politikong talunan na taga-QC at itinalaga noon ni Ate Glo bilang President ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), isang gov’t owned and controlled corp (GOCC) na GATASAN daw ng GMA Administration.

Ang kutsabahang ito ng BALIKATAN at ng NHMFC ay labis na nagpatindi sa aburido ng 52,000 lehitimong HOMEOWNERS na nag-avail ng housing loans thru Pag-IBIG Plan sa buong bansa, ayon sa Committee on Housing and Urban Development ng House of Reprsentatives, for your info, Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ma’am, please.

Ang modus-operandi ng kutsabahang ito, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ma’am, ay katulad din ng kawalang-hiyaan ni Delfin Lee na kinulimbat at itinakbo ang P7 bilyon ibinayad sa kanya ng PENSION FUNDS, namely, the HDMF, SSS, and GSIS.

Kabaliktaran sa ginawang pandurugas ni Delfin Lee na pina-okupahan muna ang brandnew low cost housing units nito sa mga kaluluwa ng patay (fictitious) for record purposes para lang makasingil, ay PINALALAYAS naman ng BALIKATAN, o ng BFS, o kaya ay ng BAHAY FINANCIAL, sa pamamagitan ng HARASSMENT para itaboy ang 52,000 legitimate Homeowners sa kani-kanilang mga hinuhulugang bahay sa buong bansa, Mr. PNoy, sir, ng walang kaukulang Court Order porke hindi raw sila nagbabayad ng kanilang housing loans. UTANG NA NAMAN!!!

Pero kung hindi matinag at merong resistance ang homeowner sa mga harassment sa kanila para hindi mapalayas sa kanilang housing-unit, ay magbabago ng istilo ang Balikatan. Gagamit ito ng lakas-ng-impluwensiya (read: under-the-table) para lagyan ng ANNOTATION ang Titulo ng property, ‘gaya mismo ng pambibiktima sa amin, ayon sa sumusunod:

                “Entry No. 2012000398                                                  January 13, 2012  2:27 pm
               
          CERTIFICATE OF SALE : ISSUED BY THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL   COURT,
ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC. AS THE
HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129.36 SUBJECT TO REDEMPTION
WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF
REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE
DATED JULY 22, 2010.

Federico M. Cas
Registrar of Deeds”

Batay sa batas, hindi kailanman maaaring isubasta ang isang propiedad kung bayad ang amilyar ng housing unit sa huling sampung-taon at tinitirhan mismo ng homeowner. Bagkos, qualified na ang homeowner, (by adverse possession), para sa karapatan (right) na mailipat ang Titulo sa kanyang pangalan sa pamamagitan ng TITLE BY PRESCRIPTION. Ang adverse possession ay isang legal process para sa issuance ng bagong Transfer Certificate of Title mula sa Register of Deeds (RD) ng isang propiedad.

                Sec. 3. (2nd sentence) Sale of mortgaged property; effect.
                “X-x-x. Such sale shall not affect the rights of persons holding prior 
                encumbrances upon the property or a part thereof, and x-x-x.” 
               (Rule 68, RULES OF COURT)

Ngunit ilan lang kaya sa 52,000 homeowners sa buong bansa na kagaya namin ang nakakaalam na na-under-the-table na pala ang kanilang tinitirhang bahay ng BALIKATAN at kakutsaba nito ang Treasurer’s and Assessor’s Offices, BIR, RTC at mismong LRA? Magugulat na lamang sila porke tatanggap sila, after a period of one year, ng Foreclosure Order mula sa Korte. Kasunod noon ay parang mga dagang ipagtatabuyan ng Sheriff ang Homeowner mula sa kanyang bahay. Hay, juice koh, Tang inumin n’yo!!!

Noon kasing panahon ni Presidente Erap bago siya ma-impeach ay itinalaga nitong chairperson ng HUDCC si Madam Leny de Jesus. Natuklasan ni Ms. Leny ang talamak na kurakutan sa housing loans ng mismong mga taga-NHMFC. Kaya naman nagpaimbistiga at ipinatigil INDEFINITELY ni Ms. Leny noong 2000 ang paniningil ng monthly amortization sa mga homeowners na unang nag-avail ng housing loans. Karamihan sa mga nangutang ng pabahay ay mga OFWs, itinuring na mga bayaning GINAGATASAN ng gobyernong Arroyo, alam mo ba ‘yon, JOPET?

Mr. Federico Cadiz, Jr., sir, bilang vice-president and director ng BHFI, BALIKATAN, BFS o BAHAY FINANCIAL  (pawang mga aliases), sino ba ang presidente ng inyong conglomerate, si Joseph Peter Sison ba? Umiiwas ba ang inyong conglomerate sa demanda porke ayaw n’yong ipakilala ang inyong BIG BOSS sa DBGO sa 52,000 Homeowners na pinag-lololoko n’yo sa buong bansa? Nag-iingat ba kayong baka matulad kayo kay Delfin Lee na wala ngayong MASULINGAN sa ilalim ng kasalukuyang PNoy Administration?

Huwag kayong magmaang-maangan o magbalatkayong a la hunyango na pabago-bago ang kulay. Mula dating kulay dolyar ay nag-kulay dilaw naman kayo ngayon,depende sa panahon, ‘di ba?  Huwag din kayong laging tikom-ang-bibig sa ginagawang imbistigasyon laban sa inyo ng Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives, ano huh? 

Baka nga pala hindi n’yo naiintindihan ang salitang tagalog na TIKOM-ANG-BIBIG, ay isasalin ko ito sa salitang ingles para maintindihan n’yong maige. PUT TONGUE-IN ANEW !!!





Sunday, September 2, 2012

WHAT IS YOUR STYLE?

ANA: "Hoy Tonto, magtisnelas ka!!!"

LISA: "Bakit, may Lone Ranger bang naka-tisnelas?"

CION: "Meron, si Jesse."