BALIKATAN, A LA HUNYANGO, PINALALAYAS 52,000 HOMEOWNERS
Ni: Leo Paras
Ang Balikatan Housing Finance Incorporated (BHFI) ay a la
HUNYANGO, porke kilala rin ito sa tawag na BALIKATAN, BFS, o kaya ay BAHAY
FINANCIAL, ay pinatatakbo ng kumpanyang DB
Global Opportunities (DBGO) at kabalikat naman ni Joseph Peter Sison, isa umanong pulpol na politikong talunan na taga-QC
at itinalaga noon ni Ate Glo bilang President ng National Home Mortgage Finance
Corporation (NHMFC), isang gov’t owned and controlled corp (GOCC) na GATASAN daw
ng GMA Administration.
Ang kutsabahang ito ng BALIKATAN at ng NHMFC ay labis na nagpatindi
sa aburido ng 52,000 lehitimong HOMEOWNERS na nag-avail ng housing loans thru
Pag-IBIG Plan sa buong bansa, ayon sa Committee on Housing and Urban
Development ng House of Reprsentatives, for your info, Chief Justice Ma. Lourdes
Sereno, ma’am, please.
Ang modus-operandi ng kutsabahang ito, Ombudsman Conchita
Carpio-Morales, ma’am, ay katulad din ng kawalang-hiyaan ni Delfin Lee na kinulimbat
at itinakbo ang P7 bilyon ibinayad sa kanya ng PENSION FUNDS, namely, the HDMF,
SSS, and GSIS.
Kabaliktaran sa ginawang pandurugas ni Delfin Lee na
pina-okupahan muna ang brandnew low cost housing units nito sa mga kaluluwa ng
patay (fictitious) for record purposes para lang makasingil, ay PINALALAYAS
naman ng BALIKATAN, o ng BFS, o kaya ay ng BAHAY FINANCIAL, sa pamamagitan ng
HARASSMENT para itaboy ang 52,000 legitimate Homeowners sa kani-kanilang mga
hinuhulugang bahay sa buong bansa, Mr. PNoy, sir, ng walang kaukulang Court
Order porke hindi raw sila nagbabayad ng kanilang housing loans. UTANG NA
NAMAN!!!
Pero kung hindi matinag at merong resistance ang homeowner
sa mga harassment sa kanila para hindi mapalayas sa kanilang housing-unit, ay
magbabago ng istilo ang Balikatan. Gagamit ito ng lakas-ng-impluwensiya (read:
under-the-table) para lagyan ng ANNOTATION ang Titulo ng property, ‘gaya
mismo ng pambibiktima sa amin, ayon sa sumusunod:
“Entry No. 2012000398 January
13, 2012 2:27 pm
CERTIFICATE OF SALE : ISSUED BY
THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL COURT,
ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC. AS THE
HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129.36 SUBJECT TO REDEMPTION
WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF
REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE
DATED JULY 22, 2010.
Federico M. Cas
Registrar of Deeds”
Batay sa batas, hindi kailanman maaaring isubasta ang isang
propiedad kung bayad ang amilyar ng housing unit sa huling sampung-taon at tinitirhan
mismo ng homeowner. Bagkos, qualified na ang homeowner, (by adverse possession), para sa karapatan (right) na mailipat ang Titulo sa kanyang pangalan sa pamamagitan
ng TITLE BY PRESCRIPTION. Ang
adverse possession ay isang legal process para sa issuance ng bagong Transfer
Certificate of Title mula sa Register of Deeds (RD) ng isang propiedad.
Sec. 3. (2nd sentence) Sale
of mortgaged property; effect.
“X-x-x. Such sale shall not affect the rights of persons holding prior
encumbrances upon the property or a part thereof, and x-x-x.”
(Rule 68, RULES OF COURT)
“X-x-x. Such sale shall not affect the rights of persons holding prior
encumbrances upon the property or a part thereof, and x-x-x.”
(Rule 68, RULES OF COURT)
Ngunit ilan lang kaya sa 52,000 homeowners sa buong bansa na
kagaya namin ang nakakaalam na na-under-the-table
na pala ang kanilang tinitirhang bahay ng BALIKATAN at kakutsaba nito ang Treasurer’s
and Assessor’s Offices, BIR, RTC at mismong LRA? Magugulat na lamang sila porke
tatanggap sila, after a period of one year, ng Foreclosure Order mula sa Korte. Kasunod noon ay parang mga
dagang ipagtatabuyan ng Sheriff ang Homeowner mula sa kanyang bahay. Hay, juice
koh, Tang inumin n’yo!!!
Noon kasing panahon ni Presidente Erap bago siya ma-impeach ay itinalaga nitong chairperson ng HUDCC si Madam Leny de Jesus. Natuklasan ni Ms. Leny ang talamak na kurakutan sa housing loans ng mismong mga taga-NHMFC. Kaya naman nagpaimbistiga at ipinatigil INDEFINITELY ni Ms. Leny noong 2000 ang paniningil ng monthly amortization sa mga homeowners na unang nag-avail ng housing loans. Karamihan sa mga nangutang ng pabahay ay mga OFWs, itinuring na mga bayaning GINAGATASAN ng gobyernong Arroyo, alam mo ba ‘yon, JOPET?
Noon kasing panahon ni Presidente Erap bago siya ma-impeach ay itinalaga nitong chairperson ng HUDCC si Madam Leny de Jesus. Natuklasan ni Ms. Leny ang talamak na kurakutan sa housing loans ng mismong mga taga-NHMFC. Kaya naman nagpaimbistiga at ipinatigil INDEFINITELY ni Ms. Leny noong 2000 ang paniningil ng monthly amortization sa mga homeowners na unang nag-avail ng housing loans. Karamihan sa mga nangutang ng pabahay ay mga OFWs, itinuring na mga bayaning GINAGATASAN ng gobyernong Arroyo, alam mo ba ‘yon, JOPET?
Mr. Federico Cadiz, Jr., sir, bilang vice-president and
director ng BHFI, BALIKATAN, BFS o BAHAY FINANCIAL (pawang mga aliases), sino ba ang presidente
ng inyong conglomerate, si Joseph Peter
Sison ba? Umiiwas ba ang inyong conglomerate sa demanda porke ayaw n’yong
ipakilala ang inyong BIG BOSS sa DBGO sa 52,000 Homeowners na pinag-lololoko
n’yo sa buong bansa? Nag-iingat ba kayong baka matulad kayo kay Delfin Lee na
wala ngayong MASULINGAN sa ilalim ng kasalukuyang PNoy Administration?
Huwag kayong magmaang-maangan o magbalatkayong a la hunyango
na pabago-bago ang kulay. Mula dating kulay dolyar ay nag-kulay dilaw naman
kayo ngayon,depende sa panahon, ‘di ba? Huwag din kayong laging tikom-ang-bibig sa ginagawang imbistigasyon laban sa inyo ng Committee on Housing and Urban Development ng House of
Representatives, ano huh?
Baka nga pala hindi n’yo naiintindihan ang salitang tagalog
na TIKOM-ANG-BIBIG, ay isasalin ko ito sa salitang ingles para maintindihan
n’yong maige. PUT TONGUE-IN ANEW !!!
No comments:
Post a Comment