ANA: "Bakit na-censor ng Disqus 'yung comment ni Sir Leo hinggil sa column ni Randy David, entitled, Postures of Power? Meron bang kinalaman ang bagong cybercrime law?"
LISA: "Oo nga 'day. Kasi, ibinida kasi ni Sir Leo na hinuli at ikinulong noong martial law sa Camp Crame ng Metrocom ang isang grupo ng League of Filipino Students (LFS) na nagtitipon sa UP at nakasama ang kanyang pamangkin na babae na graduating sa kanyang kurso sa darating na buwan ng Marso bilang cum laude."
CION: "Sumulat ang ate ni Sir Leo at inihatid ng personal ni Sir Leo kay Defense Minister JPE ang sulat na masidhing nakikiusap na payagan sanang maka-attend ng graduation rites ang kanilang pamangkin. Pinayagan namang makalabas sa kulungan ng Metrocom ang pamangkin sa utos ni JPE, samantalang ang mga kagrupo nito eh inilipat (DAW) ng kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig, ngunit lahat sila eh NAGLAHO na parang bula hanggang sa ngayon. Edad 51 na ang pamangkin ni Sir Leo at kasalukuyang mayor ng isang bayan sa Nueva Ecija."
No comments:
Post a Comment