Friday, November 30, 2012

PLUTOCRACY

ANA: "Sa palagay ko, walang sobreng tinanggap si mareng Winnie sa kolum niyang ito mula sa mga plutocra(Z)y, does that strike a chord somewhere?"

LISA: "Bakit, ano ba kasi ang ibig sabihin ng PLUTOCRACY, dahilan para mapabilang daw ang Pilipinas sa WNF (Why Nations Fail) na topic ni mareng Winnie?"

CION: "Plutocracy means the RULE or CONTROL of society by the wealthy. Ngayon, sino ba ang ruling classes sa Pinas, 'di 'yung mga elected officials? It's the POLITICS, STUPID !!!"  

Wednesday, November 28, 2012

AVARICE MEANS EXTREME GREED FOR RICHES

ANA: "Bakit ba tinawag ni CDQ ang Simbahang Katoliko na avarice? Marami bang stock ng nabubulok na bigas ang mga obispo at pari 'gaya ng NFA?"

LISA: "Hindeee! Ang salitang avarice eh wikang ingles na ang ibig sabihin sa tagalog eh SUWAPANG. O, ngayon, alam mo na?"

CION: "May tama kayo, 'day. Bukod sa namumuwalan sa kayamanan ang Simbahang Katoliko mula sa koleksiyon ng abuloy, TAX FREE, eh gusto rin nilang kasing kapangyarihan din ng gobyerno. Mga suwapang talaga, 'di ba?"

Tuesday, November 27, 2012

GET WISDOM AND INSIGHT

ANA: "Saang eskwelahan ba ang may offer na kursong Wisdom and Insight major in Politics, meron ba?"

LISA: "Ay. ambopols mo 'day, 'lam mo 'yon? Ang wisdom o talino, kusang umuusbong sa utak ng tao habang tumatanda siya, samantalang ang insight, is the ability to perceive clearly or deeply, intiende?"

CION: "Korek kayo r'yan, 'ga. Sila yung karaniwan at maralitang Pinoy na meron daw mababang IQ, ayon kay Brenda Mage, na gusto nitong ma itsa-puwera na bomoto sa eleksiyon, porke mga BOPOLS na 'gaya ni Ana?"   

C A, ANAK NG PORTUGUESE KA !!!

ANA: "Ay, anong klaseng TOKWA ba 'yan! Magkanong dahilang bakit pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang arrest warrant ng magkapatid na Reyes na umano'y murderers?"

LISA" :Talagang 'di matatawarang makamandag pa rin ang majority ng CA Justices na pawang appointed ni Ate Glo, o, 'di ba? Tulad ni suspected plunderer Ben Abalos, bukod sa pinag-piyansa, eh bakit pinayagan din ng Korte na mag-abroad?"

CION: "Siempre, parang mga retired generals ni Ate Glo 'yang mga huwes na hunghang, a la boy scout na pinaghahandaang maige ang kanilang pagreretiro sa pamamagitan ng BRIBE MONEY bilang pabaon, o, 'di ba?"

Monday, November 26, 2012

CUT OFF THE HEAD, THE BODY DIES

ANA: "Parang hawig kay Joker ang mga pahiwatig ngayon ni CDQ porke 'di kailanman umano matatapos ang kaso ng Maguindanao Massacre na tila ba isang baby na hinihele-hele ng Korte?"

LISA: "Ay, nakana mo 'ga. Hangga't 'di pinaiiral ng Korte ang suhestiyon ni CDQ na (cut off the head, the body dies), eh patay-na-lahat ang mga akusado, abogado, huwes after 200 years, pero 'di pa rin matatapos ang kaso?"

CION: "Bakit hindi tularan ng Korte ang ipinairal ng Senate Impeachment Court noon laban sa Corona Impeachment? ENSIGIDA nilang sinibak si Rene bilang CJ to (stop the shenanigans of the chief justice, you stop the shenanigans of the courts), o, 'di ba?"

Sunday, November 25, 2012

THE BRAINS

ANA: "Andaming napabilib ni Sen Joker sa ideya niyang dapat unahing litisin ng Korte ang mga utak sa Maguindanao massacre, grabe!"

LISA: "Hmmm, puede, puede. Kaya lang, kung ipatutupad ang ganitong regulasyon sa prosecution, eh dapat parehong ipatupad din ang ganire sa Ombudsman, 'di ba?"

CION: "Korek kayo 'day, ang gleng-gleng n'yo. Sige, unahing litisin ang pamilya ni Arroyo (hindi si Joker) bilang brains sa pangungulimbat, ang mag-anak na mga pluderers na sina Mike, Gloria at Mikee, go, go, goooo!!!" 

Saturday, November 24, 2012

IFFY (maraming kondisyones)

ANA: "Ang legal definition ng Ministerial Duty, ayon kay ex-CJ Art, is - A simple, definite duty. Pero bakit IFFY? dangan kasi - if the law imposes a duty but gives the officer (upon whom it is imposed) the right to decide HOW or WHEN it shall be performed, the duty is discretionary and NOT ministerial."

LISA: "Gano'n? Hay juice koh, TANG inumin n'yo, mga pulpolitiko! Mob Rally na 'toh!"

CION: "Yes! Mob rally ito sa internet a la Obama winning the election, 'tsaka kung pa'no nabakbak ang kunyapit ni Rene Crown as CJ eh dahil din sa social media, o, 'di ba?" 

Friday, November 23, 2012

MINISTERIAL DUTY

ANA: "Ang sabi ni mareng Winnie, ang ibig sabihin ng ministerial duty eh - a simple and definite duty, imposed by law - pero, talaga bang nasusunod ito?"

LISA: "Depende, kasi, kinumpirma pa ni mareng Winnie - nothing is left to individual discretion or judgement - 'gaya nga ng kinasangkutan ni Sergio Valencia, na ang function niya eh ministerial duty ang pagsunod nito sa discretion ni Ate Glo, para mangulimbat ng pera mula sa PCSO?"  

CION: "Gano'n naman pala. Eh 'di talagang sangkot nga sa kasong plunder si Valencia, so, anong ipinagsisintir ni mareng Winnie, manipis pa ba ang sobre?"

Tuesday, November 20, 2012

SINOTTO (Sino ito?)

ANA: "Si Neal Cruz eh dating presidente ng National Press Club na kinasuhan sa Korte ang sariling members nito dahil daw sa ibinentang paintings, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan, 'ga. Pero nagka-areglohan din YATA sila matapos merong isingkaw na isponsor para magpamudmod ng makapal-na-sobre sa magkabilang panig kasama ang hoodlum-in-robe?"

CION: "Sino naman kung ganon ang a la alkansiyang isponsor ngayon nina Neal Cruz at Tito Sen na nagpamudmod ng makapal-na-sobre sa magkabilang panig kasama ang imbitadong media para magka-areglohan?"

Monday, November 19, 2012

ISKUL BUKOL STRIVING FOR PASANG-AWA

ANA: "Eh, hindi pa naman tapos ang termino sa senado ngayon ni Tito Sen, kasi, nasa midterm pa lang siya, 'di ba?"

LISA: "May tama ka 'ga, pero, nasa oposisyon siya at siguradong madaramay ang kapwa niyang taga-oposisyon na pasang-awa gradwet din kagaya ni Tito Sen mula sa Iskul-Bukol?"

CION: "Owws? Ibig mong sabihin a la XEROX machine lahat ang political group na kinabibilangan ni Tito Sen kasama si JPE? Hampas-able!!!"

Sunday, November 18, 2012

"IT'S NOT A RIGHT, IT'S OPPRESSION"

ANA: "Bakit ba kasi tila meron kondisyong RIGHT OF REPLY na hinihingi muna bago ipasang batas ang FOI?"

LISA: "Pa'no, andami raw envelopmental reporeters na bukod sa (retained) ng makakapal na sobre eh ang kakapal din ng apog, 'lam mo 'yon?"

CION: "Kung gustong lagyan ng kontrol ng gobyerno ang FOI, lahat ng media profession sa Phl, eh kailangang lisensiyado 'gaya ng lisensiya sa baril? AMEN."

Thursday, November 15, 2012

ADVERSE POSSESSION

ADVERSE POSSESSION: OPEN OCCUPATION OF REAL PROPERTY WITHOUT TITLE OR PERMISSION OF THE PERSON HOLDING TITLE

Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion)   Date: November 16, 2012
oaparagonasaball@gmail.com   cp# 0908 688 4773

Sa porma pa lang ng pinagsanib na DB GLOBAL OPPORTUNITIES at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay kaduda-duda na porke may merger sila noong panahon ni Ate Glo para lang daw mandugas ng mga lehitimong homeowner who had own properties thru adverse possession nationwide?

Ang DB Global Opportunities a.k.a. Balikatan Housing Finance Incorporated (BHFI) or Bahay-Financial or BFS ay isang private company, samantalang ang NHMFC naman ay isang government owned and cotrolled corporation (GOCC). Pinagsama silang a la sindikato para bawiin ang 52,000 housing units mula sa mga lehitimong homeowners sa buong bansa na hindi raw nagbabayad ng hulog sa bahay payable in 30 years?

Kung hindi man nagbabayad ang mga lehitimong homeowners ng kanilang monthly amortization sa Balikatan para sa mga nabili nilang RIGHTS ng low cost housing, ay nagbabayad naman sila ng amilyar kada taon sa Gobyerno, samakatwid, kumikita ang Gobyerno mula sa kanila, 'di ba? 

Labis na iniinda ng 52,000 homeowners nationwide ang epekto ng highway robbery ng sindikato sa kanila, kasabwat ang Register of Deeds (RD), hoodlums-in-robe, BIR, Treasurers' at Assessors' Offices since Ate Glo's Administration, kasi, bakit ayaw umabante ang imbestigasyon ng Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives? MagkANO ba ang dahilan?

Batay sa report posted on the Internet by the House of Representatives, inamin mismo ni Federico Cadiz, Jr., vice president and Director of BHFI, his company's operations: "x-x-x that of the 52,000 accounts under their management, some 47,000 borrowers applied for a loan restructuring through an appraisal-based refinancing. He said that BHFI has initiated the foreclosure of some 9,600 accounts x-x-x" (emphasis mine)

Sinabi pa sa report: "On the other hand, Joseph Peter Sison, president of the NHMFC, explained that the sale of its non-performing loans is part of the overall strategy to rehabilitate NHMFC financially x-x-x the sale involved only the high-delinquency loans composed of some 52,000 units under the Unified Home Lending Program (UHLP) funded by the Pension Funds, namely, the Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Security System (SSS), and Government Service Insurance System (GSIS)." (emphasis mine)

Noong 1990 under Tita Cory's watch, ay boom sale ang low cost housing saan mang dako sa Pilipinas at kada housing unit na biniling hulugan ay inilalagay sa Title ang pangalan ng nakabiling Overseas Contract Workers (OCWs), now, OFWs, pero annotated ng mortgaged ang titulo, sa katumbas na halaga ng biniling property payable in 30 years.  

Ang tanong: Mga totoong tao ba ang OFWs na buyers ng housing units na awtomatikong ipapangalan sa kanila ang Title ng property pero annotated naman ang Title ng mortgaged, sa utos ng sindikato? Ang sagot: HINDI! Kung matatandaan, walang pagkakaiba ito sa pandurugas noon ng bilyon-bilyong piso sa Pampanga ng syndicated estafa convict Delfin Lee, na hanggang ngayon ay nagtatago, 'di ba? 

So, matapos makubra ng Developer mula sa UHLP, a Government entity, ang multi-million pisong bayad sa kanyang proyekto, ay hindi na ngayon makasingil ang Pension Funds mula sa OFWs na nagsibili ng housing units, porke, ginamit lang ang mga pangalan nila, kung totoong tao nga sila, bilang recipients of housing loans by the developer, kagaya nga ng modus-operandi ni Delfin Lee. Samakatwid, peke, porke wala namang aktuwal na tao ang totoong bumili at omokupa sa housing unit(s). Maliwanag na magkaiba ang pekeng original buyer kesa adverse claimant na patuloy na nililigalig ng sindikato.

Ito ang dahilan kung bakit mahigit 90% occupants by adverse possession of low cost housing projects nationwide na pawang biktima ng harassment ay pawang kualipikadong mag-avail ng adverse claim sa ilalim ng SECTION 70, P.D.No. 1529. Heto ang legal meaning ng Adverse Possession: Open occupation of real property without title or permission of the person holding title.   

ANA: "Section 47 ang laging ginagamit na pang-kontra ng RD vs Section 70, para hindi maisyuhan ng new title na tax exemp ang sinomang homeowner na qualified mag-avail nito. Quasi-judicial ba ang RD?"

LISA: "Ganire kasi ang mandato ng Section 47 of PD 1529 - No title to register land in derogation of the title of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession. Ito mismo ang batas o butas na PALUSOT ng RD, ang cheap, 'di ba?"

CION: "Bakit, meron ba kasing derogation, meaning, substantial change of the title with the same technical description, kung ipapangalan ito sa adverse claimant, na totoong tao, ang new title, kapalit ng unang titulo na nasa pangalan ng fictitious owner(s)?"

Emailed for:

     HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

Email forwarded to:

    1. Hon. Leila de Lima
        Secretary, Department of Justice

     2. Hon. Eulalio C. Diaz III
        Administrator, Land Registration Authority

Email posted on the Internet:

     1. leoparas.blogspot.com
     2. facebook
     3. twitter
     4. google

















Wednesday, November 14, 2012

THE REASONS FOR AIRING THE TRIAL ARE LEGION

ANA: "Hindi ba nu'ng impeachment trial ni ex-CJ Crown eh televised ito hanggang sa ibaba ang hatol sa kanya at lumaganap sa buong mundo, IN REAL TIME, informing that CJ was already IMPEACHED by the Senate Impeachment Court?"

LISA: "Oo nga 'ga, kasi, sa halip yatang itim na panyolito ang nakatakip sa mga mata ni Madame Democracy habang tangan ang balanseng timbangan, eh mas mabigat ang timbangan sa kaliwa porke may nakatapal na $ ang kaliwang mata ni Madame DemocraZy?"  

CION: "Ang Senate eh hindi nakayanang ikandado a la PILLORY ang mga camera noong impeachment trial ng isang CJ, eh BAKIT ang SC eh kayang ilagay sa pillory ang Legion, partikular ang MEDIA, para 'di nila monitored ang trial ng Maguindanao massacre?" 

Tuesday, November 13, 2012

PHL, A ROYAL DUMPSITE?

ANA: "Ang Malaysian Glenn Defense eh puedeng ihambing sa isang katulong-sa-bahay ng isang mayaman at tusong amo, 'di ba?"

LISA: "Nakana mo 'ga, kasi, puede ring ihambing ang tusong amo sa (the U S of A) na laging inuutusan ang kanyang katulong-sa-bahay para itapon sa lote ng kapitbahay ang mga nakalalasong basura!"

CION: "Korek kayo r'yan, 'day. Kapag isinumbong ng kapitbahay ang katulong sa kagaguhan nitong pagtatapon ng basura sa kanyang nasasakupang lote, eh,. magkokomento lang ang amo ng (oh, really)?" 

Monday, November 12, 2012

PORK BARREL

ANA: "Anong klaseng ulam ba ang PORK BARREL, kasing lasa ba ng adobong baboy 'yon?"

LISA: "Yaks naman ambopols mo, 'ga. Ang pork barrel eh KADATUNGAN mula sa taxes na pinaghahati-hatian ng mga tongressmen sa house of representathieves para sa kanilang pansariling gastusin. O, getz mo?" 

CION: "Hindi lang sa Lower House meron 'yan kundi kahit sa indibidwal na senatong din, kasi, 'di uusad ang panukalang batas nito kung wala siyang PAMPADULAS na pork barrel. Hangga't merong political dynasty eh 'di mababago ang TRADISYON na 'yan sa dalawang TONGreso, sumpa man!!!"  

Saturday, November 10, 2012

DB GLOBAL OPPORTUNITIES & NHMFC FORMED A SPECIAL PURPOSE COMPANY, THE BHFI, FOR LAND GRABBING?

Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion)   Date: November 11, 2012
oaparagonasaball@gmail.com   cp#0908 688 4773

Sa porma pa lang ng pinagsanib na DB GLOBAL OPPORTUNITIES at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay kaduda-duda na porke nagkaroon sila ng MERGER panahon ni Ate Glo para lamang daw mandugas ng mga lehitimong homeowner who had own properties thru ADVERSE POSSESSION nationwide?

Ang DB Global Opportunities, a.k.a. BALIKATAN or Bahay-Financial or BFS ay isang private company, samantalang ang NHMFC naman ay isang government owned and controlled corporation (GOCC) . Pinagsama silang a la sindikato para bawiin ang 52,000 housing units mula sa mga lehitimong homeowners sa buong bansa na hindi raw nagbabayad ng hulog sa bahay na payable in 30 years?

Kung hindi man nagbabayad ang mga lehitimong homeowners ng kanilang monthly amortization sa BALIKATAN para sa mga nabili nilang RIGHTS ng low cost housing, ay nagbabayad naman sila ng AMILYAR kada taon sa Gobierno, samakatwid, kumikita ang Gobierno mula sa kanila, 'di ba?

Labis kasing iniinda ng 52,000 legitimate homeowners nationwide ang epekto ng highway robbery ng sindikato sa kanila, kasabwat ang Register of Deeds at hoodlums-in-robe, ang BIR, ang Treasurers' at Assessors' Offices, mula pa noong nakaraang administrasion hanggang sa ngayon, porke, bakit ayaw umabante ang imbestigasion ng Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives? MagkANO ba kasi ang dahilan? 

Batay sa report posted on the Internet ng House of Representatives, inamin mismo ni Federico Cadiz, Jr., vice president and director of BHFI, his company's operations: "x-x-x that of the 52,000 accounts under their management, some 47,000 borrowers applied for a loan restructuring through an appraisal-based refinancing. He said that BHFI has initiated the foreclosure of some 9,600 accounts x-x-x."

Sinabi pa sa report, "On the other hand, Joseph Peter Sison, president of the NHMFC, explained that the sale of its non-performing loans is part of the overall atrategy to rehabilitate NHMFC financially x-x-x the sale involved only the high-delinquency loans composed of some 52,000 units under the Unified Home Lending Program (UHLP) funded by the Pension Funds, namely, the Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Security System (SSS), and Government Service Insurance System (GSIS)."

Noong 1990 panahon pa ni Tita Cory, ay merong boom sale ng low cost housing saan mang dako sa Pilipinas at kada housing unit na nabiling hulugan, ay inilalagay sa Title ang pangalan ng nakabiling OFW, pero annotated ng RD ng mortgaged ang titulo sa katumbas na halaga ng biniling property payable in 30 years.

Ang tanong: Totoong tao ba ang mga OFW buyer ng units nationwide, na awtomatikong ipapangalan sa kanila ang Title ng property, ngunit annotated ng mortgaged ng RD, sa utos ng SINDIKATO? Ang sagot: HINDI! Kung matatandaan, walang pagkakaiba ito sa pandurugas noon ng bilyon-bilyong piso sa Pampanga ng syndicated estafa convict Delfin Lee, na hanggang ngayon ay nagtatago, 'di ba?

So, matapos makubra ng Developer mula sa UHLP, a Government entity, ang multi-million pisong bayad sa kanyang proyekto, ay hindi na ngayon makasingil ang Pension Funds mula sa OFWs na nagsibili ng housing units, porke, GINAMIT lang ang mga pangalan nila, kung totoong tao nga sila, bilang recipients of housing loans ng developer, kagaya nga ng modus-operandi ni Delfin Lee. Samakatwid, PEKE, porke wala namang aktuwal na tao ang talagang omokupa sa housing unit(s). Magkaiba ang original buyer kesa adverse claimant.

Ito ang dahilan kung bakit mahigit na 90% occupants by ADVERSE POSSESSION of low cost housing projects nationwide, ay pawang qualified mag-avail ng adverse claim sa ilalim ng Section 70 ng P.D. 1529. Heto ang legal meaning ng Adverse Possession: Open occupation of real property without title or permission of the person holding title. (emphasis mine) 

Ito marahil ang SPECIAL PURPOSE ng DB Global Opportunities (Balikatan) at partner nitong NHMFC sa pangunguna ni dating QC councilor Jopet Sison as president, kaya patuloy na binabale-wala at ayaw ipatupad ng RD ang mandato ng SECTION 70, P.D. No. 1529 (ADVERSE CLAIM)?

ANA: "Ang Section 47 ang laging ginagamit na pang-KONTRA ng RD sa Section 70 (adverse claim) para 'di maisyuhan ng bagong titulo na tax exemp ang sinomang homeowner na qualified mag-avail nito."

LISA: "Ganito kasi ang mandato ng Section 47 of P.D 1529 - No title to register land in derogation of the title of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession." (emphasis ours)

CION: "Meron bang derogation o substantial change sa title kung ipapangalan sa adverse claimant na totoong TAO ang bagong titulo ng lupa kapalit ng naunang Title in the name of FICTITIOUS owner(s)?"

Emailed for:

     HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

Email forwarded to:

     1. Hon. Leila de Lima
         Secretary, Department of Justice
     2. Hon. Eulalio C. Diaz III
         Administrator, Land Registration Authority

Email posted on the Internet at:

     1. leoparas.blogspot.com
     2. facebook
     3. twitter
     4. google











  



















     






    

















Thursday, November 8, 2012

LAND GRABBING BY RICH SYNDICATES

ANA: "Luma na ang isyung sindikato lang ng mayayaman ang nangangamkam ng ari-arian sa Pinas, kasi, Gov't entity na mismo ngayon ang gumagawa ng land grabbing nationwide partikular sa may ADVERSE POSSESSION ng low cost housing projects, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Ang National Home Mortgage Finance Corp. (NHMFC), kasama ang Balikatan, Inc. bilang mga KAPURAL sa land grabbing eh pinalalayas a la iskuwater ang 52,000 legitimate homeowners sa buong bansa sa tulong ng hoodlums-in-robe, Register of Deeds, BIR, Treasurers' and Assessors' Offices, alam mo 'yon?"

CION: "Sinasagkaan ng sindikato na gamitin ng homeowners ang Section 70, P.D. 1529 (Adverse Claim) para HUWAG silang maisyuhan ng titulo, porke, balak noon ng GMA Gov't na BAWIIN lahat ang lupang pinatayuan ng low cost housing projects sa buong bansa, getz n'yo?" 

Monday, November 5, 2012

IMPROPER TIES

ANA: "Bakit, ano ang hindi tama sa ginanap na kasalang Kalaw IV-Villarosa kahapon, nakaposas ba 'yung mga ikakasal?"

LISA: "Nakaposas ba ang intindi mo sa phrase na improper ties? ay, ambopols mo!"

CION: "Malalim at masalimuot ang ibig sabihin ng improper ties, pero ang malinaw, isa itong pagtanaw ng utang-na-loob ng mga Villarosa makalipas MAGHATAG daw para makalabas sa kalaboso si dating Cong Jose sa SC. Hay, talagang ganyan ang buhay, parang life, 'di ba, Robert Q?"

Sunday, November 4, 2012

BAGONG UGNAYANG GAHAMANG ORANGGUTANG KAWATAN

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng Title na pulos merong NG sa dulo?"

LISA: "Acronym 'yan laban sa mga grupo ng dinastiya ng pulpolitiko na nagpapaikot sa Phl, getz mo?"

CION: "Kapag sinulat kasi in cap lettrers ang umpisa kada word ng 5-word sentence ng title eh siguradong censored ang comment nating ito, peksman." 

Thursday, November 1, 2012

UNA's HOLY TRINITY

ANA: "Bakit ba tinawag na holy trinity sina Binay, Enrile at Erap? Sila ba eh mga Santong Pilipino 'gaya ni Santo Pedro Calungsod?"

LISA: "Hay naku, mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo, noh? Bago maging Santo ang isang tao, ang kuwalipikasyon eh dapat munang MAMATAY siya, intiendes?"

CION: "Akala ko bopols ka 'day, 'di naman pala. Ako gusto kong MAGING SANTO sina Binay, Enrile at Erap NGAYON NA kung qualified, o, 'di ba?"