ANA: "Napapanahon ang paghikayat sa media ni PNoy re: (eyes on the ball) para umano pagtuunan ng pansin ng media na matinding UMAARIBA ang spin boys ng mga sinampahan ng kasong plunder na sina onorabol JPE, Junggoy at Amasing Kap, 'di ba?"
LISA: "Ay tumpak na r'yan 'ga. Ito'y para labusawin nila ang isyu ng DAP na kagaya rin daw ito ng PDAF na nagsilbing SABSABAN ng mga legislaTONG mula sa 2 Houses of Congress, peksman."
CION: "Sakto 'yan 'day. Ayon nga ke PNoy eh sinusundan ng masusing imbestigasyon kung saan ikokonekta ang bulto-bultong ebidensiya vs 35 akusado ng plunder buhat sa dinambong nilang P10B halaga ng PDAF mula naman sa sabsaban ni Janet. Inaasahan ng Pinoy na maraming legislaTONG ang makukulong habang-buhay?"
No comments:
Post a Comment