ANA: "Naku naman, 'ala man lamang bang nakaisip at magsingit sa kanilang agenda kung ANO ang magagawang TULONG ng buong Senado re: Bohol Tragedy sa ipinatawag nilang caucus o closed door meeting kahapon?"
LISA: "Eh, trabaho kasi ng executive branch of gov't 'yan! Tingnan mo ang pagsisiga-sigaan ni Sen Junggoy habang nasa closed door meeting na ayon sa report eh binu-bully ang mga kapwa senatong na akala niya eh pawang mga kindergarten students sila, 'di ba?"
CION: "Umuusok siya sa galit, kase, pinasasauli sa kanya 'yung mga HAM sandwiches na dinukwang niya mula sa mga bag ng kaklase niya samantalang naLAMON na niya ito LAHAT-LAHAT! Pa'no nga naman niya maisasauli ang ham kung nabundat na siya, noh?"
No comments:
Post a Comment