Sunday, November 10, 2013

ANARCHY!

ANA: "Naku, hindi na masawata ang mga kababayan nating biktima sa Leyte. Anarchy na kasi ang senaryo ngayon doon, 'lamoba? Sa Tacloban City eh tinamaan sila ng tsunami-like storm surge na apat na metro ang taas. Diyos ko pooo!"

LISA: "Hay, nakakalungkot talaga. Kasi, dahil sa delubyong dulot ng bagyong Yolanda eh nawala rin sa probinsiya ang lahat ng linya ng komunikasyon, elektrisidad, mga naputol na lansangan upang mahiwalay itong tuluyan sa kabihasnan. Nagresulta ito sa pagkagutom kaya nagkaroon ng malawakang looting sa lahat ng dako ng probinsiya!"

CION: "Mabuti naman at maagap din na napigilan ang looting doon ni PNoy bago pa lumala ang sitwasyon porke personal na dumating doon ang Pangulo na dala-dala ang relief goods. Kagyat siyang nag-utos na magpadala ng mga sundalo at pulis sa lugar upang magpatupad ng kaayusan. Tinatayang aabot sa 10,000 ang mga namatay mula sa mga baybayin dahil sa tinangay ng storm surge sa laot."    

No comments:

Post a Comment