Monday, November 11, 2013

RESILIENT

ANA: "Ang word na RESILIENT, ibig sabihin sa Tagalog eh, bumabalik sa dating hugis, hubog, sukat o bigat matapos itong tamaan ng kidlat, tsunami, lindol o ano pa mang Act-of-God. Ang word na ito umano, ayon kay CDQ, ang inihalintulad na salita ni John Kerry, na RESILIENT daw ang 10,000 biktimang Pinoy at madaling maka-recover sa trahedyang idinulot ni Yolanda."

LISA: "Sa palagay ko 'ga eh 'di sinasadyang patutsada lang ni John Kerry tungkol do'n sa tinatayang 10,000 nasawing biktima ng bagyong Yolanda, ke mayaman o mahirap, maliban na lamang kung 'yung mga biktima eh politikong 'gaya nina JPE, Bongbong Marcos, Bong Revilla, Jinggoy Estrada o kaya'y mga may-ari ng Insurance companies, eh tunay na resilient nga siguro sila, 'di ba?"

CION: "Tumpak ka 'day. Gayunman, sana eh magbigay naman ng donasyon ang mga nabanggit mong politiko o negosyante sa mga nasalanta ni Yolanda upang kahit paano'y mailibing ng maayos ang mga nasawi. Ipinakikiusap ko rin huwag na lamang nilang ipaskil sa tri-media ang kanilang gagawing pagtulong in aid of legislation kuno, puede?"   

No comments:

Post a Comment