Sunday, May 31, 2015

PLUNDER RECOMMENDATION VS NOGNOG VERY CONVINCING - SEN SERGE

ANA: "Grabeng HILAKBOT (horror) ang gumigiyagis ngayon sa kampo ni Nognog nang kumpirmahin mismo ni Sen Serge, vice chaiman ng Senate BRsC, na BERI-KOMBINSING na isasadlak sa kalaboso ang mag-amang Nognog at Dayunyor, et al, kapag sinampahan na sila ng plunder case ng OMB sa SB before May 2016 presidential elections, batay sa rekomendasyon ng BRsC, o, ha! Eh pa'no na kaya ang kandidatura ng mag-ama kung sakaling nasa CALABOOSE na sila during the campaign period, ha?"

LISA: "Puede naman 'yon, 'ga. Kung maaalala mo, ang rapist noon ng 12-year old girl na si TONGresman Jaluslos sought reelection at nanalo habang nakakulong at dinidinig ng SB ang kanyang kaso. Gayundin si Sen Sonny, eh nanalo rin bilang senador habang nasa kalaboso sa kaso namang kudeta, o, 'di ba? So, kung tatanungin mo si Nang Si, eh NEVER na nawala ang pag-asa nilang TIYAK na mananalo ang kanyang ama't mga kapatid (Dayunyor at Ube) sa 2016 elections! Kase, paldo-paldo ang pambili sa mga BOBOtantes!!!"

CION: "Ah, hindi kombinsing 'yang paliwanag mo 'day. Tingnan mo, SINAGKAAN (frozen) ng AMLAC kamakailan na mai-withdraw ang P13 TRILLON total deposit sa iba't-ibang bangko ni Nognog at dummies for 6 months, 'di ba? Halimbawang merong UNAng NAIPUSLIT na cash withdrawals for election fund at ITINAGO ang bulto-bultong cash sa Sanchamp property sa Rosario, Batangas, eh hindi na rin magagamit na pambili ng boto ang cash-money. DEMONETIZED na kasi ng Central Bank ang old P1000 bills, Nang Si!"    

Thursday, May 28, 2015

ANTICLIMATIC AFTER 21 'ONE SIDED' HEARINGS

ANA: "Parang nirapok na bulilyo ang nangingintab sa pawis na LIVID (nangingitim sa pasa) na mukha ni Nognog sa TV habang nangangampanya kahapon sa Mogpog, Marinduque matapos ang Senate BRsC hearing na tinutugaygayan ni spookman Joe SalGAGO. Sinabi ni SalGAGO na (anticlimatic after 21 'one-sided' hearings) kuno, dahil (we do not see any impartiality in the Senate and in the Ombudsman). Ang mga paduding na'to mula sa kampo ni Nognog eh para HAMSTRING (to ruin or thwart) ang isipan ng publiko."

LISA: "Uh-unga 'ga. Meron ding GRAFF (magaspang) na pahayag si aTONGni JB Butata sa media after the BRsC hearing at sinabing 'singbigat lang umano ng 'sang rolyo ng TOILET PAPER ang mga tinalakay sa hearing. Pero kita at ramdam ng publiko ang mga pahayag na'to mula sa factotums ni Nognog ang pagka-bahala, peksman! Kase, kumbaga sa sakit na cancer eh nasa stage-4 na ang tinataglay ngayong KIROT ni Nognog at 'di kakasya ang 'sang rolyo ng toilet paper na pang-AMPAT sa tumatagaktak nitong UHOG!"

CION: "Hoy, 'day,'wag naman kayong masyadong sarcastic noh! Pa'no pa makakahanap ng kaTANDEM si Nognog kung walang-puknat n'yo naman binabanatan ang mga TANGApagtanggol nitong sina SalGAGO at Butata? Sabi nga ni Sen Alan after the BRsC hearing kahapon hinggil sa WISHFUL THINGKING ng 2 Nognog factotums - (the BRsC draft report will strengthen the case now pending in the Office of the Ombudsman). O, ha! Nang Si, oke ka lang? Gumamit ka kase ng papaya soap sa paliligo, pampakinis!!!"  

Wednesday, May 27, 2015

UNA EYEING ALLIANCE WITH LAKAS

ANA: "Bukod sa DUMINANTE (DUMI-NAN-TEnga) ni Nognog eh BLITHERING (talking foolishly) na rin siya, o, 'di ba? UNA kase, inalok niya si Pacman para ito makaTANDEM. Next, si Atty Berberabe, tapos nagpalipad hangin din siya ke Sen Poe at ang huli nga eh si Davao meyor Duterte. Pero NASIPHAYO si Nognog sa lahat ng kanyang inalok para maka-tandem niya. Bakit, wala na bang gustong tumayo sa MIRE (burak) na kinatatayuan ni Nognog dahil sa sobrang FETID (mabantot)???

LISA:"Meron! meron! Unang PUMITADA nga kahapon sa media si ex-TONGresman Suarez ng Quezon eh. Sinabi ni Suarez, ex-BAGMAN ni Ate Glo, na posible raw na magsanib ang UNA at LAKAS para sa 2016 presidential elections na magsisilbing parte-parteng SASAKYAN ni Nognog patungong Malakanyang. Puede ring sila ang magka-tandem porke hindi matatawaran ang mga naging KARANASAN nila bilang mga politikong kapwa nagtataglay ng Ph.D. Sila'y eksperto bilang mga Doctors of ANOMALY, o, ha!!!"

CION: "Pa'no ba ang operasyon ng merong Ph.D Anomaly, para bang grupo ito ng Mafia? Puede kayang isama nila sa kanilang senatorial line-up sina doctors JPE, Junggoy, Bobong Revilla? Sina Limlingan, Baloloy Tiu, at Janet Napoles sa parte ni Nognog. Tapos, si ex-CJ Rene Crown, Erap, Tito Sen, Gringo at Lito Lapid sa parte naman ni Ate Glo. Perfect! 'di ba? Sige, pangunahan sana ng mga obese po ang rali sa buong kapuluan ng Pinas, sakay sa kanilang SUV's na regalo sa kanila ni Ate Glo, libre GAStos. AMEN!!!"

Monday, May 25, 2015

SEN ALAN CHALLENGES NOGNOG TO OPEN BANK ACCOUNTS

ANA: O 'yan, panibagong challenge na naman ang hirit ni Sen Alan against Nognog na buksan nito ang kanyang bank accounts. Kase, ITINATANGGI na naman ni Nognog na hindi umano siya mandarambong na 'gaya ni Mkt ex-VM Estong Mercado. Pero 'di niya maipaliwanag kung saan galing ang kanyang P16 BILLION deposits sa iba't ibang bangko na nadiskubre ng AMLC! Umulan ba kase ng kuwarta sa Mkt at nasalo lahat ng dinastiya ni Nognog?

LISA: "Uh-unga 'ga. Magaling gumamit ng QUIBBLE (double meaning) na salita si Nognog para batikusin sa media ang sangkaterbang EBIDENS na nadiskubre ng AMLC at pinagbasehan naman ng CA para maglabas ito ng freeze order laban sa nasabing mga deposito sa bangko ng Nognog dynasty at mga dummies nito. Sabi pa ni Nognog eh kumpiyansa raw siyang i-DEBUNK (pasinungalingan) niya ang AMLC Order tsaka ang panggigipit kuno ng LP laban sa kanya! Gano'n?"

CION: "Meron na kasing premonition (AGAM-AGAM) si Nognog sa kanyang dibdib, kasama ang kanyang mga aboGAGOs, na bago sumapit ang 2016 presidential elections eh puedeng masadlak sa KULUNGAN ang buong Nognog dynasty sa kasong PANDARAMBONG na walang piyansa! Do'n pa lang maliliwanagan ng mga BOBOtantes na 'yung regular na cake, kilo ng bigas at lata ng sardinas na rasyon sa kanila eh STOP na, kase, FROZEN ang pondo! Kung kakampanya pa rin - Nognog-Suarez tandem!"          

Saturday, May 23, 2015

ESTONG MERCADO TO RETURN 'KICKBACKS'

ANA: "Ito na marahil ang pinaka-matinding banat ni ex-VM Estong Mercado vs Nognog. Bukod kase sa infra-projects ng Mkt gov't, 'gaya ng parking building II, Osmak, Umak, etc, eh meron pa rin palang KICKBACKS si Nognog 'tsaka ang Mkt Officials, kasama si VM Estong, ng kabuuang 28%, ayon mismo sa pag-amin ni VM Estong sa PDI! Ultimong garbage collection contracts, ghost employees, local taxes and permits eh palagiang TINATALBUSAN! Dayukdok kang talaga Nognog!"

LISA: "Oke, kung ibabatay sa report ng AMLC, eh merong halagang P16 BILLION ang kickbacks ni Nognog batay sa talaan ng 242 bank accounts in the name of BINAYaran dynasty and dummies! Biruin mo 'yon? Isa sa mga dummies kase ni Nognog eh si VM Estong mismo na merong kabuuang deposit na P80 M! Sinabi ni VM Estong na handa nitong IBALIK ang buong P80 M sa gov't, sabay hinamon niya si Nognog na IBALIK din nito ang P16 BILLION kickbacks sa gov't! O, ha!!!"

CION: "Korek kayo r'yan 'day. Pati kase mga aboGAGOs ni Nognog eh ESTOPPEL sa deklarasyon ni Estong na handa raw nitong ISAULI ng buo ang nakaparte niyang kickback na KAKATITING lamang kung ikukumpara sa P16 B parte si Nognog, o, 'di ba? Ke mag-ingay o manahimik ang mga aboGAGOs hinggil sa isyung kickback, eh maliwanag na maiintindihan na ngayon ng BOBOtantes na ginagawa lang silang TSUBIBO ni Nognog! Hoy, mga TAGA bgys RemBO, PemBO, ComemBO, CemBO, GISING!!!"

Tuesday, May 19, 2015

NOGNOG IS NOT IMMUNE FROM SUITS AND PROBES - SP DRILON

ANA: "Malabong maunawaan (OPAQUE) ng mga pangkaraniwang BOBOtantes ang opinyon ng aboGAGOs ni Nognog, sa pangunguna ngayon ni Harina Roki, na IMMUNE umano si Nognog, bilang isang impeachable at bise presidente, para sampahan siya ng criminal or civil complaints, 'tsaka bawal daw na sumailalim din si Nognog sa mga imbesTIGASyon! Nakanang-ina, maTIGAS na nagiimbento ng PRECEDENT 'tong si Harina Roki para meron siya gagamiting pangSS (jurisprudence) kalaunan?"

LISA: Uh-unga 'ga. 'Yung SNIDE (maliciously derogatory) kase ni Harina Roki against CA at AMLC eh parang nagpaparamdam sa mga DEMAGOGUE (kalaban sa pulitika) ni Nognog, partikular ang mga taga-LP, na kaya rin umanong SUHULAN ni Nognog ang Sereno SC para ideklara nitong UNCONSTITUTIONAL ang ginawang pag-FREEZE ng CA vs 242 bank accounts ng dinastiya at dummies ni Nognog? Kaya naman sumikdo ang heart ni Sen Chiz at HINARUMBA (binatikos) ang mga pahayag ni Harina Roki na SABLAY!"

CION: "Tumpak ka r'yan 'day. Sumawsaw si Chiz ke SP Drilon na nagsabing anyone is NOT immune from suits. Sabad kase ni Chiz - (Even PNoy was investigated, in a way, when the Senate looked into the Mamasapano incident. Even if PNoy was immune from suit, he was not immune from investigation) - o, ha! SIGURADO akong 'di na kakayanin ng aregLAW ng mga aboGAGOs ni Nognog ang Sereno SC. So, 'di kataka-takang PROMISCUOUS (gulong-gulo) ngayon ang kampo BINAYaran. Nang Si, r u oke???"  

Monday, May 18, 2015

ARREST ORDER VS LIMLINGAN, BALOLOY, ET.AL

ANA: "O, pupusta ako, magpapalipad-hangin na naman ang kampo ni Nognog thru PDI ac/dc MyLove aWhore, na WRONG na naman ang order ni senate BRC chair Gunggongna, kaya dapat na i-urong sa halip na isulong ang pag-aresto sa 17 dummies ni Nognog, partikular kina Limlingan at Baloloy na pawang mga bilyonaryo na pala mula pa no'ng meyor ng Mkt si Nognog, o, ha!"

LISA: "Pero merong SNEER (ismid) si SDoJ LdL sa kampo ni Nognog na alam na raw ng NBI kung saang lupalop sa Pinas matatagpuan para damputin lahat ang mga pinangalanang under-arrest batay sa ORDER ng BRC, maliban kina Limlingan at Baloloy, na ultimong PENUMBRA (shadows) umano nila eh hindi nakita ng NBI. Eh, T'YAK na kikita na naman ang CA (cash-advance) sa isyung ito para magSS ng TRO, 'di ba?"

CION: "Nakalulungkot ang biglang PAGBULUSOK ng tiwala ng publiko sa CA na alaga-sa-SUHOL ni Nognog para (SS) magpalabas ng TROs pabor sa kanyang dinastiya, 'di ba CJ Ma. Lourdes Sereno, Your Honor, pls? Ngunit kung susumahin eh 2 bagay lang ang pupuedeng kinaroroonan nina Limlingan at Baloloy KUNG BUHAY PA SILA! Nasa loob ng compound ng Nognog Farm sa Rosario, Batangas o kaya'y nasa abroad, nakalabas ng Pinas gamit ang PEKENG passport! Mga IMBI!!!"  

Saturday, May 16, 2015

PNOY WON'T SACK NOGNOG

ANA: "Para sa'ken eh mas EPEKTIB talaga 'yung desisyon ni PNoy na pabayaan niya itong magdesisyon si Nognog kung kusa itong AALIS o 'DI AALIS bilang isang cabinet member. Para baga itong psywar, eh. Tingnan mo, deretsong makikita ng publiko kung si Nognog eh talagang HAYUK, GAHAMAN at HUTHUTERO kung siya eh hindi kusang aalis bilang TEAM PLAYER kuno ng PNoy administration, see?"

LISA: "Tumpak ka r'yan'ga! Tunay na IGNOMINIOUS (kalait-lait) ang ginagawang PRETEXT ni Nognog porke 'di man lang nangilabot sabihing inutusan daw ni PNoy ang AMLC para mag-release ng report na pinagbasehan ng CA para i-freeze ang 242 bank accounts ni Nognog, his family and all his dummies. Biruin mong sina Limlingan at Baloloy pala eh kapwa bilyonaryo na no'ng Mkt meyor pa lamang si Nognog? Kung bilyonaryo ang mga factotums (ALILA) na sina Limlingan at Baloloy, si Nognog ba'y trilyonaryo na?"

CION: "Hindi na kase tinatablan (IMPERVIOUS) ng hiya si Nognog kaya ayaw nitong umalis na kusa sa gabinete ni PNoy. Mistulang siyang pachydermatous (thick-skinned) na BUWAYA porke handang UMATAKE ng personal ke PNoy kung puersahang palalayasin siya bilang cabinet member. Gagamitin ni Nognog ang mga kayamanang KINULIMBAT mula sa kaban-ng-bayan upang pondohan ang ilulunsad na BOBOtante Power, a la Edsa People Power? Sige, Nognog, isambulat mo 'yang KABALIWAN MO!!!"

Friday, May 15, 2015

NOGNOG HAD 18 ACCOUNTS, NOT 5, IN VARIOUS BANKS FOR THE PERIOD 2008 - 2014

ANA: "O, kitam! Sabi na nga bang MAELSTROM (turbulently confused) na ang utak ni Nognog, kase, 'di na niya matandaan kung ilan talaga ang bilang ng kanyang bank accounts, o, hah! Biruin mong sa loob lang ng 4 na araw, no'ng March 2010 (before the May presidential elections), eh merong pumasok na P99,737.500 total deposit si Nognog sa kanyang individual accounts, ayon sa AMLC records!"

LISA: "Kaya nga pikon-na-pikon na mismo si Nognog, so, sumasabay na siya sa kanyang spookmen na magbigay ng QUIBBLE (maligoy) na pahayag. Kase, kaya raw siya binibira ng Gov't eh dahil siya pa rin daw ang nangunguna sa survey ng BINAYarang False Acia sa pagka-panggulo! PALUSOT! Humarap ka sa imbestigasyon ng OMB at sagutin mo ang taksan-taksang EBIDENS laban sa'yo ng AMLC, buhong!!!"

CION: "Kitang-kita na ang pagka-RECALCITRANT (suwail) ng buong kampo BINAYaran, mula ke Nognog at dinastiya nito, mga aboGAGOs, spookymen, ac/dc mediamen at BOBOtantes na nakabantay sa paligid ng opis ni Dayunyor na pulos MISCREANT (tampalasan), kase, merong libreng pabertdey cake ni Nang Si, lalo na sa mga TAGA ComemBO, PemBO, RemBO at CemBO. Hay, anak-ti-SAL IT kayo!!!"

Thursday, May 14, 2015

BANK ACCOUNTS WERE USED AS MERE CONDUITS OF FUNDS

ANA: "Lalong nagkulay TALONG (livid) si Nognog sanhi ng PINASINGAW ng AMLC sa media re a la COMPARTMENTALIZED (divided into categories to an excessive degrees) nitong 242 bank accounts na pangIMBUDO (conduit) na nakapangalan sa kanya at sa kanyang CLIQUE (exclusive group of bagmen), tulad nina Limlingan at Baloloy. Nag-iwan kase ng BAKAS (traces) ang kanyang mga deposit-withdraw bank transactions. Patay kang bata ka!"

LISA: "Hindi na bata 'yan, oy! Matandang hukluban na si Nognog na gustong magPRISIDINTI para immortalize niya ang kanyang pandarambong mula sa kaban-ng-bayan. PARANOID! Wasak na ang kanyang pagka-IMPERIOUS (paghahari-harian), kasama ang kanyang mga aboGAGOng sina Klaring Cerbeza, JB Butata at aTONGni Kitsoy na a la bitso-bitso ang itsura. Gayun din ang spookmen na sina OGAG Tutubi Tiangko at Joe Salgago. Anong say n'yo, Nang Si, Ube at Dayunyor, hhmmm?"

CION: "Tapos na rin ang paDAWDLE (pag-aaksaya-ng-oras) at SUBTERFUGE (pagkukunwari) ng angkan ni Nognog. Sa ayaw nila't sa gusto eh kelangang HUMARAP sila sa imbestigasyon ng Ombudsman at magpaliwanag kung PAPAANO umabot hanggang alapaap ang tinamong kayamanan ng mga 'to. Ako eh naniniwala sa kasabihang - great plunderers have great enemies. Pero bilang isang enemy ni Nognog, eh, PINAPATAWAD ko na siya bilang isang MABOTENG Pilipino! Getz mo, Nognog?"        

Wednesday, May 13, 2015

P600 M CASH DEPOSITED IN THE BANK IN A SINGLE DAY BY NOGNOG DUMMIES - AMLC

ANA: Wa epek 'yung PAYANIG (warning) ni aTONGni Cerbeza laban ke PDI Reporter Nancy Carvajal. Sa halip na tumiklop eh lalo pang binudburan ng EBIDENS ni Nancy ang 2nd EXPOSE nito vs bilyon-bilyong pandarambong ni Nognog na kagyat na LUMAGABLAB (kumalat) sa publiko dahil sa pahintulot ng CA sa EX PARTE petition ng AMLC to freeze 242 bank accounts of Nognog 'tsaka mga dummies nito!"

LISA: "Nanggagalaiting todo si aTONGni Cerbeza porke pati AMLC Officials eh binantaang idedemanda? NABABALIW na siya 'gaya ng DEMAGOGUE ni Nognog na si OGAG Tutubi Tiangko, eh promiscuous (gulong-gulo) na rin ang isipan, kasama ang mga anak na si Nang Si at Ube na nagsabing kayang-kaya umanong IPALIWANAG ng kanilang ama kung saan galing ang P600 B kuarta ng dinastiya BINAYaran!!!"

CION: Ows? No'n kasing italaga si Nognog na OIC ng Makati ni Tita Cory 3 decades ago, eh isang hamak na human rights lawyer (atty-no-case) lang siya at nakatira lamang ang kanyang pamilya sa isang apartment. Sige, ipaliwanag nga ni Nognog sa publiko kung saan nagmula ang P600 MILLION na  ipina-deposit niya sa bangko no'ng OCTOBER 14, 2014 kina Gerry Limlingan, Mario Oreta at Bernadette Portollano? Kumag!"  

Tuesday, May 12, 2015

CA'S 1ST DIV FREEZES P600 BILLION ACCOUNTS UNDER NOGNOG'S NAME

ANA: "Hindi nahadlangan ng BINAYaran camp ang PAGSAMBULAT ng balita ngayong umaga (13th of May), re P600 BILLION bank accounts under Nognog's name! Kasama rin dito, ayon sa SCOOP (sensational piece of news) ni Nancy Carvajal, ang 32 pang dummies na ginagamit din kuno ni Nognog sa pagtatago ng mga KINULIMBAT nitong kuarta, sa ORDER ng 1st Division ng Court of Appeals (CA) para i-FREEZE ang 242 accounts na naka-deposito sa ibat-ibang bangko. Biruin mo 'yon?"

LISA: "Ay naku, hindi biro-birong balita 'yan para ke Maila Ager, ang PEBORIT ac/dc reporter ni Nognog, noh! Kase, sigurado ako na kahit alam ito ni Maila, eh hindi rin niya gagamitin ang istorya lalo't makasasama ito sa imahe ni Nognog at ang kaCOMPLICIT (kasabwat) nitong mga jusTIIS DIN ng CA na KINARGAHAN ng P50 M SUHOL para sila'y mag-isyu ng TRO at sagkaan ang 6 mos suspension order ng OMB vs yorme Dayunyor ng Mkt. Kaya nga until now eh ayaw bumaba sa kanyang opis. Buhong!!!"

CION: "Kasalukuyang nagbuBUNYI ang netizens sa buong mundo re pagFREEZE ng 1st Division ng CA ng P600 BILLION DINAMBONG ni Nognog mula sa kaban-ng-bayan simula pa no'ng italaga siyang OIC ng Makati ni Tita Cory, 3 dekada na ang nakalilipas, at naka-deposito sa iba't-ibang bangko. Ang AKSIYONG ito ng CA 1st Div, sa aking palagay, kahit pa'no eh NAIBSAN ang GALIT ng publiko against Court of Appeals, partikular kina CA jusTIIS Reyes at Acosta na nagbeBENTA ng TRO. 'Kakahiya kayo!"

Monday, May 11, 2015

TEMPLATE OF CORRUPTION

ANA: "Hindi ba ang TEMPLATE (hulmahan) eh ginagamit para magHUGIS 'gaya halimbawa ng tinunaw na bakal na ibubuhos sa template ng mga gagawing TABAK o PANAGA? Eh kase, si Nognog pala, sabi ni Sen Trillanes, eh nag-IMBENTO ng template na ipinorma n'yang hugis tabak na pangTAGA no'ng meyor pa lamang siya ng Mkt, o ha!"

LISA: "Hindi ko malirip 'yang ibig sabihin ng template o hulmahan ni Nognog 'ga. Pero me SAPANTAHA ako na inimbento ni Nognog 'yang ganyang uri ng hulmahan ng tabak para pagtaTAGAIN ang mga TAGA-bgy ComemBO, PemBO, RemBO at CemBO sa Makati. Contiguous (dikit-dikit) kase ang mga barangay na nabanggit kung saa'y do'n din itinayo ang OSMAK at UMAK na balwarte ng mga BOBOtantes, 'di ba?"

CION: "Oy 'day,'wag naman masyadong GRAFF (magaspang) 'yang satire mo laban ke Nognog. Eh kase, WALA nang maiSAGOT ang mga retained lieyers ni Nognog, 'gaya ni aTONGni Cerbeza, aTONGni JB Butata, aTONGni Kitsoy, maliban sa gasgas nilang template na - PULITIKA LANG 'YAN! Bagkos, lutang-na-luTANG NA talaga ang template of corruption ni Nognog! Itapon sa CALABOOSE 'yan!!!"

Sunday, May 10, 2015

IS A SITTING VICE PRESIDENT OF THE PHL IMMUNE FROM SUIT?

ANA: "Naku, 'kakanerbiyos naman ang feeling ko! Kase, kitang-kita na NAKATANGHOD ang buong sambayanan ng Pilipinas sa magiging desisyon ng SC! Papanigan kaya ng SC ang aksiyon ng OMB that Nognog will be INDICTED and have to defend himself in the Sandigan Bayan (SB)? Hay, sana Lord, para namang HINDI na makasingit pa ang CA para magpalabas uli ng TRO base sa kanilang aregLAW na loaded ng SUHOL, o, 'di ba?"

LISA: "Wala pang jurisprudence (the science of law) dito sa Phl para pagbasehan ng HATOL ng SC re VP Nognog's indictment. Pero kung ibabase sa US jurisprudence, sina US Vice Pres Aaron Burr (3rd US Veep - 1809) at Spiro Agnew (37th US Veep - 1969) na pareho noong sitting VPs eh kapwa NAKALABOSO, kase, si Burr eh tinigok 'yung aide-de-camp ni Pres Washington, at si Agnew, no'ng Maryland governor siya, eh naPROVED ng court na regular na tumatanggap ng SUHOL 'gaya ni Nognog! O, ha!"

CION: "Malaki ang tama mo, 'day, bilib ako. Tingnan mo, 'yung TRO na ibinase rin sa US jurisprudence (condonation doctrine) na inilapat ng CA pabor ke Mkt meyor Dayunyor at KARGADO ng P50 M SUHOL kina CA jusTIIS Reyes at Acosta, eh 'yun din doktrinang 'yon MISMO ang baka MAPAWALANG-SAYSAY ng SC, sa palagay ko, laban sa TRO ng sinuhulang CA, para maituloy ng OMB ang pagsasampa sa SB ng kasong pandarambong ni Nognog, et al! See???"  

Friday, May 8, 2015

OMBUDSMAN FOUND PROBABLE CAUSE TO INDICT NOGNOG, ET.AL

ANA: "Hindi ba parang OMINOUS (nagbabanta) pa ang PALUSOT ni Joe SalGAGO laban sa OMB porke dapat daw eh hintayin muna nito ang desisyon ng SC re TRO na inisyu ng CA na kargado ng P50 M SUHOL kina jusTIIS Reyes at Acosta, bago raw magkaroon ng INDICTMENT (ipagsakdal) ng OMB si Nognog, Dayunyor at 22 iba pa sa Sadigan-Bayan (SB) na WALANG-PIYANSA?"

LISA: "Mistulang natubing-palaka sa ingay ang mga BINAYarang FACTOTUM na TANGApagtanggol ni Nognog et al, kaya MAGASPANG (graff) at boorish (bastos) ang kanilang pangangatuwiran. Ayaw nilang aminin na hindi SAKLAW ng power ng court na hadlangan ng TRO ang inisyu ng Ombudsman under its CONSTITUTIONAL POWER, ang 6 months Suspension Order vs Mkt meyor Dayunyor, o, 'di ba?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day! Binubuliglig lahat sila ng nerbiyos kase, pa'no pa sila mamaMAYAGPAG sa paglustay ng kuartang RETAINED sa kanila ni Nognog 'gaya ng tinatanggap ni Klaring Cerbeza, o, ha? Kahit 'tanong mo pa kina aTONGni JB Butata 'tsaka aTONGni Kitsoy na a la bitso-bitso ang itsura, eh t'yak, GUGUTUMIN sila kung makukulong si Nognog, et al, before May 2016 elections, PEKSMAN!"    

Wednesday, May 6, 2015

SET ASIDE FUNDS FOR CONTINGENT EXPENSES

ANA: "Matalinghaga 'yung BANAT ni Sir Randy re contingencies of solidarity para sa mga Pinoy IDOLS, 'gaya nina Pacman, Mary Jane Veloso, 'tsaka si Nognog na kakandidatong panggulo ng Phl sa 2016 presidential elections, noh? Si Pacman kase, ayon ke Sir Randy, is a BETTER HUMAN BEING kumpara ke Mayweather na nanggugulpi ng asawa, so, kelangang siya DAPAT ang nanalo, see? Samantala, si MJ eh 'di siya dapat ma-firing squad porke isa lamang siyang young mother and NOT necessarily a drug courier!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero para sa'ken, ang pinakaKAPURAL sa tatlong idol na binanggit mo eh si Nognog, 'tsaka ang kanyang CLIQUE! Si Nognog kase ang merong MABANGIS na halimuyak subalit masigasig pa ring NILALANGHAP ng mga BOBOtantes at ng mga jusTIIS ng CA, porke, patuloy silang tumatanggap ng pondo (makapal-na-sobre) para sa CONTINGENCIES OF SOLIDARITY, ayon sa allegory (talinghaga) ni Sir Randy, o, 'di ba?"

CION: "Well, isa lamang 'tong SUBTERFUGE (pagkukunwari) na pinakakalat ng mga amuyong ni Pacman, ng mga kaliweteng handlers ni MJ, 'tsaka ng clique ni Nognog para sa mga BOBOtantes bilang mga IDOLS na sinasamba! Kase, sadyang nilalason ng Pacman Team, ng mga kaliweteng MJ handlers, 'tsaka ng BINAYaran factotums ni Nognog ang kaisipan ng mga Pilipino EXTREMES! Sila 'yung mga BOBOtantes na inaanggihan ng kilong bigas at sardinas at CA jusTIIS na sinusuhulan mula sa taxpayers' money! O, ha?"

Tuesday, May 5, 2015

GRAFT PROBE VS JACK ARROYO, A NOGNOG DUMMY

ANA: "Tila wala nang katapusan ang PAGLUTANG ng iba't-ibang aktibidades ng pandarambong ni Nognog mula sa taxpayers' money na hanggang sa sumandaling ito eh ayaw nitong sagutin ng personal sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado at ng Ombudsman. Klaro ang paliwanag ni Atty Bondal re UMak-STI partners-in-crime na nag-create ng isang RAKET, ang Philippine Health Educators Inc bilang kanilang PALABIGASAN! O, 'lamo'yon?"

LISA: Hay, NAKAKAGIGIL!!! Ayon sa litanya ni Atty Bondal eh tig-40% kuno ang hatian sa RACKET ng UMak at STI. Samantala, 20% naman ang pumapasok sa bulsa ni Jack Arroyo na klarong IMBUDO (dummy) ni Nognog, 'di ba? Sabi pa ni Bondal, si Jack Arroyo eh hindi raw stockholder ng UMak/STI Inc, so, what LOGIC bakit binibigyan siya ng 20% ng SABWATANG (complicit) UMak/STI, ha? 'Tsaka, puede kayang i-verify ng BIR kung tama ang BINAYarang tax nitong si Jack, Madam Kim, pls?"

CION: "Sinagot agad ng kampo ni Nognog ang resulta ng imbestigasyon ng senate BRsC kahapon - PULITIKA LANG 'YAN! Pero 'yung EBIDENS na iprinisinta sa BRsC ni Bondal eh 'di puedeng IKAILA ng kampo ni Nognog porke galing 'to sa SEC. Nakasaad do'n ang pangalan ng mga incorporators, sina: 1. Tomas Lopez, 2. Eusebio Tangco, 3. Monico Jacob, 4. Yolanda Bautista, 5. Ernesto Santos, at 6. Alfredo Cruz. Ang UMak nga pala RANKED 92 in Board Exam out of 92 nursing schools! Ukinnanamet!"

Sunday, May 3, 2015

SC's RULEMAKING POWER VS OMB's CONSTITUTIONAL POWER

ANA: "Sobrang madrama at 'di pangkaraniwan (ECCENTRIC) ang balitaktakan ng mga BINAYaran lawyers vs SolGen Florin Hilbay re condonation doctrine against OMB's constitutional power no'ng April 22 hearing sa Supreme Court. Iginigiit kase ng mga abogado ni Dayunyor na ang (TRO is a matter of court procedure and the high court has the sole power over procedure, invoking the SC's so called RULEMAKING power). Tama ba 'yon?"

LISA: "Hindi! Sabi ni SolGen Hilbay - (Ombudsman Act prohibits TRO's that would delay an Ombudsman investigation!) Ang creation kase ng opisina ng Ombudsman eh constitutional. Therefore, constitutional power ito ni Omb Conchita Morales nang ISYUHAN niya ng 6 mos suspension order si Dayunyor. Hindi ako abogado, pero sa palagay ko, 'yung rulemaking power ng SC, ayon sa palusot ng BINAYaran lawyers, eh pahiran na lamang ng DEODORANT ni CJ Sereno to KILL the rulemaking power of SC, o, 'di ba?"

CION: "Oy, sobra ka namang makainsulto, 'day! 'Nong akala mo sa BINAYaran lawyers, nagtataglay DIN sila ng HALIMUYAK (fetid) ng kili-kili 'gaya ng mag-amang Nognog at Dayunyor? So, anong BRAND ba ng DEODORANT ang epektibo din para sa mga bubae, 'gaya nina Nang Si, Ube, 'tsaka si doktora? Ang pakiramdam kasi nila eh IMPERVIOUS (hindi tinatablan) sila ng ano mang klase ng PANGLALAIT dahil taglay din nila ang a la pachydermatous-skin na kulay sunog ng amang si Nognog, NAKASOBRE???"  

Saturday, May 2, 2015

INGRATE!!!

ANA: "Halatang DAYUKDOK (famish) sa pondo ang mga kaliweteng BINAYaran ni Nognog, kase, sa halip na magamit nila 'yung orig na script, kung natuloy SANA ang pagtigok by firing squad ke MJ sa Indonesia, eh BINURA (palimpsest) at pinalitan ang script. Kase, sa halip na grupo ng kaliwete ang direktang babatikos ke PNoy, eh ginamit nila ang ina ni MJ para ipahayag na hindi si PNoy ang nagligtas ke MJ! Ito'y para makasingil ang grupo ng kaliwete ng pondong kinurakot mula ke Nognog?"

LISA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng PALIMPSEST, ha? 'Tsaka, how can you connect the dots? Kase, REPRIEVED (to delay the execution of a person condemned to death) lang naman si MJ sa kasong drug trafficking at hindi pa talaga siya ligtas sa orig niyang sintensiyang firing squad sa Indonesian 'di ba? So, malinaw na mawawalan ng DAHILAN ang mga BINAYarang kaliwete ni Nognog kung AAMIN silang si PNoy nga ang nagligtas sa buhay ni MJ. Tiyak na hindi sila bibigyan ng pondo ni Nognog para manggulo!!!"

CION: "Oke! Palimpsest is a manuscript on which 2 or more successive texts have been written, each one being ERASED to make room for the next! Batay sa orig na script, ang mismong grupo ng kaliwete ang babatikos ke PNoy kung natuloy ang pagbitay ke MJ. Ito'y para makasingil sila ng pondo mula ke Nognog para makapag-rally. So, malinaw na GINAMIT ng kaliwete ang INGRATANG ina ni MJ upang BALUKTUTIN ang tunay na istorya re kung bakit naREPRIEVED si MJ, para muling makapanggulo?"

Friday, May 1, 2015

BALIKATAN LIVE FIRE EXERCISES IS DISTINCT FROM BALIKATAN HOUSING FINANCE INCORPORATION

ANA: "Hindi ba parang BROWBEATING (paninindak) ang ginagawa nitong si Capas, Tarlac meyor Tonyo Rodriguez ke BALIKATAN exercise director Vice Adm Alex Lopez? Eh, kelangan daw kasing magbayad sa Capas local gov't ang US Gov't for economic losses! Kase, ang Crow Valley daw na pinagdarausan ng BALIKATAN training for live firing ng Fil/Am soldiers, sabi ni Tonyo, eh nagsisilbing ISTORBO para sana kumita ang mga tourist guides na AETAS mula sa mga FORENJER tourists na aakyat ng Mt Pinatubo lake!"

LISA: "Ay, LUDICROUS (katawa-tawa) talaga na sobrang PUROL ang utak nitong si meyor Tonyo, a la utak ni meyor Dayunyor na nagmana ke Nognog! Akala SIGURO ni meyor Tonyo, ang BALIKATAN exercise ng Fil/Am soldiers at ang BALIKATAN Housing Finance Incorporation ni FEDERICO CADIZ, JR are only one and the same ENTITY? Clearly, gustong KIKILAN din ni meyor Tonyo ng halagang P900 K daily ang Balikatan, 'gaya ng pangngikil ni Nognog ke housing developer Delfin Lee ng P200-M, 'di ba?"

CION: "Isang uri ng BADGER (to pester) ang paratang na'to ni meyor Tonyo vs Adm Lopez porke si Tonyo na lang ang 'di naka-aalam na ang kabuuang 19,972 hectares ng Capas, Tarlac, eh 53% ang sakop ng military reservation areas, kabilang ang Crow Valley na dinaraanan paakyat ng Mt Pinatubo. So, exclusive ang teritoryong ito ng AFP is for their yearly Balikatan exercise ONLY! So, iba ito sa Balikatan Housing Finance Inc ni Federico Cadiz, Jr na PALABIGASAN ni Nognog! O, Bobong Tonyo, INTIENDE?"