Friday, May 1, 2015

BALIKATAN LIVE FIRE EXERCISES IS DISTINCT FROM BALIKATAN HOUSING FINANCE INCORPORATION

ANA: "Hindi ba parang BROWBEATING (paninindak) ang ginagawa nitong si Capas, Tarlac meyor Tonyo Rodriguez ke BALIKATAN exercise director Vice Adm Alex Lopez? Eh, kelangan daw kasing magbayad sa Capas local gov't ang US Gov't for economic losses! Kase, ang Crow Valley daw na pinagdarausan ng BALIKATAN training for live firing ng Fil/Am soldiers, sabi ni Tonyo, eh nagsisilbing ISTORBO para sana kumita ang mga tourist guides na AETAS mula sa mga FORENJER tourists na aakyat ng Mt Pinatubo lake!"

LISA: "Ay, LUDICROUS (katawa-tawa) talaga na sobrang PUROL ang utak nitong si meyor Tonyo, a la utak ni meyor Dayunyor na nagmana ke Nognog! Akala SIGURO ni meyor Tonyo, ang BALIKATAN exercise ng Fil/Am soldiers at ang BALIKATAN Housing Finance Incorporation ni FEDERICO CADIZ, JR are only one and the same ENTITY? Clearly, gustong KIKILAN din ni meyor Tonyo ng halagang P900 K daily ang Balikatan, 'gaya ng pangngikil ni Nognog ke housing developer Delfin Lee ng P200-M, 'di ba?"

CION: "Isang uri ng BADGER (to pester) ang paratang na'to ni meyor Tonyo vs Adm Lopez porke si Tonyo na lang ang 'di naka-aalam na ang kabuuang 19,972 hectares ng Capas, Tarlac, eh 53% ang sakop ng military reservation areas, kabilang ang Crow Valley na dinaraanan paakyat ng Mt Pinatubo. So, exclusive ang teritoryong ito ng AFP is for their yearly Balikatan exercise ONLY! So, iba ito sa Balikatan Housing Finance Inc ni Federico Cadiz, Jr na PALABIGASAN ni Nognog! O, Bobong Tonyo, INTIENDE?"

No comments:

Post a Comment